Chapter 9

10.5K 170 2
                                    


Chapter 9

A/N: Masipag ngayon si author kaya naman 2 updates ngayon! Bwahahaha! Enjoy reading and don't forget to vote;)♥♥

'In trouble with him'

Ahli's POV

"Lord God, bigyan niyo po ako ng lakas na makipaglaban. Gabayan niyo po ako at sorry po dahil nasangkot na naman ako sa gulo---ay!"-naputol ang pagdadasal ko ng bigla na lang silang sumugod lahat!

Oo, lahat sila! Hindi man lang isa isa? Talagang papatayin nila kami?!

Mabilis kaming naghiwalay ni damuho; na hanggang ngayon hindi ko pa alam pangalan niya. Pero wala akong pake! Humarap sa akin yung tatlo!

Hindi pa ako nakakapag salita ng sinugod nila ako ng sabay! Dali-dali akong umiwas sa suntok nilang tatlo. Akmang aambahan ako ng sipa nung isa pero nasalag ko yun at tumakbo papalayo pero hinarangan ako nung dalawa!

"Wala po akong kasalanan kuya. Hindi ko po yun kilala---peste!"-mura ko nung sumugod sila ng sabay! Ang hirap umiwas dahil ang bilis nilang kumilos! Hindi din ako makasapak dahil magaling silang umiwas.

Talagang papatayin nila kami! Ang galing pa naman nilang makipagbakbakan!

"Huwag po---*boogsh*"-napangiwi ako sa lakas ng suntok nung isa sa pisngi ko! Hindi na ako magtataka kung magkakaroon na naman ako ng pasa!

Nagpaikot ikot ako sa lupa kaya naman nakahanap sila ng tyansang sikmuraan ako pero mabilis akong bumangon. Inambahan ko ng suntok yung isa pero nakaiwas kaya naman yung kasama niyang nasa likod ang natamaan! Nagulat sila dun kaya nasipa ko yung nasa harapan ko at patalong sinuntok sa mukha!

"Kala niyo, hindi ko kayo kaya! Wala pala kayo eh!"-ngising tagumpay ako ng matumba silang dalawa.

"Sh*t!"-mura ko ng pagharap ko sa gilid may paparating na kamao sa mukha ko! Napapikit ako at hinintay na damhin ang sakit ngunit wala akong naramdaman.

O_-

-_O

O_O

Nanlaki ang mata ko ng makita si damuho na hawak yung kamao nung men in black. Napabuga ako ng hangin. Buti naagapan baka putok na ngayon labi ko!

Napalunok ako ng pinilipit niya ang kamay nito at binuhat saka padabog na binitawan! Syempre nagulat ako doon! Hindi ko akalaing magaling pala ang ugok na ito!

"Mag focus ka nga para hindi ka nila matyambahan."-pagalit pa niya akong binantaan!

"Focus? Paano ko gagawin yun eh hindi ko naman sila kilala at wala akong kasalanan sa kanila! Tapos ngayon, papatayin nila tayo!"-sumbat ko habang nakakunot ang noo.

"Lets talk later. Stay in my back."-hinila niya ako papunta sa kanyang likod.

Parang may bumalatay na kuryente sa aking braso ng hawakan niya yun pero wala ata siyang naramdaman! Ano yun? Bakit ganun?

Napalunok ako ng nasa harapan na namin sila! Nasa walo pa sila kaya naman mukhang mahihirapan talaga kaming ubusin sila! Baka patay na ako kapag wala ang damuhong to sa harapan ko!

Napakuyom ang kamao ko ng sumugod ang tatlo. Nanatili akong nakatayo samantalang sumugod na si damuho sa kanila! At talagang mapapanganga sa galingniya sa pakikipag laban! Ang bilis ng kilos niya! Hindi pa nga nakakasuntok yung kalaban, nasapak na niya ito. Hindi lang yun, napakalakas niyang sumuntok! Dinig na dinig ko kaya naman hindi agad maka recover ang kalaban!

Walang pang limang minuto ng mapatumba niya ang tatlong kalaban! Walang pawis, hindi pa hinihingal at walang bakas sa kanyang mukha ang pagod! Swabeng swabe siya!

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now