Chapter 33

8.1K 168 4
                                    

Chapter 33: 'Revelation'

Ahli's POV

Nagising akong nakahiga sa isang malambot at malaking kama. Hindi ko alam kung kaninong kwarto ako nakatulog pero masasabi kong mayaman ang may ari nito. Kung tutuusin pwede ng maging bahay tong kwartong to. Ang lawak at napakalinis. Kulay puti ang mga pader at dirty white naman ang kisame.

Mabilis akong naupo at pilit na inalala ang nangyari sa akin.

Saka lang bumalik ang kaba ko ng maalala ko ang nangyari sa akin. May tumakip sa ilong kong panyo kaya naman nawalan ako ng malay at may babae pa akong nakita pero malabo na ang paningin ko.

Teka, nasaan ako?!

Mabilis akong umalis sa kama at pinalibot ang tingin ko sa buong paligid. Wala namang tao, maliban sa akin. Hindi naman ako nakatali o ano. Ano kayang kailangan nila sa akin?

Di ko mapigilang mangamba at maguluhan sa nangyari. Hinahanap na kaya ako nila ayna? Ilang oras na akong tulog? At sino ang mga taong kumidnapp sa akin? Buhay pa ba si arevalo? At bakit naman ako ang kikidnapin niya kung mga azazel lang naman habol niya diba? Pero sabi nila khonner, patay na si arevalo kaya----argh! Sumasakit ang ulo ko kakaisip!

Kailangan ko munang tumakas ngayon. Mabuti na lang at walang nagbabantay dito sa loob.

Mabilis ang kabog ng dibdib kong naghanap ng pwedeng paglabasan. Kung sa pinto, baka may makakita sa akin o baka may bantay lang diyan kaya hindi pwede dun.

Halos patakbo akong nagtungo sa veranda ng kwarto at buti na lang mayroon! Nagtungo ako dun at sumilip sa ibaba pero halos malula ako sa taas! Pang ilang palapag ba ang kwarto'ng kinaroroonan ko?

Diyos ko, aatakihin ata puso ko kapag tumalon ako diyan. May fear of height pa naman ako.

Marahas akong napailing at umatras. Hindi ko ata kaya. Baka mabali ang paa ko at hindi na ako tuluya'ng makatakas pa! Ayoko!

Nakagat ko ang hintuturo ko habang paikot ikot na naglalakad. Hindi ako mapakali sa kakaisip kung anong pwede kong gawin. Pinagpapawisan ako ng malapot idagdag mo pa ang kaba kong hindi mawala wala. Lintik na buhay na to. Kailan ba ako magiging malaya?!

Muli ako sumilip sa baba. Tatalon na lang kaya ako? Atleast makakatakas naman ako diba? Di bale ng mabali ang paa kaysa naman hindi makatakas.

Huminga ako ng malalim at saka sinampa ang isang paa ko sa railings. Muli akong tumingin sa baba pero halos mahilo ako taas!

"Hindi ko talaga kaya!"-bulalas ko at umalis sa pagkakasampa.
Patakbo akong bumalik sa kwarto habang paikot ikot dun tila mawawalan na akong ng tamang pagiisip.

Anong gagawin ko?

Nahinto lang ako sa paghuhurumentado ko ng mapansin ko ang isang picture frame sa side table ng kama.

Hindi ko alam pero para akong hinihila ng picture frame na yun para pagmasdan ang pamilyang nasa litrato. Bakit hindi ko to napansin kanina?

Malakas ang kabog ng dibdib ko habang papalapit doon at halos makalimutan kong huminga ng mapagtanto kung sino ang mga yun.

"Pa?..."-mahina kong naisatinig ng makita si papa sa litrato.

Siguro nasa 20 pataas siya sa litratong to. Nakangiti ito habang nakaakbay sa isang babaeng hindi ko kilala. Mestiza, matangkad, maganda at ang ngiti niya ay tila nakakagaan ng loob. Medyo may pagkahawig siya kay marinel kang, kung hindi ako nagkakamali. Sa lahat ba ng sitwasyon, palaging pumapasok sa isip ko ang marinel kang na yun? Tsk.

Napansin ko naman na may baby'ng bitbit yung babae.

Malakas na kumabog ang dibdib ko.

Tuluyan na akong natulala sa litrato habang hindi maalis ang paningin ko sa batang buhat niya.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon