Chapter 15

9.8K 160 3
                                    

Chapter 15

'A secret'

Ahli's POV

Napapakamot ako sa ulong tumingin kay zadkiel na ngayon ay masama ang tingin sa akin. Yung kaninang pag alala'ng nakita kong emosyon sa kanyang mata ay nawala ng magamot ako. Hindi ako mapakali dahil naiilang ako lalo na't nasa gilid lang si khanz habang nakasandal sa pader.

Kasalukuyan kaming nasa hospital para magamot kaming tatlo nila gelo. Halos maiyak nga ang gago dahil masakit daw. Pero hindi na siya pinansin nung nurse at umalis na pagkatapos magamot. Sinundo naman si lester ng kanyang lola habang si gelo naman ay sinundo ng tatay niya.

At ngayon, kasalukuyan akong nakaupo sa upuan habang nakatingin kay zad sa harapan ko.

"Magsasalita ka ba o magsasalita?"-taas kilay na pukaw ni zad sa aking pag iisip.

Napalunok ako at napayuko. Paano ko ba ipapaliwanag to sa kanya? Hindi pa naman niya alam na mahilig ako sa mga away.

"Ahli."-may nagbabantang sambit niya. Halatang bagot na bagot na.

Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa aking gilid para maiwasan ang kanyang titig.

"Papauwi na kasi kami tapos bigla na lang sumulpot ang mga yun at naghamon ng away."-paliwanag ko at nanatiling nasa malayo ang tingin.

"Bakit daw?"

"Akala kase nung lider nila inaagaw ni gelo yung syota niya kaya ayun."-tipid kong paliwanag sabay lunok.

*katahimikan*

Nagtataka akong tinignan siya ng naging tahimik ang pagitan namin. Gulat ang bumalatay sa mukha ni zad na tila yun na ang pinaka imposibleng kwento'ng narinig niya. Samantalang nakaangat ang gilid ng labi ni khanz na tila natatawa.

"Z-zad...huy."-tinawag ko siya dahilan para mapatingin siya sa akin.

"At dinamay ka nila? For petes sake, your a girl! Wala kang alam sa pakikipaglaban."-naiinis siyang napahawaksa sentido.

Napalunok ako at umiwas ng tingin dahilan para mapunta ang paningin ko kay khanz. Nanunuya ang kanyang tingin.

Hindi alam ni zad na palagi akong nasasangkot sa gulo kaya ganito na lang siya mag alala sa akin. Naiintindihan ko naman siya. Ayaw ko lang na ipaalam pa sa kanya yun dahil paniguradong papagalitan niya ako. Ganun ka over protective sa akin ang kaibigan ko. Ayaw kong magsinungaling pero ayaw ko namang sabihin sa kanya yun. Madaming nagbago sa akin simula ng mawala siya. Simula ng iniwan niya ako.

"Dapat pala linumpo ko ang lalakeng yun."-galit niyang sambit kaya agad akong bumaling sa kanya.

Bakas sa mukha niya ang inis na ngayon ko lang nakita.

Galit ba siya dahil nasaktaan ako?

"H-hayaan mo na zad. Okay lang naman ako."-paninigurado ko. "Buti nga at dumating kayo ni khanz para tulungan kami."

Pag iiba ko ng topic para naman mawala ang pagkailang ko sa kanya. Hindi kase ako komportable kapag naiinis siya. Ngayon ko nga lang siya nakitang ganito. Bago sa akin ito kaya naman hindi ko mapigilang mailang kay zad.

"You know each other?"-bakas ang pagtataka sa mukha ni zad habang nakaturo sa amin ni khanz.

O_O

Shit! Hindi pala niya alam.

"O-oo."-pinilit kong tumango ng hindi magsalita si khanz. "Uh...s-schoolmate ko siya hehehe..."-kunwari akong natawa at saka pinandilatan ng mata si khanz para iparating na makisakay na lang siya dahil yung mukha niya, parang nanunuya. Parang may ibig iparating na: you're lying.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now