Chapter 35

8.3K 164 3
                                    

Chapter 35: 'Being with HIM'

Ahli's POV

Tahimik ang buong paligid habang pinagmamasdan ko ang paglitaw muli ng araw. Kanina pa ako naktulala sa kawalan habang nakaupo sa buhangin. Hindi ko na nga namalayang mag uumaga na pala.

Masyado akong nagandahan sa karagatang malamyos ang mga hampas sa buhanginan. Ang alon na banayad sa aking tenga. Kaya pati oras hindi ko na namalayan.

Nasa tabi ko si khanz na wala ding imik. Nakatingin lang siya sa malayo pero ramdam ko na hinding hindi niya ako iiwan. Sapat na sa akin yun dahil kahit hindi siya nagsasalita alam ko namang nandito lang siya sa tabi ko.

Panandalian ding nakalimutan ko lahat ng problema ko. Ngayon ko lang naramdaman ang salitang malaya. Malayo sa kapahamakan. Walang iniisip. Walang problema. Kung sana ganito na lang ako palagi, hindi ko sana mararanasan ang sakit na binigay nila sa akin. Sana, hindi ako ganito kaproblemado.

Nahihirapan ako sa sitwasyong to, sa totoo lang. Hindi ko na alam ang gagawin ko lalo na't naguguluhan na ako. Nahihirapan na akong pakisamahan sila. Hindi ko na alam kung sinong paniniwalaan ko. Nagpatong patong na ata lahat ng problema ko.

Una kay zad. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko kapag nagkita kami. Umamin na ako sa kanya at hindi ko na alam kung ituturing pa niya akong kaibigan. Tapos naglihim pa siya sa akin tungkol sa pagkasali niya sa organisasyon. Nalilito ako kung ano bang dapat kong gawin.

Pangalawa, ay si aleyah alcantara. Hindi padin ako makapaniwala na siya ang totoong nanay ko. Ramdam ko padin ang galit ko sa kanya at hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag magpakita pa siya sa akin.

Pangatlo ay si mama. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang siya magalit sa akin. Imposibleng wala siyang rason. Siguro, dahil hindi niya ako anak kaya ganun siya sa akin. Isa pa si papa. Bakit siya naglihim sa akin? Bakit hindi niya sinabi sa akin? Alam ni mama na hindi siya ang ina ko pero bakit hindi din niya sinabi sa akin? Mayron na naman ba silang linilihim sa akin?

Napabuntong hininga na lang ako at napahilot sa sentido ko. Sumasakit ang ulo ko sa daming isipin.

Kaya nagpapasalamat ako kay khanz dahil dinala niya ako dito. Kapag nandito kase ako, kumakalma ang loob looban ko. Gumagaan ang dibdib ko at nakakapag isip ako ng maayos.

"Khanz..."-mahinang tawag ko sa kanyang pangalan.

Walang ibang tao dito maliban sa amin. Medyo nilalamig ako dahil malakas ang ihip ng hangin.

"Hmmm?"-bumaling siya sakin saglit at muling tumingin sa malayo. Nakasandal ang dalawang kamay niya sa likod upang suporta sa kanyang pag upo. Ako naman ay yakap yakap ang dalawa kong tuhod habang nakadantay dun ang baba ko.

"Anong ginagawa mo dun kagabi? Bakit nandun ka sa kanto namin?"-tanong ko habang nakatingin lang sa karagatan.

Nagtataka kase ako dahil gabing gabi na nandun pa siya. Paano kung may mga lasing dun at pagtripan siya. Sa dinami-daming lugar na pwede niyang tambayan doon pa.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Hinihintay kita."

Mabilis akong bumaling sa kanya, bakas sa mukha ko ang pagtataka. "B-bakit mo naman ako hinihintay---"

"I didn't stop looking for you."-putol niya sa sasabihin ko at nag iwas ng tingin. "Hinanap ka namin sa hospital pero wala ka. Kaya naisipan kong pumunta sa lugar niyo, nagbabakasakaling makita ka. At yun na nga, buti na lang nandun pa ako ng makita kitang umiiyak."-maalumanay niyang paliwanag habang nasa malayo pa din ang tingin.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko ngayon. Masaya ako pero may parte sa akin ang pag aalinlangan. Hindi ko alam kung bakit.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now