KABANATA XXII

364 39 0
                                    


BAGO sumilay ang araw ay gumayak na kami ni Esme. Mabigat sa kalooban ko na umalis at iwan sila rito ngunit katulad ng sinabi ni Tiya Aurora magaling na magtago na muna ako ng sa gayon ay hindi ako mapahamak.

Maulap ang kalangitan at ang hanging malamig ay nagbababala na ng pagdating ng Desyembre. Lumabas ako ng bahay kasunod sina Baste.

Huwag kang mag-alala sa amin dito. Susulat ako sa iyo kapag maari ka ng bumalik dito.” mahinahong sabi ni Baste.

Mag-iingat kayong dalawa Esme.” paalala ni Tiya Aurora. Kaagad namang tumango si Esme.

Sinilip ko muna si Manuel na ngayon ay mahimbing pa ring natutulog. Kanina ay nagpaalam ako sa kanya hindi ko lang alam kung narinig niya dahil tulog pa siya ng mga oras na iyon. Parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya. Kaya nalulungkot ako at maiiwan ko siya rito.

Bumuntong-hininga muna ako saka tuluyang lumabas . lumingon akong muli kay Baste at nginitian lamang ako nito.

Tahimik lamang akong nakasunod kay Esme. Bigla naman itong nagsalita

Nakapagpaalam ka na ba sa iyong kaibigan?” tanong niya

Oo.” maikli kong tugon

At muli na namang nabalot ng katahimikan ang paligid. Alam ko na matalik na magkaibigan sina Esme at Yusebio kaya naman  nakokonsensya ako at hindi ko siya mapakisamahan ng ayos. Kaya binilisan ko ang lakad para pumantay sa kanya at saka kinuha ang bitbit nitong bayong. Nagulat naman ito sa aking ginawa ngunit nginitian ko lamang siya saka sumabay sa kanyang paglalakad.

--

Apat na oras ang nilakad naming dalawa hanggang sa nakarating kami sa bayan ng San Vicente. Katabing bayan ito ng San Diego. Sa kanluran ay ang San Marcelino.

May pailan-ilan ng tao ang makikita ngayon sa kalsada na abala na sa gawaing pang-umaga.

Saan tayo tutuloy?” tanong ko kay Esme ng makapasok kami sa bayan

Sa tiyuhin ko na isang pilosopo..” tumango na lamang ako at hindi na muling umimik

Kaya huwag kang mag-alala.” dagdag nito saka lumiko sa isang eskinita at tumigil sa isang malaking bahay. Mas malaki sa bahay nina Tiya Aurora. Yari sa kahoy ang buong kabahayan at yari naman sa bakal ang pintuan nito. Sa bakuran nito ay may mga bulaklak na nakatanim sa lupa.

Maya-maya pa ay may lumabas na isang matandang lalaki. Maputi na ang buhok nito at may dalang tungkod na nagsisilbing alalay niya.

Magandang umaga Tiyo Hulyo.” bati ni Esme sa matanda ng makalapit ito sa amin.

Magandang umaga rin naman Esme. Halina kayo sa loob.” anyaya nito sa amin.

Pumasok kami sa loob ng bahay ng tiyuhin ni Esme. Bigla ko namang naalala ang isang ganap sa Noli kaya naman bahagya akong nakatiyad sa paglalakad ng sa gayon ay hindi na masira ang maayos na halaman na syang ginawa ni Ibarra sa Noli ng bumisita iyon sa bahay ni Pilosopo Tasyo.

Maupo ka muna iho.” mahinang sabi nito ng makapasok kami sa bahay niya.

Ako nga po pala si Yusebio.” sabi ko sabay lahad ng kanang kamay ko sa kanya.

Ngumiti lamang ito sa akin saka tinanggap ang kamay ko. “Kilala kita iho.” natatawang sabi nito

Napakamot  na lamang ako sa batok ko. Oo nga pala. Kilala nila si Yusebio mismo.

Umupo ako sa upuang yari sa narra habang si Esme naman ay nagpunta na sa kusina para maghanda ng almusal namin. Si Lolo Hulyo naman ay naupo sa isang silyang yari rin sa kahoy at tumunggo sa isang aklat na waring kanyang sinusulatan. Lubhang naniniig ang matanda sa kanyang ginagawa kaya’t hindi nito napansin na nakalapit na ako sa kanya.

Yu & Ai (1886) | CompletedOnde histórias criam vida. Descubra agora