Chapter 12

9.5K 157 1
                                    


Chapter 12

'The true color'

Ahli's POV

Hithit, buga.

Hithit, buga.

Walang tigil akong naghithit ng aking yosi. Ito na lang ang pwedeng kakalma sa akin. Kailangan kong mag plano ng maayos. Yung walang makaka alam. Walang sagabal at dapat mapagtagumapayan ko.

Buo na ang desisyon ko at kailangan ko ng tanggapin ang kapalaran ko. Sana nga lang, mapatawad nila ako. Sana hindi nila ako kamuhian. Iniisip ko pa lang ang mangyayari para na akong nanghihina. Naba blangko ang isip ko sa kailangan kong gawin kaya pinapakalma ko ang sarili ko.

Hindi dapat ako magkamali dahil ito na lang ang huling tyansa ko.

Lord, patawarin niyo ako. Hindi ko to gusto pero wala akong ibang pagpipilian.

Napabuntong hininga ako at napasandal sa pader. Kasalukuyan akong nagtatago sa gilid habang pinagmamasdan sina khanz na naguusap di kalayuan sa akin.

Naghahanap ako ng tyempo para mapag isa siya at masagawa ko ang plano. Uwian na pero hindi pa din sila umaalis. Nagtataka sina ayna kanina kung bakit daw ako nagmamadali pero nagdahilan na lang ako at sinabing walang magbabantay kay emman sa bahay. Kaya hinayaan na lang ako nung dalawa.

Nasa likod ko ang swiss knife na binigay sa akin nung men in black at nararamdaman ko talagang may nagmamasid sa akin. Siguro alam na nila kung anong ginagawa ko ngayon.

Gusto kong mabuhay. Yun palagi ang tinatatak ko sa aking isip. Binabalewala ang konsensya at takot sa aking loob para hindi maging sagabal sa aking plano.

Sana nga tama tong desisyon ko.

Tinapon ko ang aking yosi at saka inapakan ng makita silang apat na naglalakad na papalabas ng gate. Maingat ko silang sinundan para hindi nila ako mahalata.

Sana nga hindi nila ako mahalata.

Peste! Kinakabahan ako!

Nang makadating sila sa parking lot, mabilis akong nagtago ulit sa puno. Sumilip ako ng bahagya at papasakay na sina drex, casz at renzo. Nanatili namang nakatayo si khanz doon habang nakapamulsa at nakasandal sa kanyang kotse.

Mukhang sumasang ayon ang plano ko. Bakit hindi pa umaalis ang damuhong to? May hinihintay ba siya?

Sinipat ko ang paligid para masigurong walang tao sa oras na sasaksakin ko siya. Nag aagaw na din ang dilim sa kalangitan kaya hindi ako mahihirapan.

Sana nga hindi ako mahirapan.

Kitang kita ko sa dalawang mata ko kung paano siya makipagsuntukan noon sa mga men in black. Magaling talaga ang kumag. Kaya nag aalala ako kung paano ko siya sasaksakin. Baka isang suntok pa lang niya sa akin, goodnight see you again tommorrow ako.

Napailing na lang ako at dinukot ang maliit na kutsilyo sa aking likod. Muli kong sinilip ang gawi ni khanz, pero laking gulat ko wala na siya!

O_O

Tangina! Saan nagsusuot yun? Wala na sila drex pero nandito pa din yung kotse niya.

"Langya, nasaan na ang damuhong yun?"-napakamot ako sa aking ulo.

"Are you looking for me?"

O_O

Mula sa aking likuran, dinig na dinig ko ang malalim at may awtoridad na boses ni khanz!

Nahuli ako! Nabisto ako! Shit! Paano niya nalaman na sinusundan ko siya? Sabi na nga ba at hindi sumasang ayonsa akin ang plano ko.

Dahan dahan akong napaharap sa kanya at unang bumungad sa akin ay ang kanyang masamang titig! Lalo akong napalunok. Nakakatakot ang titig niya. Para akong mahihimatay!

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now