Chapter 49

7.4K 137 2
                                    

A/N: Sa mga nakapansin sa story cover ng story, hehehe pinalitan ko po^_^ just vote or comment kung gusto niyo yung new cover niya. And last na ang pag update ko ngayong week kaya abang abang lang kayo sa susunod na linggo ha? Thank you so much and enjoy!^_^♥♥

Chapter 49: 'FRIEND'

Ahli's POV

"ATE!"-sigaw ng kapatid ko na para bang may nasusunog. Tss.

"Ano? Nakabuntis ka? Kung maka tawag ng pangalan parang may aksidente. O baka naman ikaw ang nabuntis? Bakla ka ba totoy?!"-kunot noong singhal ko ng makapasok siya sa kwarto ko.

Nagsalubong ang kilay niya at saka ako inirapan. Kita mo to. Parang pinapahiwatig talaga na bakla siya, tss.

"Palibhasa tomboy!"-asik niya at nagdive pa talagang nahiga sa kama ko!

"Hoy beking masungit! Hindi ako tomboy! May boyfriend na ako noh!"-pagsasabi ko ng totoo. Nanatili naman akong nakaupo sa side table ng kama ko habang pinagmamasdan isa-isa ang mga picture namin ni khanz sa cellphone na binigay niya sa akin.

Lalo akong napangiti ng makita ang susunod na larawan. Nasa canteen kami at kumakain na naman ng pinakbet na pinakasinusumpa ni khanz na pagkain. At kahit anong pilit niyang huwag kainin wala na siyang nagawa dahil pinagalitan ko siya kunyari na agad namang tumalima. Takot lang ng bads na yun eh. Nakangiting tagumpay pa nga ako sa picture habang siya ay nakabusangot, hahaha!

"Baka matunaw yan ate, sayang naman yang phone na bigay niya."-biglang singit ngkapatid ko at saka prente talagang nahiga sa kama ko. Nag fe-feeling King ang ugok!

"Che! Palibhasa walang lovelife!"-asar ko.

"I don't want to enter in a relationship ate. Baka maging sagabal pa sa pag aaral ko. I want to become a successful doctor someday. At ang pagkakaroon ng lovelife ay isa sa mga makakasira sa future ko."-wala sa sarili niyang paliwanag.

Kunwari'y namamangha akong pumalakpak. "Ang galing mo magdrama tol! Pwede ka na ring actor, bagay mo!"

"Tss. Seryoso ako!"-asik niya.

"Edi wow!"-natatawang sabi ko at saka umayos ng upo. Hinarap ko siya at pinatay muna ang cellphone ko.

Minsan lang kaming maging open sa isa't-isa ni hans kaya naman hindi ko palalagpasin ang oras na Ito. Once in a blue moon lang mag open up tong sungit kong kapatid kaya dapat mas malinaw pa sa kalabaw tong maririnig ko.

"Bro..."-panimula ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. Tumikhim naman ako at saka sumeryoso. "Alam mo hans, hindi naman masamang pumasok sa isang relasyon. At saka depende naman sayo kung paano mapagsasabay yan sa pagaaral dahil minsan, nagiging inspirasyon natin ang taong yun sa pag aaral. Tignan mo ako..."

"Kanina pa kita tinitignan."-matabang niyang sabi kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano ba! Seryoso ako!"-asik ko.

"Edi wow!"-panggagaya niya sa akin kaya di na namin napigilang matawa.

"Gago ka talaga."-natatawang saad ko.

"Ate, malapit na pala birthday mo. Anong gusto mong regalo?"-saka ko lang naalala sa malapit na nga pala. December 8 ang birthday ko at isang linggo na lang mag se-seventeen na ako. Nakaramdam ako ng excitement. Kapag nagkataon, ito na ang pinakamasayang birthday para sa akin dahil kompleto lahat ng pamilya ko.

"Bakit? Kapag sinabi ko ba bibilhan mo ako?"

"Hindi. Nagtatanong lang ako, masama ba yun?"

"Lumayas ka dito, baka mabali ko yang leeg mo!"-banta ko pero tumawa lang ang ugok.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon