Chapter 55

7.7K 138 2
                                    

Chapter 55: 'Beginning of war'

December 8, 2011

Ahli's POV

Pagkabalik na pagkabalik namin sa resort, dumeretso agad kami sa cottage dahil naghihintay daw doon silang lahat. Malapit ng maghapon ng makadating kami at bumungad sa amin silang lahat na nakangiti.

"HAPPY BIRTHDAY AHLI!!!"-nakangiting sigaw nila at may kasama pa talagang paputok ng confetti. Lalo akong natuwa ng bigla nila akong niyakap lalong lalo na sina ayna, norine, morreth at haeni.

Halos hindi na nga ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap nila.

"Magkwento ka mamaya."-pinandilatan nila ako ng mata at saka umalis sa pagkakayakap sa akin. Natatawa na lang akong umiling bago lumapit kila mommy at mama.

"Happy birthday! "-masayang bati nila at saka kami nagyakapan. Kahit maliit pa si emman ay niyakap na lang niya ang papa kaya natatawa kami.

"Salamat po."-buong galak kong sabi bago kami nagsipag kainan.

Masaya ko silang pinagmamasdan at halos hindi na mawala wala ang ngiti sa labi ko. Ito na talaga ang pinaka masayang araw na nasaksihan ko. Parang gusto ko na lang ganito kami lahat. Yung palaging masaya.

"Hep, hep! May utang ka samin."-nagulat naman ako ng nagsidatingan sina ayna at mabilis na tumabi sa akin. Halos pinaggigitnaan na nila akong apat.

"Anong utang?"-kunot noo kong tanong bago sinubo ang hotdog na kinakain ko.

Nagkatinginan silang apat na para bang may pinag uusapan sa pamamagitan ng kanilang tinginan.

"Ang sarap ng kain mo sa hotdog ah..,"-mapanuyang komento ni ayna.

"Masarap naman talaga ah."-dagdag ko pa at saka muling sinubo.

"Eh yung hotdog na totoo, masarap ba?"-usisa naman ni norine dahilan para mabilaukan ako sa gulat.

Wtf?

"A-anong sinasabi niyong hotdog na totoo?"

Ano bang pinagsasabi ng mga to? Bakit nasama yung totoong hotdog? Anong trip nila?!

"Hmmm!"-kiniliti nila ako. "Painosente ka pa teh! Parang hindi kayo nagyugyugan sa isla eh!"-natatawang asar naman ni morreth samantalang kumakain lang sa tabi si haeni.

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Napatingin ako sa paligid dahil baka may nakarinig pero mukhang busy sila sa sari-sariling mundo.

"H-hoy! Wala kaming ginawa!"-napapalunok kong sabi at saka umiwas ng tingin.

Wala naman talagang nangyari sa amin. Muntik lang pero tinigil naman ni khanz kaya walang nangyari. Wala din akong nakitang totoong hotdog, yun pa kayang matikman! O___O!

SHIT! ANG DUGYOT KO NG MAG ISIP!

"Weh? Lintik lang ang maloloko mo! Umamin ka na kase!"-pamimilit ni ayna habang niyuyugyog na ang balikat ko.

"Napuno siguro ng ungol ang buong isla sa ginawa niyo! Wahahahaha!"-asar pa ni norine at saka nagtawanan silang tatlo.

Lalong namula ang pisngi ko sa sinabi nila. Naalala ko kase ang ungol ko kanina. Nakakahiya! Bakit kase nila pinaalala pa?! Huhuhu...nahihiya na tuloy ako kay khanz!

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now