Chapter 34

7.9K 188 2
                                    

Chapter 34: 'Past'

Ahli's POV

"Ahlisha, anak..."-gumagaralgal ang boses niyang sambit habang patuloy ang pagagos ng kanyang luha.

Di ko mapigilang magulat sa kanyang sinabi. Sinong hindi diba? Ang pagkakaalam ko wala na akong ibang nanay kundi si mama lang. Paanong siya ang magiging nanay ko? Hindi ko naman siya kilala.

Napatingin ako kina norine na may bahid na pagtataka. Nagkibit balikat lang siya at saka sabay sabay silang lumabas ng silid.

Katahimikan ang namutawi sa paligid. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.

"S-sino ka?"-pinilit kong itanong kahit nahihirapan ako. Nagtama ang paningin namin.

Di ko alam pero ramdam kong nasaktan siya sa tanong ko. Anong magagawa ko? Hindi ko naman talaga siya kilala.

Tumikhim siya at saka ako nginitian, pero hindi yun umabot sa kanyang mata. Kahit pala sa personal, nakakagaan ang ngiti niya. At hindi ko maipaliwanag kung bakit.

"I'm Aleyah Alcantara."-pakilala niya at saka naupo sa dating pwesto nila norine. Pati pag upo niya at pananalita ay napaka pormal.

Pero wala akong kilalang ganun ang pangalan. Wala pa akong nakakasalamuhang ganun ang apelyido at wala namang binabanggit sa akin si papa.

"Y-yung litratong nakita ko...bakit nandun kami ni papa?"-naguguluhan kong tanong. Nagulat siya sa tanong ko. Siguro, hindi niya inaasaha'ng nakita ko ang larawa'ng yun. Pero agad din naman siyang nakahulma at huminga ng malalim.

"H-hindi mo ba talaga ako natatandaan anak?"-halos pumiyok pa ang boses niya ng banggitin ang salitang anak.

Kumunot ang noo ko at napailing.

"Nagkakamali po ata kayo. Hindi ako ang anak niyo."-depensa ko pero umiling siya.

"Ako ang totoo mong ina. Why didn't leo told you?"-naguguluhan niyang aniya.

"Pinagloloko niyo po ba ako? Hindi ikaw ang nanay ko. At bakit kilala mo si papa?"-di ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko.

Paano niya masasabing ako ang anak niya? Naguguluhan na ako.

Bumuntong hininga siya at lumapit sa akin. Yumuko siya sa harapan ko at hinaplos ang pisngi ko. Ewan ko pero tila nakaramdam ako ng nakakagaang pakiramdam na kailanman ay hindi magawa ni mama. Ibang haplos, na nagbibigay sa akin ng kaginhawaan.

"Magkapareho tayo ng kwintas anak. Bigay sa akin ni leo to ng magkahiwalay kami."-maalumanay niyang sambit at linabas ang kwintas sa kanyang leeg.

Nanlaki ang mata ko sa gulat ng makita yun. Mabilis kong hinawakan ang kwintas ko at pinagmasdan. Magkapareho nga kami! Pero walang nakaukit sa singsing na pendat niya. Yun lang ang nagkaibahan namin, pero magkaparehas na kami ng kwintas.

Paanong nangyari yun?

"P-pero walang sinabi sa akin si papa..."-halos pabulong kong tugon at napayuko.

Hindi ko napansin na nahulog na ang mga luha ko sa aking pisngi. Ano bang mararamdaman ko? Iba pala ang ina ko at pinaniwala ni papa sa akin na si mama ang totoo kong ina. Kaya ba ganun na lang ang trato sa akin ni mama dahil hindi niya ako anak?

Umupo sa tabi ko si miss aleyah at hinawakan ang kamay ko.

Hindi ko siya pinansin at nanatili lang akong nakayuko habang malalim na nag iisip.

"Baby ka pa lang noong may humahabol sa amin ng papa mo. Hindi kase nila tanggap ang relasyon namin at sinubukan nila kaming paghiwalayin ng papa mo. Pero hindi kami nagpatinag. Tumakas tayo. Sa abot ng makakaya namin ng papa mo prinotektahan ka namin anak...

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now