Chapter 28

9.9K 157 5
                                    

Chapter 28: 'Deepest cut'

Ahli's POV

Kinabukasan...

"Nakita mo si zad?"-tanong ko kay ayna pagkaupong-pagkaupo pa lang niya sa tabi ko.

As usual namamaga na naman ang mata sa kakaiyak. Hind ko na alam ang nangyari sa kanila ni rondrick kahapon dahil naparusahan kaming lahat kay mr montevaldejo. Tanda niyo yung sinabihan namin siyang bakla sa gulat namin? Ang ginawa lang naman niya ay pinagtakbo niya kaming lahat palibot sa buong school! Pati field, tinakbuhan namin!

Ganun siya magparusa. Hanep talaga ng teacher na yun. Pinagod kame eh. Hindi lang physical kundi mental din! Pagkatapos kase naming takbuhin ang buong school agad agad na nagpa quiz! Tangna! Hinihingal pa nga kame kahapon eh. Halos magkandaugaga na kami sa kakakopya ng mga kaklase namin dahil hindi pa naman nadi-discuss yung mga questions niya.

Kay nga sising-sisi ako na hindi ko sinundan sina ayna kahapon. Edi sana hindi ako nadamay diba? Sayang!

"Kita mong kadadating ko lang, ako pa naisipan mong tanungin?"-pagtataray niya.

Tsk. Kung hindi lang broken hearted to baka kanina ko pa siya nabatukan. Pasalamat siya mabait akong kaibigan (-.-)

"Aba malay ko kung nakita mo diyan pagpasok mo. Para lang naman nagtatanong eh."-irap ko at sumandal sa upuan ko. Nakataas ang dalawa kong kamay at ginawa ko yung sandalan ng ulo ko.

"Tsk. Tawagan mo kaya at ng malaman mo."-pagsususngit pa niya at saka sumubsob sa kanyang desk.

"Alam mo naman wala akong cellphone eh."

Tinignan niya ako na para bang napakawalang kwenta yung sinabi ko. Ano bang mali sa sinabi ko?

"Hanapin mo na siya mamaya. Wala pang isang araw nami-miss mo na agad. May girlfriend na yun kaya paalala lang, tigil-tigilan mo na yang kahibangan mo."-dinuro niya ako.

Napakurap kurap ako sa sinabi niya.

"Hindi ko alam kung epekto ba yan ng pagka brokenhearted mo o sadyang naka drugs ka? Ang bitter mo ha!"-ngiwing singhal ko at saka siya inirapan.

Umagang-umaga, bumabanat na naman ng mga bitter na salita.

"Sinasabi ko lang sayo. Habang maaga pa, mag move on ka na kung ayaw mong malaman ni zad yang pagkahumaling mo sa kanya at layuan ka pa."-dagdag pa niya na animo't napaka experto kung magbigay ng advice.

"Hindi ba't ikaw ang sinasabihan ng mag move on kana kung ayaw mong masaktan! To, kung makabigay ng advice parang hindi pa nakaka move on."-ngiwi kong bulalas na kinanguso niya.

Ayan na naman yang mukhang yan. Napaka sakit sa mata. -.-

"Sampalin mo na nga ako para matauhan na ako. Hanggang ngayon parin nahihirapan akong kalimutan siya."-drama pa niya.

"Teka, lumayo ka ng konti para maka amba ako ng sampal sayo."-sabi ko at linayo ng konti yung upuan ko. Humarap ako sa kanya na may ngising nang aasar.

"Ay hindi na pala. Nagbago na isip ko."-mabilis na bawi ng loka-loka at siya na ang nagkusang humila sa upuan ko papalapit sa kanya.

"Ulul."-mura ko na lang at muling sumandal sa aking upuan.

Hindi na kami nakapag usap pa ng pumasok na ang lecturer namin. Pagkatapos ng mga ilang lessons, break time na namin.

Gaya ng dati, sabay na kaming lumabas ni ayna at mabilis na bumaba ng building namin.

Pagkalabas namin ay nakita namin agad sina gelo at lester na naglalakad patungo sa gawi namin.

"Narinig namin yung nangyari."-bungad ni gelo habang si ayna ang kausap.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now