UNANG PAHINA

3K 149 8
                                    

-

"IN THE YEAR 1886, Dr. Jose Rizal published his novel entitled Noli Me Tangere....." pagpapaliwanag ni Mr. Cabot sa amin. Tahimik ang buong klase, yung iba nakikinig, may pasimpleng nagse-selpon, at may malapit ng makatulog katulad ko. Bakit ba naman kasi tinapat sa katanghalian ang History Class na ito.

Hindi ko na natiis at pasimple na din akong umubob sa desk. Nakaupo ako sa ay bandang gilid kaya hindi masyado makikita. Bakit ba naman kasi alas-tres ng madaling araw tumunog ang alarm ko imbes na alas-syete, hindi na tuloy ako nakabalik sa pagtulog at kaylangan ko na rin maghanda para sa pagpasok.

Dahan-dahan ko ng ipinikit ang aking mga mata ng may biglang humampas sa balikat ko. Napatunhay ako dahil sa gulat. Si Irvine pala. Katabi ko.

"Bakit ba?" inis kong tanong. Kung kelan liliparin na ang diwa ko saka naman ito umeksena.

"Si Sir, kanina ka pang tinatawag." mahina nitong sabi.

Tumingin ako sa unahan. Patay ! seryosong nakatingin sa akin ang dalawang malaking mata ni Sir. Dahan-dahan akong tumayo.

"Oh ! Mr. Clemonte , anong nangyari?" tanong nito sa 'kin.

"Sa--saan po?" utal kong sabi.

"Sa pagtulog mo !" Nagtawanan ang buong klase dahil sa sinabi ni Sir. Napaupo na lang ako dahil sa hiya.

Asar talaga.

Buti na lang at last subject na namin iyon kaya nagmamadali na akong umuwi kahit pinipilit ako nila Irvine na sumama gumala.

Mambababae lang naman ang mga iyon. Hindi ko iyon kaylangan mas kaylangan ko ng tulog.

Umuwe ako ng walang katao-tao sa bahay. Buti na lang dahil walang bunganga na magtatanong sa akin ng mga walang kwentang bagay.

Pagbukas ng pinto ng aking kwatro ay kaagad kong inihagis ang aking bag sa may study table ko sa sobrang lakas ay natamaan ang statue na antique sa may gilid kaya nahulog sa sahig. Buti na lang at hindi naputol. Pinagkakaingat-ingatan ko pa naman ito dahil isang taon ko bago ito nahanap.

Nangongolekta kasi ako ng mga antique na bagay. Nahawa na rin siguro ako sa aking ama dahil iyon ang trabaho niya noong bata pa ako.

Inilagay ko ito sa malaking kabinet na puno na rin ng ilang mga bagay na aking nakolekta saka isinarado ng marahan ang sliding door nito.

Humiga na ako sa kama at hindi ko na nagawang magpalit ng damit dahil pipikit na talaga ang mata ko anumang oras.

Bigla akong nagising na basang basa ng pawis kahit nakatodo na ang aircon ng aking kwatro dahil sa aking napanaginipan.

Isang babae na pilit inaabot ang kamay ko. Hindi ko maalala ang mukha nito dahil malabo ang naging rehistro niya sa aking panaginip.

Ang weird.

Kaagad akong bumaba para uminom ng tubig. Tiningnan ko ang oras sa aking cellphone. Alas-nwebe na pala ng gabi. Ang tagal din ng naitulog ko.

Maya-maya pa'y tumawag si Irvine.

"Yo! Punta ka dito sa RockChild daming chickababes." sabi nito sa kabilang linya. Hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi niya dahil sa ingay na naririig ko.

"Ikaw talaga. Sige. Magbibihis lang ako." kaagad kong ibinaba ang cellphone at nagbihis. Tutal Sabado naman bukas maari akong magpuyat.

Pinaandar ko si black . Ang aking motor at  saka pinaharurot.

Mula sa labas ay dinig ko na ang malakas na tunog at hiyawan ng mga tao sa loob ng RockChild. Isa itong bar na pinaghati-hatian naming magbabarkada na itayo. Mag-iisang taon na rin ito at nagiging sikat na sa mga tao dito.

Ipinarada ko si Black sa may gilid at kaagad na umakyat sa tatlong baitang ng hagdan . Hinawakan ko ang door knob ng tinted glass door nito para pumasok nang bigla akong napaatras.

Ang mga taong nakikita ko ngayon ay mga hindi pamilyar na mukha. Mga nakasuot ng kimona at saya ang mga babae, samantalang naka barong naman ang mga lalaki. Ang mga ibat-ibang kulay ng ilaw ay napalitan ng mga lamparang nakasabit sa dingding. Teka ! bagong pakulo ba ito ni Irvine.

Napailing na lang ako sa aking nakita.

Nasaan na nga ba ako?

VOTE. AND LEAVE YOUR COMMENTS !

Yu & Ai (1886) | CompletedWhere stories live. Discover now