Chapter 4

14.3K 208 6
                                    


HIS OTHER SIDE.

Ahli's POV

Gigil kong kinagat ang sandwich ko at saka galit na ngumuya.

d>_<b

Ramdam na ramdam ko pa din ang inis sa dibdib ko. Mukhang mahirap yun matanggal dahil naiisip ko parin ang kahihiyan ko kanina! Hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa sa akin ng lintik na yun! Naiinis ako!

Matunog kong nilunok ang pagkain ko at saka sumubo ng malaki!

Magkasalubong ang kilay kong pinagmamasdan ang mga studyanteng naglalakad sa harapan ko habang kumakain ng sandwich.

Nakaupo ako ngayon sa bench ng garden. Buti na lang at may silong dito baka kanina pa ako nahimatay sa sobrang init!

Muli kong naalala ang bwiset na lalakeng yun! Bakit ba nuknukan ng kayabangan yun? Sa twing tumitingin siya sa akin parang gusto ko siyang sapakin. Sa twing makikita ko pagmumukha niya kumukulo dugo ko. Sa twing ngingisi siya lalo akong naiinis!

Sa dami ba namang tao, siya pa ang nakasalo lahat ng kayabangan noong nagsaboy si Lord?!

Nakangiwi kong kinagat ang panghuling pagkain ko at saka sumandal sa upuan ko.

"Miss...."

"Ay t*ang*nang baklang yan!!"-gulat ko naibulalas at bahagya pang napatalon sa kinauupuan ko!

dO_Ob--> ako.

"Pwedeng magtanong?"-dahandahan akong napaharap sa tatlong lalake na....

"Pfttt..."-mahinang bungisngis ko dahil pareho silang lahat na naka pormal suit tapos pare-pareho pa silang naka red na neck tie!

Pfftt...wahahaha! Saan naman nanggaling ang mga to?

"Nagtatanong na po kayo...hehehe."-pilit na biro ko pero sinimangutan lang nila ako!

Ay! Hindi na mabiro?! Seryoso naman ng mga to. Tsk.

"Ah, hehehe....ano po yun?"-mabilis kong bawi at saka kunwari pang natawa.

Mahirap na, baka mag ala jackie chan pa silang tatlo. Wala akong laban sa porma nila eh.

dT_Tb

"May mga kakilala ka bang kaka transfer lang dito?!"-walang emosyong tanong nung nasa gitna.

Nakaramdam naman ako ng konting pagtataka.

Bakit sa akin pa nagtanong ang mga to, kung pwede namang sa principal o di kaya'y mga teacher?! Wierd.

Palihim akong napailing. Ano ba tong iniisip ko. Tsk.

"M-meron naman pong mga transferee dito pero wala akong kilala eh."-sagot ko kaya nagkatinginan silang tatlo na animo'y nag uusap sa pamamagitan ng kanilang tinginan.

Magsasalita pa sana ako kaso bigla na lang akong linayasan ng mga loko?

d>_<b

Anak ng tokwa! Bakit ba ganito na ang mga ugali ngayon ng mga tao? Ni hindi nga ako magawang sabihan ng 'sorry' pinagkait pa sa akin ang 'thank you'?

Mga letse! Magsama-sama kayong mga walang pinag aralan! Tse!

Inis na naman akong lumayas doon at saka dumeretso na sa classroom namin.

Khanz's POV

"Khanz! Hoy gago saan ka nagpunta? Naka punta ka na sa canteen?"-takang tanong ni renzo ng makita nila ako. Sinabayan nila ako sa paglalakad.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon