Chapter 10

10.3K 165 1
                                    


Chapter 10

'Fate'

Ahli's POV

"Hala! Namumula na yang leeg mo ahli! Pakita na natin sa doktor!"-gulat na bulalas ni ayna ng mapansin ang leeg ko.

Mas namula ngayon kaysa kahapon kaya mapapansin mo talaga agad. Medyo sumasakit nga lalamunan ko pero kaya ko pa naman.

"Hindi na. Aksaya lang ng pera."-tugon ko at sinubo yung burger na libre nung mag syota.

Kasalukuyan kaming kumakain dito sa EK. Madaming tao at maingay dahil naririnig mo ang mga sigawan ng mga nakasakay.

"Ano ba talagang nangyari sayo?"-taas kilay pa niyang tanong habang sinusubuan si rondrick.

Napaiwas ako ng tingin dahil sa tanong niya. Ayokong sabihin sa kanila dahil mananatiling sikreto lang sa akin yun. At isa pa, mukhang walang balak na mag sorry ang damuho'ng yun. Kasalanan naman niya yun. Kung wala siya dun, hindi dapat ako madadamay. Palagi talagang pahamak ang ugok na yun.

"Di ko matandaan."-tipid kong sagot.

"Anong hindi matandaan? Ano yun, nagkapasa ka lang nagka amnesia ka na? Utot mo!"

"Meron naman ganun ah!"

"Nagkaka amnesia lang ang tao kapag malala ang natamo. Sa kaso mo, minor lang!"-sabat naman ni rondrick.

"Pakyu kayo."-inirapan ko na lang sila at nagpatuloy sa pagnguya.

"Pagkatapos natin dito, mag rides tayo ha?"-nakangiting yaya ni ayna kay rondrick.

"Oo naman loves. Kain muna tayo."

Napangiwi ako ng todo at umakting na parang nasusuka. Para akong tangang chaperon ng mga lintik! Kapag talaga hindi ko sila matansya, ihuhulog ko sila sa space shuttle! Kabanas!

Sana nandito na lang si zadkiel para naman may kausap ako. Hindi yung pinanonood ko lang maglambingan ang dalawang to! Linunok ko yung burger ng hindi pa masyadong nginunguya kaya naman napaubo ako!

"Oh...hoy, anong nangyari sayo?"-gulat na tanong nila.

Napailing lang ako habang inaabot yung tubig.

Peste! Ang sakit ng lalamunan ko!

Pag nakita ko talaga mukha nung nang sakal sa akin, siya ang ililibing ko ng buhay! Grabe, muntik na akong mamatay kahapon! Buti na lang may nang ligtas sa akin---si damuho kaya yun?

Eh sino pa nga ba? Siya lang naman kasama ko kahapon. Siya kaya ang narinig kong tumawag sa pangalan ko? Imposible! Paano niya nalaman ang pangalan ko kung ganun?

Dahil sa kakaisip, hindi ko na namalayang tapos na ang dalawa sa kinakain nila.

"Ahli, tara na! Dali! Excited na ako!"-hinila na ako ni ayna patayo at lumabas na kami.

Napalunok ako ng makita ang mga rides! Ang taas! Parang hindi ko ata kayang sumakay diyan! Diyos ko lord. Ayoko pa pong mamatay!

"T-teka...naiihi ako, mamaya na"-palusot ko at akmang aalis ng nahuli ako nung dalawa.

"Kaka cr lang natin ahli! Ano ba! Dumadami ang tao oh!"

"Ayoko! K-kayo na lang!"

"Hindi pwede! Pagkatapos ka naming ilibre!"-nakangisi silang hinila ako.

Huhuhu...ayoko pa pong mamatay. Magpapakasal pa kami ni zadkiel eh!

Wala akong nagawa kundi ang magpatianod sa hila nila. Wala talaga akong takas. Nagsisisi na akong sumama sa kanila. Ayoko ng magpalibre!

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon