Chapter 30

8.8K 138 0
                                    

A/N: Sa mga nalilito diyan kung bakit marami akong new characters, huwag kayong mag alala dahil unti-unti din kayong maliliwanagan. Patient okay? Enjoy reading and don't forget to vote and follow!:)

Chapter 30: 'Their relationship'

Ahli's POV

"Alam mo ba na ang pinaka ayoko sa lahat ay yung pinapakialaman ang buhay ko?!"-kunot noong tanong niya na may nanlilisik na mata. Bakas sa boses niya ang galit at kawalan nang pasensiya.

Napalunok ako nang paulit-ulit. Wala akong masabi kahit ni isang salita dahil sa takot. Tumatagaktak ang pawis ko sa aking noo dahil sa kaba. Hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko. Para siyang nangangain nang buhay.

"Now face you're consequence...."-dagdag niya at hinugot ang baril sa kanyang likod. Mabilis niya yun kinasa at walang kurap-kurap na tinutok sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Kumabog nang malakas ang dibdib ko. "A-anong ibig s-sabihin nito?! A-anong ginagawa m-mo?!"-utal kong sigaw kahit bakas na sa boses ko ang takot, nanatili akong matatag.

Lalo akong kinabahan nang bigla siyang ngumisi na parang demonyo.

"Knowing my secret means facing you're own death....."

At kasabay ng pagputok ng kanyang baril ay ang pagkakilanlan ko sa kaniyang mukha.

"Khanz.."

"HUWAG! "-hinihingal akong napabangon habang tagaktak ang pawis sa aking noo.

Mabilis akong napatingin sa paligid. Nandito padin ako sa loob ng kulungan. Gaya padin ng dati, amoy ko ang masangsang na dugo. Naalala kong nahimatay ako dahil sa panninikip ng dibdib ko.

At hindi ko aakalaing mapapaginipan ko siya. Sa isang hindi magandang pangyayari. P-pinutukan ako ng baril si khanz.

Anong ibig niyang sabihin sa panaginip ko? Sikreto? At bakit naman niya ako papatayin? Bakit ganun na lang siya magalit sa akin?

Alam kong hindi mangyayari yun sa totoong buhay pero bakit ganitong kaba na lang ang nararamdaman ko? Ano ka ba talaga khanz? Lalo mo akong ginugulo.

Halos mapaigtad ako sa gulat ng biglang bumukas ang kulungan. Bumungad sa akin ang isang matangkad na lalake. Nakasuot sa kanya ang malaking baril at naka face mask siya.

"N-nasaan ang mga kasama ko?"-kinakabahan kong tanong ng maglakad siya papalapit sa akin.

"Saan mo ko dadalhin?!"-malakas ang boses kong singhal ng kaladkarin na lang niya ako palabas ng kulungan. Hindi siya umimik habang ako ay patuloy sa pagpupumiglas.

Hanggang sa makarinig ako ng sigawan galing sa kabilang kulungan. Dun ako pinasok nung lalake at ganun na lang ang gulat ko ng makita sina ate zaynah na duguan ang kanilang likod! Punit na punit na para bang may hinampas na matalim na bagay dahilan kung bakit dumugo ito. Bahagya silang nakatayo habang nakatali ang mga kamay nila pataas.

Mabilis akong tumakbo patungo sa gawi nila.

Halos maiyak ako ng hawakan ko ang pisngi ni ate zaynah. Namumutla ito at mabibigat ang kanyang paghinga. Habang si ayna ay nawalan na ng malay.

"Ano bang kailangan niyo sa amin?!"-singhal ko sa lalakeng kumaladkad sa akin. Nangingitgit ako sa gilid at di ko mapigilan ang galit na namumuo sa dibdib ko. Walang silang awa. Hindi man lang nila inisip na babae ang sinasaktan nila! Mas masahol pa sila kay mondriguez.

"Isa ka ring palaban na babae."-nabaling ang tingin ko sa gilid ng may biglang nagsalita. Sa una, hindi mo siya mapapansin dahil madilim ang gawing yun at ng lumabas ito, kumabog ang dibdib ko.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now