Chapter 50

7.4K 120 2
                                    

Chapter 50: 'Threat'

Ahli's POV

"Baby I'm, dancing in the dark. With you between my arms. Barefoot on the grass, listen into our favorite song----"

"Zad! Nakakarindi talaga yang boses mo! Boses palaka, letse! Baka mabasag eardrums ko sa kaka kanta mo ng perfect! Eh hindi naman perfect yang boses mo!"-inis na singhal ni ayna sa katabi niyang si zad.

Kasalukuyan kaming kumakain dito sa canteen kasama sina khanz. Kasama rin namin kanina si lester at gelo kaso nauna na sila dahil may gagawin pa sila.

Eto naman si zad kanina pa kanta ng kanta eh ang pangit ng boses, di na nahiya. Tss.

"Pake mo naman. Kumanta ka rin ng perfect kung gusto mo! Palibhasa puro rebisco ang sarap ng feeling ko ang palagi mong kinakanta!"-sagot naman niya at saka nagsamaan na sila ng tingin.

"Hoy abella. Huwag mong sigawan tong 'rebisco' ko dahil baka ako makalaban mo."-banta naman ni renzo na katabi lang ni ayna. Tumango naman si ayna na para bang nakahanap ng kakampi.

"Tss."-irap na lang niya at saka nagpatuloy sa pag kain.

"Ang sarap pala ng pinakbet ahli!"-parang batang nabigyang candy si casz habang pinapapak ang pinakbet na binili ko.

"Oo naman. Ito lang talaga ang ayaw sa pinakbet."-nguso ko sa katabi ko na ngayon ay masama na ang tingin sa pagkain ni casz.

"Ilayo niyo sa akin yan dahil baka masapak ko ang nagluluto niyan."-banta niya kaya mahina akong napatawa.

Sinamaan niya ako ng tingin kaya nagkibit balikat na lang ako.

"Tss."-asik niya at saka nagpatuloy na sa pagkain.

Napansin kong ayos na sila ni zad di tulad noon na halos magsapakan na sila gamit lang ang tingin.

"Na trauma ka na ata sa pinakbet. Gusto mo?"-alok ko sa ulam ko na mabilis niyang inilingan.

"Ayoko. Sayo na lang baka gutom ka pa."

"Sus! Palusot! Ayaw lang yan kumain ng gulay eh!"-kantyaw ni renzo dahilan para magtawanan kami.

"Tss. Nagsasabi lang ako ng totoo."-masungit niyang sabi.

Wala ata sa mood ang lalakeng to. Kung sabagay kailan pa to nakipag asaran eh halos nakakunot noo lang naman ito. Tsk. Tsk. Parang pinaglihi lang sa sama ng loob eh.

"Palibhasa, nagkaroon lang ng jowa."-pagpaparinig ni renzo kay khanz.

"Edi syotahin mo din yang 'rebisco' mo para magka jowa ka na din."-sabat naman ni drex dahilan para mag asaran sila habang si ayna eh namumula na sa hiya.

"Tatanungin ko lang siya kapag handa na siya. Hindi naman ako mapilit eh."-kunyari'y maginoong sambit ni renzo kaya nakatanggap Ito ng batok.

"Ulol! Eh halos lahat na ata ng babaeng naka date mo eh naikama mo na!"-bulgar ni zad kaya nanlaki ang mata ni renzo at mabilis na tinakpan ang tenga ni ayna.

"Huwag mo silang pakinggan, puro kalokohan lang ang mga sinasabi nila."-depensa niya pero mabilis na tinanggal ni ayna ang mga kamay niyang nakatakip sa kanyang tenga.

"Ugok! Sinong niloko mo? Akala mo hindi ko alam? Che! Maghirap kang ligawan ako! Araw araw kitang pagtatanimin ng mga palay sa taniman namin!"

O______O-----> renzo.

"Hahaha! Nakukuha mong loko ka!"-asar nila casz kay renzo na ngayon ay pilit ng nilalambing si ayna.

Napansin ko naman ang tipid na ngiti ni khanz habang iiling Iling na pinapanood sila. Kahit hindi niya sabihin, alam kong masaya siyang kasama ang mga kaibigan niya.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon