Chapter 41

8.2K 171 9
                                    

A/N: @modernongmakaluma thank you for you're message. Na appreciate ko yun kaya naman dedicate ko ang chapter na to sayo. I hope you'll enjoy reading, hehehe.

Chapter 41: 'Bads and Tombs'

Ahli's POV

Pulang pula ang pisngi ko ng tapusin niya ang halik namin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi nga ako makatingin sa kanya dahil pakiramdam ko nahihiya ako. Lalong uminit ang pisngi ko ng marinig ko ang mahina niyang pagtawa.

Tangina ka ahli! Ang sarap mong sapakin! Bakit nagpahalik ka sa kumag na to ah galit ka sa kanya? Anong nangyare sayo? Huhuhu...nahihiya ako.

Lalo akong napayuko upang itago ang pamumula ng pisngi ko. Diyosko, ano bang ginawa ko?! Eeehhh, tangina! Gusto kong sampalin tong mukha ko sa pagtugon ng halik niya!

Madala lang naman ako kase lasing ako eh! Tama naman diba? TAMA! Hindi sa kagustuhan kong tugunan ang halik niya. Na ano lang ako....ahm, na a-ano lang....ano nga ba?

Aish! Nadala lang ako, tapos! Yun lang talaga! Bakit ba kase nanghahalik na lang bigla to eh!

"You're really making me insane ahlisha, damn it! You don't know how I'm fvking happy right now."-natatawa niyang pinasadahan ng kaniyang kamay sa kaniyang buhok at saka napakagat labi upang pigilan ang kanyang ngiti.

Ako naman si tanga, di makatingin ng deretso sa kanya. Nahihiya talaga ako letse! Yung tipong gusto ko ng tumili ng tumili hanggang sa mapigsi ang ugat ko. (-.-)

Hindi ako kinikilig okay?

"Come here."-sinenyasan niya akong lumapit pero mabilis akong umiling.

Nanatiling nasa ibang direksyon ang paningin ko. Hindi matigil ang mga daliri ko kakalaro dahil hindi na ako mapakali.

Yung puso ko parang mahuhulog na lang ng wala sa oras eh.

PUCHA! Bakit ba hanito si khanz? Kaka amin ko lang tapos kung ano ano ang gianagawa sa akin. Sinong hindi mahihiya?! Umamin lang naman ako mga tol!! Tapos hinalikan pa niya ako! Sinong hindi kikiligin---este sinong hindi kakabahan?

Di ba dapat linayasan niya ako? Di ba dapat, sabihin niya sa aking hindi niya ako gusto dahil kay thamy siya may gusto? Pero bakit nandito padin siya at tuwang-tuwa pa talaga? Pinagti-tripan niya ata ako eh!

"Ahlisha?"-tinaasan niya ako ng kilay at muling sumenyas. "Come here."-napakagat labi na naman siya kaya di ko napigilang mapasulyap sa labi niya.

Labi niyang kanina lang ay nakadantay sa labi ko! Pucha! Di ko aakalaing, matitikman ko ang labi niya! Ang lambot pa! Di ko nga mapigilang ma-curious dahil baka hindi malambot ang labi ko. Paano kung---

Nang di na siya nakapaghintay, siya na ang nagkusang lumapit sa akin.

Halos kapusin ang paghinga ko ng maamoy ko ang pabango niya. Sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko, di na ako magtataka kung maririnig niya. Baka mahulog na to sa kinalalagyan, naku mahirap na.

Bumaba ang ulo niya upang matitigan ang mukha ko. Gusto ko sanang takpan tong mukha ko gamit ang buhok ko para maitago ang pamumula ng pisngi ko pero mabilis niyang pinigilan ang kamay ko.

Napanguso ako. "K-khanz naman eh."-naiilang kong sabi pero ng di niya na napigilan, natawa siya ng mahina.

Ngayon ko na naman nakita kung pano ngumiti ang kanyang mata. Ngayon ko na naman nakita kung paano sumilay ang kanyang ngiti ng dahil sa akin. Di ko mapigilang makaramdam ng pagkamangha. Pakiramdam ko kapag ngumingiti siya ay gumagaan ang dibdib ko. Napapakalma niya ang sistema ko.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now