Chapter 26

8.3K 176 1
                                    

Chapter 26: 'Drunken Feelings'

Ahli's POV

Mabilis pa sa alas kwatro akong nag-iwas ng tingin sa mapanuring titig ni Marinel Kang. Lalo lang nadagdagan ang kaba ko dahil sa pagka misteryosa niya. Napaka pormal at elegante pero hindi nila alam sa likod nun na may nagtatagong iba.

Hindi ko man alam ang rason kung bakit siya ganun makatingin pero alam kong tungkol na naman ito kina khanz. Ngayon pa't nasa malapit lang ako kila khanz.

Hindi ko maiwasang isipin ang ang mga maaring mangyari sa akin. Pero, kapag ba nadamay na naman ako ulit, ganun padin ba si khanz sa akin? Kakausapin ba niya ako tulad noon? Aasarin ba niya ako tulad noon? Babalik ba kami sa dati?

Kung ganun, mas mabuting huwag na akong madamay dahil ayokong umasa.

"Sorry, natagalan ako. May mga guy friends kase pa akong kinausap."-wika ni ate zaynah pagkaupo niya sa tabi ko. Dating pwesto ni zad.

Nang walang nagsalita, tinaasan niya kami lahat ng kilay. "Enjoying each other's company?"-tanong pa niya.

"No."-tipid na sagot ni khanz ng hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"Why? Hindi pa ba kayo magkakilala?"

"Schoolmates kami ate kaya magkakakilala kami."-medyo nahihiyang sabat ni ayna.

Napa 'o' naman siya. "So, where's zad. Dadating na ang mga pagkain."

"Ah...may pupuntahan daw siya saglit."-sagot ko kaya naman kumunot ang noo niya.

Hindi ba niya nararamdaman ang aura dito? Napaka awkward.

"You know my brother, pakiramdam ko may tinatago yun. Pagkatapos ba naman akong sunduin kahapon sa airport may pinuntahan agad? Do you know what's happening to him?"-baling niya kina renzo.

"Nothing really. Alam mo naman yun, napakahilig mag sekreto."-natatawang sagot ni renzo na ikina ismid ni ayna sa tabi ko.

"Yeah right. Sa tagal niyong magkakaibigan hindi niyo pa alam hulihin ang lokong yun."-irap ni ate zaynah.

Nakaramdam na naman ako ng panghihinayang. Ayon kay zad noon, matagal na silang magkakaibigan pero tinalikuran niya ang mga to dahil ayaw niya akong mapahamak. Nakaramdam ako ng matinding pagka guilty. Ayokong magalit sila sa isa't-isa ng dahil lang sa akin. Masakit ng mawalan ng kaibigan at hindi yun deserve ni zad.

Akmang tatayo na sana ako para hanapin si zad ng makita siyang papalapit sa lamesa namin. Pero hindi na siya mag isa dahil kasama na niya si hayzel.

Agad akong umiwas ng tingin at pasimpleng kinuyom ang kamao ko sa ilalim ng mesa. Pakiramdam ko tinutusok na naman ng karayom tong puso ko. Pakiramdam ko nawawalan ako ng hangin.

"Woah! Nakasungkit ka ba ng chicks dude?"-biro ni ate zaynah ng makalapit silang dalawa.

Nakangiti si zad habang nakahawak siya sa beywang ni hayzel na ngayon ay napakatamis kung ngumiti.

"This is Hayzel Contreras my girlfriend."

Tila lahat ay nagulat dahil natihimik silang lahat. Pati ang paglalandian ni renzo at nung babaeng kasama niya ay natigilan.

Kinulbit ako ni ayna kaya naman bumaling ako sa kanya.

"Lah ka na bestfriend. Taken na ang boy friend mo."-bulong niya.

Sinamaan ko siya ng tingin at hindi pinansin yung sinabi niya.

"Oh my god!"-tili ni ate zaynah. "Welcome to the family hayzel. Buti natiis mo tong kapatid ko?"-natatawang wika ni ate zaynah at saka nakipagyakapan.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now