Chapter 18

9.3K 186 1
                                    

Chapter 18

'Between them'

Ahli's POV

You're confusing me ahlisha..

PESTE! Bakit ba hindi mawala-wala sa isip ko yung sinabi niya? Argh! Naiinis na ako! Kanina pa ako pagulong gulong dito sa kama ko at hindi pa ako dinadalaw ng antok!

Kasalanan yun ng damuhong yun! Ano bang pinagsasasabi niya sakin kanina? Confusing daw? Inaano ko ba siya? Bakit naman siya nalilito at bakit may kinalaman ako dun? Argh! Nakakainis ang lalakeng yun! Ako ngayon ang nalilito dahil sa pinagsasasabi niya kanina! Bwisit na yun!

Napabuntong hininga na lang ako at tumitig sa kisame. Ang hirap matulog lalo na't bumabagabag sa akin ang sinabi niyang yun. Napaka misteryoso talaga ng lalakeng yun. Ang hirap niyang basahin.

Pero...

Pero hindi ko maitatangging, napagaan niya ang loob ko kanina. Masarap naman siyang kasama kaso nga lang, hindi mawawala ang pagkainis ko sa kanya. Palagi pa din akong naasar sa kanya. Tsk. Ewan ko ba kung saan pinaglihi ang damuhong yun.

Hayst! Matulog ka na ahli!

Argh! Hindi pa ako inaantok!

Ano bang ginawa mo sakin?

**

Kinabukasan...

"Wahahahaha!"-yan ang unang bumungad sa akin pagkapasok ko pa lang ng classroom.

Pagkaupong-pagkaupo ko pa lang sa tabi ni ayna at rondrick, humagalpak na sila ng tawa.

Mga walangyang to! Lakas mang trip, umagang umaga.

"Nyahahaha! Bakit ang laki ng eyebug mo?! Para kang zombie!"-kutya ni ayna sa aking tabi habang tumatawa pa,

Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi niya pinansin.

Grr...ang sarap sapakin ng babaeng to!

"Hindi siguro nakatulog dahil sa date nila ni zadkiel."-biro naman ni rondrick sa tabi ni ayna.

Saka ko lang naalala ang nangyari kahapon. Tandang-tanda ko pa ang halikan nilang dalawa sa aking harapan. Kaya lalo kong naramdaman ang kirot sa dibdib ko.

Bakit ang hirap kalimutan yun?

Parang dinudurog ang puso sa pangyayaring yun. Yung pakiramdam na umaasa kang pwede kang magustuhan ng kaibigan mo. Yung isiping, magkaka gusto din siya sa akin. Yung pakiramdam na akala mo, magugustuhan din niya ako. Pero lahat ng yun ay 'akala' lang. Dahil may mahal siyang iba at hindi ako yun. Hindi kailanman magiging ako dahil kaibigan lang niya ako. Hindi na hihigit dun.

Hindi ko namalayang bumuhos ang luha ko sa isiping yun. Naalarma naman ang dalawa sa tabi ko pagkakita nila sa mga luha kong hindi na ata matigil sa pagagos.

"Hala! Sabi na nga ba at naaasar na natin si ahli!"-hiyaw ni ayna at saka ako niyakap. "Sorry besh! Ito naman, di na mabiro. Ang ganda mo kaya! Ano ba to, umiyak na agad. Ang ganda mo kahit may eyebug ka!"-pang uuto niya pa at saka ako niyakap ng mas mahigpit kaya lalo akong napaiyak.

May kasama pang hagulgol kaya lahat ng mga kaklase namin eh napatingin na sa akin. Pero wala akong pake! Gusto kong ibuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko. Napakabigat ng loob ko at hindi ko kayang kimkimin lahat ito. Nasasaktan ako.

"Aish! Ano ba kayong dalawa. Nakakahiya kayo."-bulong samin ni rondrick habang napapakamot sa ulo.

"Ikaw kasi love eh! Inasar mo pa."-bintang ni ayna sa jowa.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon