Chapter 42

9.3K 183 6
                                    

Chapter 42: 'MEMORABLE DATE'

Ahli's POV

Malapit ng mag November at sembreak namin ngayon. Kakatapos lang ng first sem namin at ngayon ay wala ng klase kaya naman halos lahat ng studyante ay nagplano-plano na ngayong walang pasok.

Pakiramdam ko ngayon na lang ako nakahinga ng maluwag. Walang assignment, projects, outputs at walang Mr. Montevaldejo na napaka strikto. Kakatapos lang naming mag test at feeling ko lahat ng sakit ng ulo at pagod ko ay mawawala ngayong sembreak namin.

At ang plano ko ay ang manatili lang sa bahay at magpahinga pero mukhang hindi ko magagawa yun dahil...

"Tsk. Ang tagal mo naman."-reklamo ni khanz ng makalabas ako ng bahay.

Umismid lang ako sa sinabi niya at saka pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa.

Bumakas ang pagkamangha sa aking mukha. Di ko talaga maitatangging ang gwapo niya kahit anong suotin niya. Naka faded jeans lang siya ngayon. V-neck black na damit at converse na black. Naka leather jacket siya ng black din at kitang-kita ko ang dog tag niya.

Napailing ako sa kagwapuhan niya. Kahit ata supot ang isuot niya di padin mawawala ang kagwapuhan niya. Kaya niya pading dalhin. Ano bang nagawa ko para magustuhan niya ang Isang tulad ko?

*plok*

"A-aray!"-malakas na daing ko at saka napahilamos sa noo kong pinitik niya.

Oo, pinitik niya huwag kayong ano.

"Nahuhumaling ka na naman tombs, huwag masyadong pahalata."-ngumisi siya at saka nagpamulsa.

Kailan pa naging mayabang to? Ah, matagal na pala. Nagtaka pa ako. Tsk.

Kunyari akong ngumiwi at kinunotan siya ng noo. "Sinong nahuhumaling? Nananaginip ka ata bads. Gumising ka uy----aray! Nakakadalawa ka na ah!"-bahagya na talaga akong lumayo para kung sakaling pitikin na naman niya ako, makaka Iwas na ako.

Ang sakit pa naman niya pumikit. Tsk.

"Psh. You're such a liar."-umiling iling siya at saka may binato sa akin dahilan para matamaan mukha ko.

Inis kong tinaggal yung jacket na binato niya sakin at saka sinamaan siya ng tingin. Kung hindi lang talaga siya matangkad baka kanina ko pa piningot ang tenga niya. Nakaka asar talaga siya!

"Ano ba! Napaka bastos mo talaga! Wala ka man lang ka-sweetan sa katawan. Pinaglihi ka ata sa ampalaya eh!"-inis kong singhal dahilan para tumaas ang isang kilay niya.

Sumandal siya sa kanyang mamahaling kotse at humalukipkip.

"Baka kapag naging sweet ako, pagsisihan mo."-ngisi niya at saka tamad akong tinignan.

Napaismid ako ng wala sa oras at di na lang pinansin yung sinabi niya. Pinagmasdan ko ang bigay niyang jacket. Pareho sa jacket niyang suot na kulay black.

Umangat ang tingin ko sa kanya na may nagtatakang ekspresyon.

"Ano to?"-tanong ko.

"Jacket yan."-walang gana niyang sagot.

Napasimangot ako.

"Alam ko kung ano to. Ang ibig kong sabihin, anong gagawin ko dito. Namumuro ka na talaga."-singhal ko sa kanya.

Ganito ba talaga tong lalakeng to? Pasalamat siya nagustuhan ko siya. Baka kung hindi, kanina ko pa siya nilayasan dito.

"Suotin mo yan."-tipid niyang tugon at saka umiwas ng tingin.

Kumunot ang noo ko at saka muling pinagmasdan ang jacket. Saka ko lang napansing may nakaburda pala na 'Lacuesta's Property' sa likod ng jacket. Kulay puti ang gamit na pinangburda.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن