Chapter 51

7.5K 131 3
                                    


Chapter 51: 'Birthday'

December 7, 2011

Ahli's POV

Biyernes ngayon at kahit bukas pa naman ang birthday ko napagpasyahan na nila mommy na pumunta kaming batangas para dun daw kami magce-celebrate ng birthday ko. Sinabi ko nga sa kanya na kahit huwag na dahil paniguradong malaki ang magagastos pero sabi ni mommy pangbawi na lang niya sakin yun nung mga panahong wala siya sa tabi ko.

Kahit papano, masaya na ako dun dahil sa efforts niya. Wala naman na akong magagawa dahil si tita marinel ay mabilis ding pumayag. At napagpasyahan din nilang lahat ng kaibigan ko ay isasama din kaya naman sobrang saya ko. At kapag nagkataon ito na ang pinaka masayang kaarawan sa buong buhay ko.

Mag aalas tres na nang makadating kaming lahat sa resort. Dun kase napili nila mommy kaya hindi na ako naka angal pa. Maganda naman ang panahon ngayon dahil mainit at hindi gaano malamig. Pwedeng-pwede kang maligo sa dagat. Para ngang ang sarap maligo dahil ang linis linis ng tubig.

"Woah! This place is paradise!"-namamanghang komento ni norine at saka tinanggal ang suot niyang shade.

Bawat isa sa amin may mga hawak na bag at ang ilan pa ay maleta dahil tatlong araw din kaming mananatili dito at si mommy lahat ang bahala sa mga babayarin namin.

"Witwew! Ang daming sexy!"-nawiwiling pinagmasdan ni gelo ang mga ilang babaeng nakabikini'ng naglalakad sa gilid ng dagat.

"Tangina mo! Diyan ka magaling! Wala namang papatol sayo!"-kantyaw agad sa kanya ni ayna na katabi ni renzo.

Agad napasimangot si gelo at bahagya pang inayos ang mala bulaklakin niyang suot. "Sa gwapo kong to, minamaliit mo ako? Hoy! Marami nang dumaang babae sa akin no!"-tanggol niya sa kanyang sarili.

"Hoy! Huwag mo ding sigawan tong 'rebisco' ko!"-sabat naman ni renzo at saka dinala pa talaga niya si ayna sa kanyang likod.

"Rebisco? Psh. Siya kaya nauna!"

"Kahit na."

"Aish! Ang ingay niyo!"-suway ni lester sa tabi ni gelo. Halatang kanina pa nabuburyo lalo na't nandito din si norine.

"Oh, narinig niyo yun? Magagalit tong baby ko sa kaingayan niyo."-sambit ni norine at kinawit ang kamay sa braso ni lester. Iritado naman niya yun hinawi kaya napanguso si norine.

"Bitawan mo nga ako!"

"Hahaha! Napapala mo!"-asar ni drex sa kanyang kapatid kaya lalong napanguso ito.

"Eh baby naman. Meron ka ba ngayon? Ang sungit mo naman sakin."-nagtatampong kunyari ni norine samantalang lalong hindi maipinta ang mukha ni lester.

"Huwag mo kong tawaging baby. Nakakairita ka!"-singhal niya bago ito pumasok kung saan nandun sina mommy at mama habang inaasikaso ang mga magiging kwarto namin.

"Wait! Lester!"-tumakbo naman pasunod sa kanya si norine kaya napailing na lang kaming natira.

"Sh*t! Ang init! Baka umitim pa ako neto!"-reklamo ni morreth habang padabog na nagpapaypay.

Pansin ko naman ang pagismid ni casz. "Arte! Kala mo sinong maputi."

"Excuse me? May sinasabi ka?"-mataray niyang puna kay casz.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now