Chapter 24

9.2K 149 0
                                    

A/N: First of all, sorry for the wrong and error typos. Hindi ko na kase ire-reread pagtapos ko na dahil publish ko na agad kaya pagpasensyahan na. Minsan kase nagmamadali ako, hehehe. Anyway's happy reading;)♥

P.S. Re-publish.

Chapter 24: 'Three Girls'

Ahli's POV

"Kilala mo ba yung bisita natin kahapon?"-tanong ko sa kapatid ko habang naglalakad kami papasok ng school.

Nakasabay ko siya ngayon dahil maaga akong nagising. Maaga kase pumapasok ang lalakeng to kaya hindi ko siya nakakasabay kapag pumapasok. Ngayon lang ata. Hindi kase ako masyadong nakatulog kagabi.

Iniisip ko ang nangyari kahapon at hanggang ngayon palaisipan padin sa akin kung sino ang bisita namin. Hindi ko siya lubos kilala pero bakit ganun na lang siya makareact ng makita yung kwintas ko?

Tulad na lang noon ni mondriguez. Bakit ganun sila maka react ng makita yung kwintas ko? Hindi ba sila naniniwalang akin yun dahil lang sa gold yun? Tsk.

At dahil sa kaba ko kahapon, mabilis ko ng kinuha sa kanya yung kwintas ko at nagpaalam papaalis. Hindi ko na nakita kung anong reaksyon nung bisita namin dahil kinakabahan ako.

Tulad nung mga panahong nasa peligro ako ng mga tauhan ni mondriguez, ganun din ang kaba ko kahapon. Unti-unti na akong nagtataka sa mga pangyayari.

Kung may kinalaman na naman ba sina khanz dito, hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Sinong bisita?"-pagsusungit na naman niya sabay ayos sa salamin niya.

"Yung nag dodonate sa school natin. Ewan ko ba kung updated ka sa nangyayari sa school o talagang wala ka lang pake."-wika ko na ikina irap niya.

"Bakit sakin mo tinatanong? Ako ba yung bisita?"

"Aba't namimilosopo ka pa! Bakit kase hindi mo na lang ako sagutin."-singhal ko at akmang babatukan ng umiwas siya.

"Totoo naman ah. Konti lang alam ko tungkol sa kanya."

"Yang konti mo, sobra-sobra pa nabibigay mong impormasyon!"

"Edi huwag! Ikaw na ngang nagtatanong, ikaw pa galit."

"Nag me-menstruation ka ba? Ang sungit mo eh!"

"Ma lalake bang nagme-menstruation? Utak naman ate."

"Aba't gago ka talaga! Sagutin mo na nga lang ako. Umagang-umaga, pinapainit mo ulo ko."-inirapan ko siya at humalukipkip.

Nagmana talaga kay mama to. Napaka sungit. Kelalaking tao. Baka naman bakla to? Subukan lang niyang pumatol ng lalake, papagasahin ko siya sa babae. Sayang naman gwapo ng kapatid kong to kung lalake lang makikinabang! Lah! Wala kaya sa lahi namin ang mga bading at tomboy! Hindi naman ako tomboy! Tsk.

"Marinel Kang ang pangalan niya. Her husband name is Manuel Kang which is a Korean. She manage the Alcantara Company that her sister's own but unfortunately her sister died so now she's the one who's managing it while her husband is managing his own company in korea."-paliwanag niya.

Napatingin naman siya sa akin ng mapansing hindi ako umimik. Napahawak ako kunyari sa ilong ko.

"Tangina, dumudugo ata! Inenglish mo pa alam mo namang purong pilipino ako!"-singhal ko sa kanya at napahawak pa sa ulo ko. Ang sakit ah!

Umirap naman siya at nauna nang pumasok sa gate ng school namin.

Marinel Kang....

Sino nga ba yun at ganun na lang ang reaksyon niya ng makita ang kwintas ko? May koneksyon ka bay khanz? Anong alam mo sa akin? Anong atraso na naman ang mayron kayo khanz? Bakit hindi na lang nila ako lubayan.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now