Chapter 48

7.7K 157 3
                                    


Chapter 48: 'Loving you'

Ahli's POV

Napapikit ako ng mariin habang pilit na inaalala ang mga sinabi niya sa akin kanina. Kahit naman anong gawin ko hinding hindi mawala wala sa isip ko yun dahil parang tuluyan ng tumatak sa akin ang mga panglalait na ginawa niya.

Sumisikip ang dibdib ko sa Isiping wala akong nagawa kundi ang hayaan na lang ang kapatid ni khanz na lait-laitin ako.

Ano bang magagawa ko? Wala akong laban sa kaniya lalo na't wala akong maipagmamalaki. Hindi ako mayaman, hindi ako maganda, walang pinag aralan. Kaya paano ko ipagpipilitan ang sarili ko kay khanz kung isa lang naman akong hamak na kabilang sa mahirap samantalang siya ay isang mamahaling bagay na dapat ipares sa mamahalin din.

Naalala ko na naman ang huling pag uusap namin.

"I warned you bustamantelo at kapag dumating ang araw na mare-realize mo ang mga sinabi ko, huwag mong isisi lahat sa akin dahil pinagsabihan na kita.If I were you, I will do what I have said. It's better the sooner."

"Anong ibig mong sabihin?"-taka kong tanong pero kasabay nun ay ang pagusbong ng takot na nararamdaman ko.

Ngumisi siya at hindi sumagot. Hindi ko na din nakayanan tong sakit na nararamdaman ko kaya naman tumayo na ako at umalis ng hindi nagpapaalam. Bagamat hindi niya nasagot ang tanong ko, wala na akong pake dahil kahit naman anong gawin ko hindi niya ako kayang tanggapin ng kapatid ni khanz.

Mariin akong napapikit at marahas na nagpakawala ng hininga. Pagbalik ko sa klase namin, wala nang tao. Siguro break time na at hindi na ako nahintay ni ayna dahil akala niya siguro nandun na ako kasama si khanz.

Napahilamos ako sa aking mukha at hindi ko mapigilang mag isip ng malalim. Ano ng gagawin ko? Kaya ko bang iwan si khanz?

Sa isipin palang yun ay nanghihina ako. Mahal ko siya at ayokong mawala siya sa akin. Siya ang isang taong nagbigay saya sa buhay ko tapos sasayangin ko lang? Hindi ko ata kayang pakawalan siya ngayong mahal na mahal ko siya. Ayoko.

Nanlulumo akong napasubsob sa desk ko habang patuloy padin ako sa malalim na pag iisip. Pilit kong Iniintindi ang mga sinabi ni khenner ngunit hindi ko talaga maintindihan. Gumagawa lang ba siya para iwanan ko si khanz? O lahat ng mga yun ay totoo?

"Ahlisha..."-napaigtad ako sa gulat ng marinig ko ang malalim niyang boses na nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa buong pagkatao ko.

Napalunok ako at hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Pakiramdam ko hindi ko siya kayang harapin ngayon. Hindi ko siya kayang kausapin dahil sa nangyari kanina. Pakiramdam ko nagi-guilty ako kahit wala naman akong ginawang mali.

Narinig ko ang mga yabag niyang papalapit sa akin kaya nataranta ako.

"D-diyan ka lang."-wala sa sarili kong sabi kaya natigilan ito. Tumayo ako at mariing napapikit.

Shit! Ano bang ginagawa ko?

Bumalatay sa kanyang mukha ang pagtataka dahil sa kilos ko. Napalunok ako at umiwas ng tingin.

"What are you doing?"-kunot noo niyang tanong. Pilit binabasa ang mata ko pero umiiwas ako sa titig niya.

"A-ah, m-may pupuntahan pa kase ako kaya ano....aalis na ako."-palusot ko at dali dali nang tinungo ang kabilang pinto pero natigilan ako ng magsalita ito.

"Is that it?"-matigas niyang sambit. Nanatili akong nakatalikod sa kanya pero kahit ganun alam kong nakakunot ang kanyang noo. Lalo akong napalunok.

"Kinausap ka lang niya pero sumuko ka na agad. Ganun ba kababaw ang pagtingin mo sa akin?"-malamig niyang saad na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Nangilid ang mga luha sa aking mata pero nanatili akong nakatayo sa kinaroroonan ko.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now