Chapter 25

8.9K 142 0
                                    

Chapter 25: 'At the Party'

Ahli's POV

"Wahahaha! Ano ba yang suot mo ahli? Pupunta tayo sa party hindi tayo tatambay!"-hagalpak na tawa ni ayna habang linalait ang suot ko.

Kanina pa to dada ng dada pero nagtitimpi na lang ako dahil baka masipa ko pa diya palabas ng kwarto ko.

"Kung makalait ka parang hindi ka heartbroken ah."-pang aasar ko sa kanya kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Huwag mo ngang banggitin yan."-irap niya at saka maghalungkat sa drawer ko.

Nalaman ko lang kanina na break na sila ni rondrick. Sa totoo lang, nanghihinayang ako sa relasyon nila. Sa tagal ba naman nitong mag syota ngayon pa nagkahiwalay? Kita ko maman ang pagmamahal ni rondrick kay ayna eh pero hindi ko maintindihan kung bakit nambabae pa ang gago. Sayang yung relasyon nila. Tsk. Tsk. Yan talaga ang prweba ng salitang 'walang forever' lol.

"Ano ba tong mga damit mo?! Wala ka man lang dress?!"-wika pa niya habang tutok sa paghahanap ng mga damit ko.

Bumuntong hininga na lang ako at humiga sa kama ko. Hinayaan ko na lang siyang maghalungkat. Wala naman siyang makikita, maghirap siya diyan.

Birthday kase ngayon ni ate zaynah. Kapatid ni zad. Napalapit na rin sa amin siya kaya naman magkakakilala na kami. Sa bahay nila zad gaganapin yung party at paniguradong enggrande yun. Mayaman eh at saka kilala ko na si ate zaynah. May pagka arte at taray yun pero pagdating sa amin, mabait yun.

"Suko na ako! Napaka pangit ng mga damit mo!"

>>_<<

"Wala ka man lang dress kahit ni isa? Kung kumuha na lang kaya tayo ng kurtina at yun na lang ang gamitin mo---"

"Tigil-tigilan mo kakadada mo. Porket naka dress ka na, pati kurtina dinamay mo."-ismid ko sa kanya na ikinairap niya.

"Fine, fine---"

"Huwag mo kong englishin, isa ka pa!"-dinuro ko siya.

"Tsk. Nagmumukha kang tomboy sa suot mo."

"Bitter!"-wika ko at binato sa kanya yung unan ko. Ayun sapul sa mukha.

"Sabi ng huwag kang babangit ng ganun eh!"-nguso niya at saka tumalikod kunyari sakin.

Ngumiwi na lang ako at saka muling tumitig sa kisame.

Alam ko namang mahihirapang mag move on ang babaeng to eh. Mahal na mahal niya si rondrick at impossibleng malilimutan niya agad ito. Mahirap kase sa relasyon, nahihirapang magtiwala ang bawat isa. Kapag nakita mong may nagawa yung lalake, syempre palaging yung emosyon yung inuuna ng babae kaya minsan nauuwi sa away dahil hindi muna inaalam ang dahilan nung lalake.

Gusto kong sabihin kay ayna na pakinggan niya muna si rondrick pero dahil mabait ako (-.-) reresputuhin ko desisyon niya.

Napalingon ako kay ayna ng makarinig akong may tumatawag sa kanyang cellphone.

"Ha? Ah, oo. Papunta na kami diyan."

"Sino yan?"-tanong ko pagkababa niya ng tawag.

"Boyfriend mo."-biro niya na ikinasimangot ko.

Nginisihan niya ako na may halong pang aasar. "Oh, bakit ganyan itsura mo? Totoo naman diba? Boy friend mo si zad."-diniinan niya pa yung salitang boyfriend na lalong kinasalubong ng kilay ko.

Mabilis kong hinablot yung unan ko at saka binato sa kanya dahilan para ma out of balance pa siya at saka magulo ang buhok niya.

"Aray ko ha! Binibiro lang kita. 'To naman, parang hindi na friendzone."-inayos niya yung buhok niyang nagulo at saka kinuha ang sling bag niya.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon