Chapter 54

7.3K 137 5
                                    


Chapter 54: 'Memorable Birthday'

December 8, 2011

Ahli's POV

"Anong gusto mong maging khanz?"-wala sa sarili kong tanong sa kanya.

Nakahiga siya sa hita ko habang ako ay nakaupo at ang isa kong kamay ay hinahaplos ang kanyang malambot na buhok habang yung isa ko namang kamay ay linalaro ni khanz.

Nakaupo kami sa ilalim ng puno habang may mga pagkain sa tabi namin. Kakatapos lang kase naming kumain kaya nagpapahinga kami.

Tumaas naman ang gilid ng kanyang labi pero halata namang nag iisip siya ng sagot.

"Hmmm...I want to be the father of you're child."-seryoso niyang sagot kaya naman nahampas ko ang dibdib niya sa gulat.

"Ano ba! Hindi yan ang tinatanong ko!"-angil ko na mabilis niyang kinatawa ng mahina.

Gago nito. Kung ano-anong iniisip. Psh.

"Seriously, I don't know. Simula ng mapasok ako sa mundong ayoko ay hindi na kailanman pumasok sa isip ko ang magiging career ko in the future."-napapabuntong hininga niyang saad.

Pinagmasdan ko naman ang mukha niya. Hindi ko na naman mabasa ang emosyon niya.

"Bakit?"-tanong ko at napatigil sa paghaplos ng kaniyang buhok. Patuloy naman niyang pinaglalaruan ang mga daliri ko.

Hindi siya nakaimik sa tanong ko. Akala ko hindi na niya sasagutin pero nagulat ako ng pinagsalikop niya ang mga kamay namin at huminga ng malalim.

"Kase, alam ko na ang patutunguhan ko kapag once na napasok na ako sa mundong yun."-paliwanag niya pero imbes na maliwanagan ako ay lalo akong naguluhan.

Napansin naman niya ang reaksyon ko kaya natawa siya ng mahina at pinisil ang ilong ko. Napanguso na lang ako.

"Alam kong hindi niyo yun pwedeng sabihin sa ibang tao khanz pero bakit mo pa din sinagot ang tanong ko?"-nag aalala kong tanong.

Naalala ko kase ang sinabi sa akin ni ate zaynah non na may rules daw sila at isa na yun ay ang hindi pagsasabi ng kahit sino ang tungkol sa organisasyon nila maliban na lang kung kasali ka.

"I'm willing to say the truth as long as you're the one who will know, ahli. Kaya kong sabihin sayo lahat ng pagkatao ko at wala akong ititirang kahit anong impormasyon ng hindi mo malalaman."-seryoso niyang paliwanag na naging dahilan ng pagkabog ng dibdib ko.

Palagi na lang ako ang iniisip niya. Kailan ko ba kayang maipagtanggol din siya sa Iba tulad ng ginagawa niya sa akin?

Napalunok ako at napailing.

"H-hindi khanz. A-ayokong..."-napalunok ako at nagtama ang paningin naming dalawa.

Paano mo nagagawa sa akin to khanz? Kaya mong isakripisyo lahat para lang sa akin. Anong kaya kong gawin para naman masuklian ko lahat ng hirap mo?

"It's okay...magtanong ka ng kahit ano. I am willing to answer you."-sinserong aniya kaya lalong napahigpit ang hawak ko sa kanyang kamay.

"A-anong ibig mong sabihin kanina na alam mo na ang patutunguhan mo kapag pumasok ka sa organisasyon na yun?"-naguguluhan kong tanong.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon