KABANATA XV

444 50 1
                                    

-

Ngayon na ang araw ng pista dito sa bayan ng San Diego.

Nagbubukang-liwayway pa lamang ay naglilibot na sa mga lansangan ang mgabanda ng musika upang sa kanilang magagandang tutugtugin ay mapukaaw ang mga pagod ng mga ibang mamamayan na nahihimbing pa. Limang banda ng musika at tatlong orkestra ang inilaang magpasaya sa pista. Ang alin pa man sa mga bandang nasabi ay sinasalubong sa pagpasok sa bayan at pinagkakaguluhan ng maraming bata.

Manaka-naka'y masiglang dinudupikal ang batingaw ng simbahan. Ang mga santo at imahen ay ginayakan din matapos pagpagan ng alikabok. Nagtindig din sa paligid ng patyo ng simbahan ang isang malaki at napakainam na tolda na tinutukuran ng mga puno ng kawayan. Dito marahil idaraos ang maringal na prusisyon.

Nakabihis ng magagarang damit ang ilang mamamayan dito sa bayan. May magaganap ng misa ngayon para sa pista ng bayan,

Punong-puno ng tao ang simbahan. Nagtutulakan, nagsisiksikan, naggigitgitan ang ibang mga taong pumapasok sa loob. Halos hindi makahinga sa loob ng simbahan, napakainit at ang amoy ng tao ay kalat na kalat. Mabuti na lamang at maaga kaming nagpunta dito kaya kahit paano ay nakaupo pa kami. Nasa kanan ko si Baste katabi sina tiya Aurora at Tiyo Agapito habang nasa kaliwa ko naman si Esme at Manuel. Nasa may bandang gitna kami nakaupo kaya kita ko ang kabuuan ng simabahan. Nakapalibot ang mga tao. May ibang nagpupumilit na makapasok. Tanaw ko rin ang altar ng simabahan at sa may gilid nito ay duon sa may isang panukalan ay nakaupo si Crisanto Fuentes. Nakasuot ito ng prak . samantalang si Aida naman ay nakaluhod sa isang luhuran malapit sa altar mayor.

Siniko ko si Baste tumingin naman ito sa akin.

"Magkano ang ibinabayad dito sa pari?" tanong ko sa kanya.

"Sa pagkakaalam ko ay dalawang daan at limampung piso para sa isang sermon." sagot nito.

"Ano ? isang katao at minsang pagsesermon ay nagkakahalaga ng dalawwang daan at limampung piso?" bulalas ko. Sa panahon na ito ay napakalaki na ng halaga na iyon. Kaya hindi rin maitatanggi na kaya mayayaman ang pari dito sa bayan.

Hindi pa makapag-umpisa ang misa sapagkat hinihintay pa umano ang alkalde.

Sobrang init na sa loob ng simabahan. Ang ibang taong pinapapawisan ay walang-lubay ang pagpapaypay ng mga abaniko, sumbrero at panyo, ang mga batang maliliit ay sumisigaw at umiiyak.

Maya-maya pa ay dumating ang isang alkalde kasabay ang kanyang buong kagawaran. Nakasuot ito ng damit na pandegala at apat o limang medalyang pangkaranglan.

"Sino ang alkalde na iyon?" tanong ko kay Baste.

"Iyon ay si Prinsipe Bernardo." sagot nito sa akin.

Ilang saglit pa ay nagumpisa na ang misa. Nagsitayo kaming lahat. Ang ilang nakaidlip na ay nagising ng tumunog ang kampanilya at ang matinis na tinign ng mga manganganta sa koro.

Ang magsesermon sa umagang ito ay si Padre Dominico. Ang tatlong pareng magmimisa ay maayos na nagsiupo sa kanilang mga silyon - ang alkalde at ang mga may katungkulang nakabaras at baston ay nangagsiupo rin . Ang musika ay huminto. Ang lahat ay umayos upang makinig ng mabuti - ang mga nakatayo ay nagsipanignkayad at ang mga babae nama'y lumapagi na.

Nagdaan si Padre Dominico sa hinawing mga tao na pinangungunahan ng dalawang sakristan at sinusundan namn ng isang pari na may dalang isang malaking kuwaderno. Nang makapanhik ito sa pulpito ay tumingin sa lahat ng gawi nang buong tiwala, tumiktikhim-tikhim at umubo nang marahan. Binuksan naman ng isang praileng nasa likuran ang isang kuwaderno.

Sinimulan ni Padre Dominico ang sermon. Dahan - dahan at mahinang binibigkas ang isang pangungusap.

"Et spiritum tuum bonum dedisti, qui doceret eos , et manna tuum non prohibuisti ab ore eorum, at aquam dedisti eis in." (at iginawad mo sa kanila ang iyong mahiwagang diwa upang palaganapin sa kanilang pangangaral at di mo binawi ang mana sa kanilang bibig, at binigyan ng tubig upang mapawi ang kanilang uhaw.) panimulang bati ng pari. "Mga pangungusap ng Panginoon na isinabibig ni Edras, aklat II, kabanatang ika-9 , bersikulo 20. Kagalang-galang na ginoo , tukoy sa Alkalde, mga kabanal-banalang pari, mga Kristiyan, mga kapatid kay Hesukristo. Magandang umaga sa inyong lahat." pagkakasabi nito ay sumenyas sa mga sakristan at kaagad nilang isinarado ang pintuan ng simbahan.

Nagumpisa ang sermon ng paring pransiskano. Ang ilang mamamayan ay nakakaidlip na sa kani-kanilang kinatatayuan. Pati ako ay hindi na rin nakikinig sapagkat nakatingin lamang ako kay Aida na ngayon ay mukhang inaantok na rin. Paminsan-minsang nakakalimutan ni Padre Dominico ang kaniyang sinasabi ngunit hindi lamang niya iyon pinapahalata lalo na ang mga tao'y hindi na rin nakikinig.

"Binabati kita , mabunying Diego, dangal ng aming korporasyon ! ikaw ay uliran ng mga kabanalan.!" pagkasabing iyon ay nagsiluhod kaming lahat.

Ikawalo at kalahati ng umaga nang nag-umpisa ang prusisyon. Sa karo ni San Francisco ay nakasunod ang ilang dalaga na nakasuot ng abanitong ginggon at kami naman ay gumagamit ng magaspang na kayong abito. Namumukod tangi rin naman ang karo ni San Diego de Alcala na nakakalupkupan ng pilak , sumusunod ang kay San Francisco at ang Birhen de la Paz.

Mahinay at dahan-dahan ang lakad ng prusisyon na sinasaliwan ng matutunog na kuwitis , mga kanta at tugtog na pansimba.

Nang matapos ang prusisyon ay nagdiresto na kami sa liwasang bayan. Nagtayo ng maliit na entablado sa gitna na siyang gagamitin para sa dulaan at kantahang bayan.

Marami na rin ang mga taong nakaabang sa magiging palabas. Maya-maya pa'y may lumapit sa akin na isang babaeng nakatalukbong ang ulo may inabot itong isang papel.

Hindi ko na nahabol kung sino iyon sapagkat nawala na siya sa karamihan ng tao.

Binuklat ko ito at binasa ang nakasulat.

Sa may dampa sa tabi ng lawa doon tayo magkita - Aida.

Kay Aida galing ang sulat.

-

HUWAG KAKALIMUTANG IBOTO ANG KABANATANG ITO AT MAG-IWAN NG INYONG KOMENTO. SALAMAT :

Yu & Ai (1886) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon