Chapter 40

8K 207 4
                                    

Chapter 40: 'Confession'

Ahli's POV

Mabilis akong tumalikod at tumakbo papalabas sa lugar na yun. Ayoko mang ipakita sa kanyang nasasaktan ako, di ko na napigilan ang pagbuhos ng luha ko sa harapan niya.

At ng di ko na nakayanan ang malamig niyang titig ay deretso na akong umalis dun. Hindi ko kayang manatili dun lalo na't pakiramdam ko ay sasabog ang halo-halong emosyon ko. Nasasaktan ako at pakiramdam ko nahihirapan akong huminga dahil kanina pa patuloy sa pag agos ang luha ko.

Sinubukan akong tawagan ni ayna pero sadyang wala akong gustong dinggin ngayon. Pakiramdam ko sarado ang tenga sa mga naririnig ko.

Di ko mapigilang alalahanin kung paano ba ako nagkagusto sa kanya.

Paano nga ba?

Eh wala nga siyang ginawa kundi ang asarin ako. Unang pagkikita pa lang namin, ayaw na namin sa isa't-isa. Nagsimula kami sa away. Nagsimula ko siyang kinainisan pero hindi ko aakalaing ganito hahantong ang nararamdaman ko para sa kanya.

Habang tumatagal, habang nakikilala ko siya tuluyan ng nahulog ang damdamin ko. Sa mga pinapakita niya sa akin, sa mga effort na ginagawa niya tuluyan na akong nagpadala sa pakiramdam ko sa kanya.

Tangina lang dahil hindi ko napigilan. Tangina lang dahil sa kanya pa ako nahulog.

Wala sa sarili akong napunta sa salas ng mansion. Lalong lumakas ang tugtog at wala ng masyadong tao dito. Siguro, umuwi na ang ilan at hindi ko na alam nagtungo ang iba. Mayron pa namang tao pero kokonti na lang. May nakaupo sa couch habang nagiinum. May nagsasasayaw pa at ang ilan ay nagke-kwentuhan sa gilid.

Umiwas lang ako ng tingin dun at saka ko napansing may bar counter din pala dito sa bahay nila thamy.

Tsk. Ganun siya kayaman. Para akong nanlumo sa isiping yun. Ano ba namang laban ko dun? Maganda siya, magaling kumanta, hindi na ako magtataka kung matalino din siya, gusto ng nakakaramihan, komportableng kasama at higit sa lahat mayaman.

Talagang siya ang pipiliin ni khanz. Kompara sa akin na walang walang. Butas pa ang bulsa.

Natawa ako ng mahina. Di ko na namalayang patungo na ako dun sa bar counter. Ewan ko ba pero pakiramdam ko kailangan kong kalimutan ang nasaksihan ko kanina.

Akalain mong ang bilis din pala niyang magbago. Alam kong wala akong karapatang magreklamo pero hindi ko mapigilan ding mainis sa kanya. Di ko aasahang sa ganung sitwasyon pa talaga ko sila makikita. Nagawa niyang makipaghalikan samantalang ako ay pilit na winawaksi siya sa isipan ko pero mahirap. Anong sa tingin niya, ganun na lang kadali?

May mga ilang bote ng alak dun na nakalapag at hindi pa talaga bukas. May mga ilang baso sa gilid kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na kunin yun at magsalin. Mabilis akong umupo dun at muling tumulala sa kawalan.

Pakiramdam ko para akong pinagtaksilan. Kung masaktan ako parang may namagitan samin eh wala naman. Tsk. Bakit naman kase ako iiyak diba? Sino ba siya? Hindi ko naman siya naging syota o ano. Kaya anong karapatan kong mag emote? Di na talaga ako aasa. Mamatay ang aasa. Sawamg sawa na akong masaktan. Pesteng buhay.

"Miss, mag isa ka lang? "-nabaling ang tingin ko ng may biglang nagsalita sa aking tabi.

Dahil sa kaiisip ko, di ko na namalayang may tao na pala sa tabi ko.

Tinignan ko lang siya at saka nilagok ang laman ng baso ko.

"Ano sa tingin mo?"-walang gana kong turan at muling nagsalin.

"I like you."-natatawa niyang tugon at napailing iling.

Kahit di ko siya pagmasdan, alam kong gwapo siya. Sa tingin ko hindi siya nag aaral sa St. Montris dahil sa pisikal na anyo pa lang niya, galing sa mayaman na pamilya ito. Hindi ko alam kung may lahi to pero pakiramdam ko amerikano to. Kulay blue ang mata eh.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon