Chapter 52

7K 210 6
                                    


Chapter 52: 'Birthday 1.1'

December 7, 2011

Ahli's POV

Kasalukuyan kaming nandito sa tabi ng dagat habang sina norine, ayna at morreth ay nagi-stretching. Nandito kami ngayon sa left side ng court ng volleyball habang sa kabila ay ang mga lalake pero hanggang ngayon wala padin sila.

Naka short kaming lima at naka t-shirt para makapaglaro kami ng maayos. Pero kahit ganun, kinakabahan padin ako. Hindi naman ako magaling sa volleyball pero hindi naman ako ganun kabobo sa paglalaro. Naranasan ko na ding maglaro ng volleyball noon kaya naman kahit papano sanay na ako. Pero ang pino-problema ko ay kung paano ako makikipaglaro sa mga lalake. Baka malakas silang pumalo at mahirapan pa kaming saluhin, mahirap na.

Ayoko pa naman kaming matalo dahil sa naghihintay na consequence na yun.

"Ba't ang tagal ng mga kumag na yun? Nag back out na ata ang mga kalaban niyo eh."-naiinip na puna ni gelo sa gilid ng net. Siya kase ang magi-score sa amin at ang gago, feeling hari. Nakaupo pa siya sa high chair habang nakasuot ng shade eh hindi naman mainit sa gawi niya.

Samantlang wala si lester at hans dahil nasa loob sila ng cottage. Ayaw nilang manood eh.

"Aba malay namin. Natakot na ata silang lahat."-natatawang sabi naman ni ayna at saka tumabi na sa akin. Nanatili namang seryosong nag I-stretching yung dalawa kaya lalo akong kinabahansa laban namin. Ang seryoso nila, tss. Samantalang si haeni eh prenteng nakaupo lang.

"Oh my god! Girls, look oh!"

"Shit! Ang hot nila!"

"Waaah! Kuya, akin na lang kayoooo!!"

"Waaaaah! Grabe! Artista ata ang mga yan eh!"

Natigil kaming lahat sa ginagawa namin ng mapansin namin ang mga sigawan ng mga tao sa paligid at hindi lang yun. Lalong na agaw ang atensyon ng mga tao ng may limang lalakeng naglalakad patungo sa gawi namin. Naka topeless silang lima habang may suot pang shade at swabeng swabe pa silang naglalakad na akala mo nasa commercial sila.

"Ako si mr swabe, hohohohoho~"-natatawang kanta ni gelo na animo'y sound effect nung lima na naglalakad papunta dito.

"Shit! Para gusto kong kumain ng pandesal."-natatakam na komento ni ayna habang naglalaway na nakatingin sa anim na abs ni renzo na ngayon ay nakangisi na. Yung tipong ngising aso. Feel na feel na ibalandra sa lahat ang mga katawan nila. Sarap umirap lang.

"Girls, huwag muna kayong ganyan makatingin. Hintayin niyo muna kaming matalo bago niyo kami matikman."-natatawa asar ni zad ng makalapit na silang lahat sa amin. Sabay sabay pa talaga nilang tinanggal lahat ng shade nila at kulang na lang sumayaw sila ng 'ako si mr swabe'

"Asa!"-irap ni norine at lumapitsa gawi namin.

"Sus! Kunwari pa! Kulang na nga lang maglaway kayo eh!"-pang aasar naman ni drex at saka sinulyapan si haeni na ngayon ay hindi na makatingin sa katawan ni drex.

Ako naman ay halos hindi na matanggal ang paningin sa katawan ni khanz na ngayon ay nakabalandra na sa harapan ko. Pakiramdam ko nanuyo ang lalamunan ko sa anim na abs at muscles sa kanyang katawan. Ang sarap sigurong yakapin siya---este, ano bang sinasabi ko?!

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now