KABANATA XII

521 66 0
                                    

-

MADALING ARAW pa lang ay nagtungo na kami ni Baste sa may lawa upang mangisda. Nagniningning pa ang mga bituin sa bughaw ba kangit. Ang mga ibon ay nagpapahingalay sa mga sanga ng kahoy. Palibhasa'y madilim pa kaya't gumamit kami ng isang huwepeng pananglaw.

Masasabing ang bayan ng San Diego ay halos nasa baybay na ng lawa. Sa kabilang bahagi nito ay matatanaw ang bansang Europa, Pransiya, Alemanya, at Suwisa - mga bansang mauunlad.

Sumakay kami sa isang bangka. Eto ang kauna-unahang pagkakataon na makakasay ako sa bangka. Kahit noong nasa kasalukuyan pa ako ay hindi rin ako nakakasakay sa barko dahil natatakot ako. Ngunit hindi ko naman maaring hindi samahan dito si Baste . ayoko ng dagdagan pa ang mga paghihinala nito sa akin.

Unti-unti na ring umiihip ang sariwang hangin dala ang amoy ng tubig ng lawa.

"Kaylangan na nating pandawin ang mga isdang nasa lambat." sabi nito ng makasakay kami sa bangka.

Dahil wala akong kaalam-alam sa sinabi niya ay nanatili na lamang akong tahimik.

Sa may di kalayuan ng pampang ay naroon ang lambat na sinasabi ni Baste. Hinigit niya ito at itinaas ngunit ni isang isda'y walang kumapit sa lambat.

"Marahil ay tulog pa ang mga isda kaya hindi pa sila nakakapit diyan." pabirong sabi ko dito dahil kita kong nadismaya siya.

"Totoo nga siguro ang sabi-sabi ng may engkanto sa lawang ito." sabi nito ng ibinalik muli ang lambat sa tubig.

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

Engkanto ?

Bigla naman akong kinalibutan sa sinabi niya. At naalala ko ang isang pangyayari sa Noli noong may nahuling malaking buwaya sina Ibarra at ang kapitan ng bangka na si Elias.

"Oh baka naman may buwaya dito sa lawa." sabi ko kay Baste habang sinisipat ang medyo malabong tubig ng lawa.

Napatawa naman ito ng bahagya dahil sa aking sinabi.

"Tayo na't bumalik sa pampang at mag-umagahan." . pagkatapos noo'y umakyat kami sa isang dampa na nakatayo sa ibabaw ng tubig. May isang makipot na daan na yari sa mga kawayan ang siyang nagsisilbing tulay upang marating ang dampa.

Nagbubukang-liwayway na ng mapagpasyahan naming umuwi na dahil wala rin naman kaming napala sa pagpunta roon. Ngunit para sa akin ay isa iyong magandang alaala na madadala ko sa kasalukuyan.

-

IKA-SAMPU na ng Nobyembre ngayon. Eto ang bisperas ng pista dito sa San Diego. Madalas na ang tugtog ng kampana sa simbahan. Ang mga tao'y aligaga na rin sa paghahanda para sa nalalapit na okasyon.

Nang makauwi kami ay inutusan ako ni Baste na sumaglit sa palengke para bumili ng kape. Nagpupumilit namang sumama si Manuel kaya wala n akong nagawa kundi siya'y isama.

"Kuya Yusebio. Maari nyo po ba akong turuang bumasa at sumulat.?" tanong nito sa akin habang naglalakad.

Napatingin naman ako sa kanya.

"Wala po akong kuwalta na magagamit para makapasok ng paaralan." dagdag pa nito habang nakatingin sa isang paaralan na aming nadaanan.

Naawa na naman ako sa kanya ng mga sandaling iyon. Ang batang ito, madaming pangarap sa buhay. Nakakalungot lang kahirapan ang hadlang para maabot niya iyon.

"Oo naman. Hayaan mo sa isang araw tuturuan kitang bumasa at sumulat." nakangiti kong sabi.

"Talaga po? Pangako niyo po iyan ha." masaya nitong sabi. Saka nagtatakbo bitbit ang maliit na basket.

Tumigil na ako sa isang tindahan na sinabi ni Baste. Nang makabili ako ay hindi ko na makita kung nasaan si Manuel. Nagpalinga-linga ako ngunit hindi ko siya makita dahil sa karamihan ng tao dito.

"Manuel !" tawag ko habang nakikipagpatentero sa mga taong labas-masok sa palengke.

Maya-maya pa'y nakarinig ako ng malakas ng sigaw. Kaagad akong nagtungo sa pinagmulan nito. Nadatnan kong nakaupo si Manuel sa lupa habang umiiyak. May isang lalaking nakasuot ng magarbong damit ang aambahan siya ng suntok. Si Crisanto Fuentes.

Kaagad kong hinarangan ang kamay niya at inalalayan si Manuel na tumayo.

"Ano ang karapatan mong harangin ang kamay ko !" sabi nito sa akin. Nakatingin na naman ang mga mata nitong malalim.

"Mawalang-galang na po ginoo. Ngunit ano rin ang inyong karapatan para saktan ang walang kamuwang-muwang na batang ito.?" sagot ko sa kanya. Lalong tumalim ang tingin nito sa akin dahil sa sinabi ko.

"Dahil ang isang mang-mang na katulad ninyo'y walang karapatang dumihan ang damit na suot ko." malakas nitong sabi. Nagbulung-bulungan naman ang mga taong nakikiosyoso.

"Sa ganun ba'y dapat nyo ng parusahan ang isang bata. Mas mahalaga pa ba ang damit na inyong suot kumpara sa buhay niya?"

"Tama ! mas mahalaga ang damit ko kesa sa mga buhay ninyo." lalong nag-igting ang panga ko dahil sa sinabi niya. Sinubukan ko na lamang na pigilan ang sarili ko dahil ano mang oras ay baka masuntok ko na ang pagmumukha niya.

"Kayo itong naturingan edukado ngunit bulok naman ang inyong pananaw sa buhay at pagtingin sa kapwa niyo. Walang silbi ang inyong pinag-aralan ginoo." dahil sa sinabi kong iyon ay aambahan na niya ako ng suntok. Hindi naman ako natinag sa aking kinatatayuan. Hindi niya ito naituloy sapagkat maraming tao ang nakakakita sa kanya. At maaring makasira sa reputasyon niya.

"Pagsisisihan mo ang araw na ito na nagtagpo tayo binata !" banta nito sa akin bago tuluyang umalis sa aming harapan.

Nakahinga na ako ng maluwag ng tuluyan ng itong nawala sa paningin ko. Binalingan ko ng pansin si Manuel na ngayo'y takot na takot dahil sa nagyari.

"Ayos ka lang ba? Hindi ka ba niya sinaktan?" nag-aalala kong tanong dito. Pinagpagan ko ang suot nitong damit at ang braso niya dahil sa gabok ng lupa.

"Hindi naman po. Natatakot lamang po ako sa kanya lalo na sa mga mata niya." sabi nito saka humalukipkip sa tabi ko at hinigpitan ang hawak sa aking damit.

"Nandito lang ang kuya mo, kaya huwag ka ng matakot." sabi ko sa kanya para pagaanin ang kanyang kalooban.

"Ano ba ang nangyari.?" tanong ko kay Manuel hbang naglalakad na kami pabalik ng bahay.

"Nang tumakbo po ako para habulin ang manok na nakawala sa kulungan niya'y nabangga ko po ang lalaking may malalim na mata." kwento nito habang nakakapit pa rin sa akin ng mahigpit.

"Sa susunod mag-iingat kana. Umiwas kana kaagad kapag nakasalubong mo siya." tumango naman ito sa akin.

Nang malapit na kami ay may nakasalubong kaming isang matandang babae. Natauon lamang ang mga mata nito sa akin. Mahaba ang kanyang buhok na kulay abo at nakalugay lamang ito. Umiwas naman ako ng tingin dahil may naramdaman akong kakaiba sa mga tingin niya.

Ngunit bigla nitong hinawakan ng mahigpit ang kamay ko saka nagsalita.

"Huwag mong hahayaang mamatay ka rito, dahil hindi kana makakabalik sa kasalukuyan." pagsabi noo'y binitiwan na ang kamay ko saka lumakad palayo habang tumatawa ng malakas.

Marahil ay iyon ang kinukwento sa akin ni Baste na may matandang baliw na pauli-uli rito. Hinawakan ko ang kamay ni Manuel saka nagpatuloy sa paglalakad.

-

BIGLA kong naalala ang sinabi ng matandang baliw sa akin kanina.
Hindi ako makatulog ngayon dahil sa kanyang sinabi. Dumagdag pa ang banta sa akin ni Crisanto kanina.

Hindi na nga ba ako makakakabalik sa kasalukuyan kapag namatay ako rito?

-

WAG KAKALIMUTANG IBOTO ANG KABANATANG ITO :) MARAMING SALAMAT !

Yu & Ai (1886) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon