Chapter 8

11K 192 3
                                    

Chapter 8

'Men in black'

"Ms. Bustamantelo!"

O_O

"Ay! Maam--este sir?"-gulat na naibulalas ko at napatayo pa sa aking kinauupuan.

"What did you say?!"-maarteng tanong ni sir montevaldejo habang pinandidilatan niya ako ng mata.

"S-sorry po sir."-paumanhin ko at napayuko sa hiya.

Dinig na dinig ko ang mga bungisngisan ng mga kaklase ko. Bwisit! Bakit ba kasi si sir pa ang naging P.E. lecturer namin! Naiinis ako sa beking to. Malamang sa malamang sisigawan na naman niya ako.

Eh kase naman, hindi pa don ako nakaka recover sa pag uwi ni zadkiel dito sa pilipinas. Kahapon pa yun pero parang ngayon lang nangyari. Hindi padin talaga ako makapaniwala. Kaya naman himdi ko na namalayan nakatunganga na lang ako sa kawalan habang may ngiti sa labi.

Korny man pero kinikilig ako. Letseng puso kase to eh!

"Ms. Bustamantelo nakikinig ka ba?"

Tapos niyaya pa niya kami nila ayna na pumunta sa bahay nila kapag may time kami. Syempre pumayag kami. Tanga na lang lang kung umayaw pa kami! At saka gusto ko namang---

"Punyeta! Nakikinig ka ba sa akin bustamantelo?! Letseng to, bakit mo ako nginingitihan ah?!"-bumalik ako sa reyalidad ng bigla akong sinigawan ulit ni sir tapos ang sama ng tingin sa akin! Ang laki pa ng butas ng ilong!

"S-sorry po---"

"Sorry-sorry che! Kung ayaw mong makinig sa klase ko pwes mag drop out ka na!"-sigaw niya pa tapos kinumpas ang malaking pamaypay na hawak niya. Yung mukha niya pulang pula na tila nakakain ng sili. "Dahil sa kalutangan mo, pati sinasabi ko sa harapan hindi mo na maintindihan! Kapag nandito na ako para magturo, dapat nakikinig kayong lahat hindi yung iba ang ginagawa niyo. Eh kung magpa quiz ako ngayon ha? Ano kayong lahat? NGANGA! Kaloka kayo. Ini-stress niyo ang kagandahan ko---etse ini-stress niyo ako."-tumikhim siya at napaiwas ng tingin dahil sa huling sinabi niya.

Dahil sa mahabang sinabi, nadulas ang kingina!

Napakamot na lang ako sa aking ulo habang ang mga nakaupo kong kaklase ay bumubulong.

May nagsasabing,

'Kingina'ng beking yan. Sarap ihagis.'

'Kala mo naman kung sinong magsalita. Parang sobrang ganda.'

"Eh hindi naman siya maganda.'

"He! Manahimik kayong lahat! Akala niyo hindi ko naririnig yan mga sinasabi niyo?!"-hinampas ni sir yung lamesa kaya napaigtad kaming lahat sa gulat.

Napalunok kaming lahat ng inisa-isa niya kaming tignan ng masama na animo'y may binabalak na masama.

"Letseng to ah. Naiinis na ako."-pabulong na usal ni ayna sa tabi ko.

"Ms bustamantelo!"

"Sir!"-gulat kong naisatinig.

"It is a planned program of physical activity usually designed to improved physical fitness with the purpose of increasing physical fitness level."-seryosong tanong niya at sobrang bilis pa ng pagkakasabi.

"Sagot!"-dagdag pa niya na lalong nagpakaba sa akin.

Eh hindi ko alam yan! Di ko pa nga naririnig yan eh. Pinapahirapan na naman ako neto.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now