Chapter 59

9.6K 152 11
                                    

Chapter 59: 'Leaving You'

December 31, 2011

Ahli's POV

Malapit ng mag bagong taon.

Ilang oras na lang ang bibilangin magtatapos na ang taong 2011 at sasalubungin ang taong 2012.

Lahat ng tao masaya sa pagtatapos ng taong to.

Dapat din ba pati ako?

Kase sa lahat ng naranasan ko sa taong ito puro pasakit. Wala akong ginawang masama pero bakit ako ganito kamalas? Bakit naghihirap ako ng ganito? Bakit sa akin pa?

Hindi ba pwedeng maging masaya ako kahit ngayong desyembre lang? Pero sa pagdaan ng desyembre wala itong ibang pinaranas sa akin kundi hirap at sakit.

"Anak..."-nakarinig ako ng katok galing sa labas ng kwarto ko.

Hindi ako kumibo. Nanatili akong nakahiga sa kama, walang kabuhay-buhay, mugto ang mga mata. Gusto kong matawa na lang sa ginagawa ko sa sarili ko.

Bakit ang hirap makalimot?

"L-lumabas ka na anak...a-ayaw mo ba kaming kasama?"-pakinig kong tanong ni mommy pero wala padin akong sagot.

Natahimik ito ng ilang segundo bago ko marinig ang paghikbi nito.

"Miss na kita anak....pls, bumaba ka na."-naluluhang sambit niya bago ko marinig ang yabag niyang papalayo.

Nanatili akong walang emosyong pinagmamasdan ang mga litrato namin. Mga litratong sobrang saya ng mga ala alang nangyari. Mga litratong matagal ko ng pinagmamasdan ngunit wala pa din akong lakas na burahin.

"~Bakit di magawang limutin ka...

Bawat sandali ika'y naaalala

Tangi kong dasal sa maykapal

Makapiling kang muli...~"

Kusang tumulo ang mga luha ka ng makita ang mga litrato namin. Lahat ng nanduon ay nakangiti ako habang siya ay nakakunot noo. Pero kahit ganun alam kong masaya pa din siya kapag kasama niya ako....kung sana, sana hindi pagpapanggap ang lahat.

"I'm worried. Hindi ko na alam kung saan kita hahagilapin. Kung saan ka nagpunta and I can't help myself looking for you. D*mn, this is making me crazy."

Kusang bumalik sa ala ala ko ang mga sinabi niya. Kung paano siya mag alala sa akin...pero hindi ko na alam kung hanggang duon ay kalokohan lang.

"Sabihin mo nga ulit na gusto mo ako."-utos niya at mariing tinitigan sa mata.

"Say it again or I'll kiss you----"

"GUSTO NGA KITA ANO BA'T PURO KA PAULIT-ULIT! KITA MO NA NGANG HIYANG-HIYA NA AKO EH!"-dere-dertso kong bulalas.

"Ahlisha, you don't know how much I fvking like you."-bulong niya.

Kung paano kami umamin sa isa't-isa. Kung paano ako naging kasaya ay ganun ding ang sakit na binalik niya. Sobrang sakit...

"~Bakit di ka maalis sa isip ko...

Ikaw ang laging laman nitong puso ko

Kahit pilitin kong damdamin magbago,

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now