Chapter 17

9.6K 189 4
                                    

Chapter 17

'Being with him'

Ahli's POV

"Bitawan mo ako khanzler! Gago ka! Saan mo ba ako dadalhin!"-pinag hahampas ko na siya sa kanyang likod ngunit hindi niya yun pinansin. Tila walang nararamdamang sakit dahil sa mga hampas ko dahil sa tigas ng kanyang likod.

Lalo akong nainis dahil wala na akong magawa para makawala dahil binuhat lang naman niya ako na parang sako! Yung tipong sinampay lang niya ako sa balikat niya na para bang napaka gaan kong tao. Pinilit ko kasing tumakas pero ayaw niya talaga akong pakawalan.

Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ng lalakeng to at basta-basta na lang ako hihilahin!

"Shut the fvk up will you? Naririndi ako sayo."-at saka walang gana siyang napabuntong hininga.

"Ibaba mo na kase ako! Hindi talaga ako titigil kapag hindi mo pa ako pakawalan!"-giit ko at kung hindi ako nagkakamali, pulang pula na ang mukha ko sa sobrang inis!

Ramdam ko ang mga ilang tao na nakatingin sa amin! Kakalabas lang namin ng mall at hindi ko na alam kung saan niya ako dadalhin dahil hindi ko makita ang dinadaanan niya. Yung bag kong bitbit kanina ay nasa kanya na at nakasukbit sa kabila niyang balikat.

Grrr....nangigigil ako sa damuhong to! Nakakahiya!

"Who says I'm letting you go, woman? Your coming with me."-bakas sa tono niya ang kawalang pake niya sa mga taong nakatingin sa amin.

Parang hindi nga nabibigatan sa akin ang ugok dahil napaka swabe niyang maglakad!

Hanggang ngayon pa naman ang yabang niya?

"Saan mo ba ako dadalhin?! Tangina mo! Papatayin talaga kita kapag nakababa ako! Khanzler!!!!"

"Sounds good when your calling my whole first name."-kahit hindi ko siya nakikita pakiramdam ko nakangisi ang damuho.

Hindi ko mapigilang lumunok at tumahimik sa kanyang sinabi. Parang may bumara sa lalamunan ko kaya hindi agad ako nakapagsalita.

Tangina! Ano ba tong nangyayari sa akin?

Biglang nag iba ang ihip ng hangin dahil natahimik kaming dalawa. Nawala ata yung inis ko sa kanya at natulala na lang sa lupang dinadaanan niya. Awkward ang peste! Parang gusto kong magsalita para naman mawala ang nakakailang na presensya pero mukhang natameme na lang ako.

Apektado ata lahat ng sistema ko sa kanyang sinabe.

Hanggang sa naramdaman kong tumigil siya sa paglalakad at saka ako walang pakandungang binaba ng ulupong!

O_O

"A-aray!"-napahawak ako sa pwet kong nasaktan dahil napaupo ako sa gulat!

Hindi man lang ako binalaan na bibitawan niya ako para naman nakapag ready ako! Hindi yung bibitawan na lang at saka walang pake kapag nasaktan ako! Nakakainis talaga ang damuhong to!

Sinamaan ko siya ng tingin ng magtama ang mata namin. Walang ekspresyon ang mukha pero may ngisi sa labi.

Natuwa pa talaga ang gago!

"Gago---"

Halos mapasinghap ako sa biglaang paghila niya sa akin patayo at basta na lang pinasok sa kotse niya! Nagulat ako sa bilis ng pangyayari kaya naman hindi ko na namalayang nakapasok na din pala siya sa kotse niya.

Napakurap kurap ako at saka dahan dahang tumingin sa kanya. Nakita ko lang pagmumukha niya, bumalik na naman ang inis ko sa aking katawan. Kumukulo ang dugo ko sa ka arogantehan niya! Napaka yabang! Walang modo! Kala mo kung gwapo! Nakakabanas siya!

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now