KABANATA X

537 47 8
                                    

TATLONG ARAW na ang nakaraan mula ang naging pagpupulong sa bulwagang bayan. Tatlong araw at tatlong gabi ang inukol ng buong San Diego para sa paghahanda sa nalalapit na pista ng bayan.

Naging paksa sa bayan ang naging pagdalo ni Crisanto Fuentes sa pagpupulong. Ikinatuwa nila ito dahil hinahangaan ang kanyang kagisigan.

Sus ! mas makigisig pa ako dun eh.

Lumakad ulit ako patungo sa puno. Sa pag-asang makikita ko siya.

At hindi nga ako nagkamali. Naroon siya. Nakaupo sa may ugat. At tila may hinihintay.

Mag-aasume na ako na ako yun!

Umubo muna ako para  makuha ang atensyon nito.

Tumingin naman ito sa akin saka tumayo.

Mukhang lagi kang dinadala ng mga paa mo sa lugar na ito.” pabiro nitong sabi.

Marahil ay alam ng mga paang ito ang dapat niyang puntahan at iyon ay dito.” sabi ko.

Bahagya naman siyang napangiti.

Tumingala ito sa mga bulaklak ng kalachuchi.

Sobrang taas na nila” dismayang sabi nito.

Ako man din ay napatingala na.

Napangiti naman ako sa naisip kong ideya.

Kung mararapatin mo binibini, maaari ka bang sumama sa akin?” tanong ko rito.

Saan naman?” maikli niyang sabi.

Sa lugar kung saan maari mong maabot ang mga bulaklak na iyong nais.” sagot ko sa kanya.

Tumango naman ito sensyales ng pagpayag.

Kaagad kaming lumakad sa lugar na aking sinabi.

Napakaganda.” bulalas niya. Manghang- mangha si Aida sa mga bulaklak na  nakikita niya ngayon.

Naririto kami sa isang taniman  ng mga bulaklak malapit sa sakahan nina Tiya Aurora. Sa pagkakalam ko’y may dating nag-mamay-ari ng lupaing ito ngunit lumipat na ng bayan. Tinabas lahat ng mga bulaklak. Ngunit nagsitubuan ulit ang mga ito.

May mga rosas na ibat-ibang kulay, may sunflower rin at mga alas-dyis na tuwing sa oras ng alas-dyis bumubuka ang mga bulaklak nito.

Tila nasa paraiso ako.” masayang sabi nito.

Napangiti naman ako ng makitang nasayahan siya.

Maari mong kuhanin ang bulaklak na naisin mo.” sabi ko dito.

Baka may magalit kapag ginawa ko iyon.” sambit nito.

Umiling lamang ako saka pumitas ng isang bulaklak sa aking tabi at saka ibinigay sa kanya.

Ngumiti naman ito saka tinggap. Inamoy-amoy pa niya ang petals nito.

Alam mo binibini. Para kang bulaklak.” sabi ko dito. Napatigil naman ito sa pag-amoy ng bulaklak.

Huh?” naguguluhan niyang tanong.

“Para kang bulaklak. Dahil namumukadkad ang iyong kagandahan.” sagot ko sa kanya.

Nice one Yuan. Nakabanat ka pa ng lagay na yan.

Napatawa naman si Aida sa aking sinabi. Saka tumalikod at naglakad papunta sa mga rosas.

Ako nama’y nag-uli uli rin.

Aray!” sigaw nito.

Kaagad akong napalingon sa gawi niya. Hawak-hawak nito ang kanyang daliri. Nilapitan ko siya saka nakitang nadugo ang kanyang hintuturo.

Yu & Ai (1886) | CompletedWhere stories live. Discover now