Chapter 38

8.2K 143 3
                                    


Chapter 38: 'Confusing Feelings'

Ahli's POV

"WHAT?!"

"ANO?!"

"PUCHA!"

"BAKIT NGAYON KO LANG ALAM?!"

Lahat na ata sila eh hindi makapaniwala sa sinabi ni zad.

Pati din naman ako eh. Hindi ako makapaniwala sa sagot niya. Nagtataka ako kung bakit niya yun sinabi. Nakangiti lang naman siya na para bang proud na proud pa. Ano bang plano mo zad? Naguguluhan ako sa mga kinikilos niya.

"Ang ingay niyo. Kumain na nga lang kayo."-natatawang singhal niya sa mga to.

"So your really dating? Wow."-komento pa ni thamy.

Ano namang nakakamangha dun?

"P-paano nangyari yun? Bakit hindi ko alam? Kailan pa to? Bakit hindi mo sinabi sa akin ha?!"-OA na bulalas ni ayna. Nabitawan na nga niya yung hawak niyang kubyertos eh.

Napakamot naman ako sa aking ulo. Hindi ako makapagsalita dahil pati ako ay nagulat sa sinabi niya.

"Pucha ka tol! Kala ko hindi mo siya papatulan?"-wala sa sariling sigaw ni renzo.

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"De joke lang."-mabilis niyang bawi.

Gago to ah. Anong akala niya sa akin walang kamandag? Loko! Maganda din naman ako. May papatol naman sa akin kahit ganito lang ako noh.

"Are you really serious? "-si casz naman ang nagtanong.

"Bakit, ano bang nakakagulat dun? Simula ng umamin si ahli na may gusto siya sa akin linigawan na niya ako."

"Ano?!"-sininghalan ko siya.

"Este ako pala. Ako pala ang nanliligaw."-natatawa niyang bawi at saka inakbayan ako.

"Huwag mo siyang sagutin, paniguradong lolokohin ka niyan."-bulong naman ni drex sa tabi ko.

"Hoy, narinig ko yan ulul!"-linayo pa ni zad ang mukha ni drex sa akin.

Natawa naman si drex at saka nagpatuloy na lang sa pag kain.

"Mabaho utot niyan kaya bastedin mo na yan. Yan pa ang ikamamatay mo panigurado."-paninira naman ni renzo. Napahagalpak naman ng tawa si drex at casz.

"Gago ka lorenzo! Mas mabaho naman pangalan mo!"-inis na sigaw ni zad.

Lalong natawa si drex at casz. Pati si ayna at thamy ay nakisabay na din. Pero si khanz, nanatili lang siyang seryoso. Napalunok ako.

"Tarantado! Huwag mong banggitin ang buong pangalan ko. Nakakasuka."

"Buti alam mo."

Sumimangot lang si renzo at bumaling kay ayna.

"Huwag mo kong tawanan. Hahalikan kita diyan."-banta niya. Nanlaki naman ang mga mata ni ayna at saka inasar asar na sila drex.

"Gago!"-mura ni ayna pero halata naman kinilig.

Pucha! Ganyan ba kiligin yang babaeng yan? Parang natatae eh.

"Anong sabi mo?!"-may nanlalaking matang linapit ni renzo ang mukha niya kay ayna. Lalong namula ang pisngi niya.

"Layuan mo nga ako lorenzo!"

Napasimangot si renzo kaya naman lalong natawa sina drex.

Napailing iling na lang ako at saka nagsimulang kumain. Hanggang sa maramdaman kong lumapit sa akin si zad.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon