KABANATA VII

702 51 3
                                    

ANG bayan ng San Diego ay isang bayang maihahalintulad sa Roma maliban na lamang sa kaibhang ukol sa mga bantayog na marmol at coliseo. Sa halip, matatagpuan dito ang mga bantayog na sawali at sabungang may atip na pawid.

Sa bayan ng San Diego naninirahan ang mga makakapangyarihan o tinatawag na cacique. Kabilang na nga roon ang pamilya Ibarra. At ang mga katulad namin ay hindi kabilang sa mga iyon.

Mamayang hapon ay pupunta tayo sa libingan.” sambit ni Baste na abala sa pagbabalat kamoteng kahoy. Napaisip naman ako kung sino ang pupuntahan namin duon. Hindi ko rin naman maitanong kung sino dahil baka magtaka na naman ito. Hindi na lang ako umimik at kinuha ang nabalatan niyang kamote at hinugasan para maalis ang mga dumi.

Nang makapanghalian ay lumakad na nga kaming dalawa sa sinasabi ni Baste na libingan ng mga patay. Napakinig ko rin sa Tiya Aurora na ngayon pala ang araw ng mga patay.

Nasa dakong kanluran ang isang nayon ng mga patay , sa labas ng Barangay Pulangbato at sa gitna ng mga palayan. Dumaan kami sa isang makipot na daan na maalikbok. Pumasok kami sa pintong kahoy at bakod na kalahati’y bato at ang kalahati’y kawayan.

Sa pinakagitna ay naroon nakatayo ang isang malaking krus na yari sa kahoy at may nakasulat na INRI , nakapatong ito sa ibabaw ng isang bato. Ang INRI na nasa krus na nakasulat sa isang putol na lata ay niyupi na  ng marahil ng bagyo at kumupas na ang mga titik dahil sa ulan.

Naisip ko na baka ito ang libingan ng yumaong ama ni Crisostomo si Don Rafael katulad ng naisulat sa aklat.

Dumako kami ni Baste sa kanang bahagi ng libingan at huminto sa isang puntod na natatakluban na ng mga bagin. May nakasulat duon na Ofelia Munoz at Sebastian Munoz . saka ko napagtanto na ito ang magulang ni Baste at Yusebio. Munoz pala ang apelyido ni Yusebio. Ngunit hindi ko mawari kung bakit sila namatay.

Tinulungan ko si Baste sa pagaalis ng mga baging at ibang mga damo. Ang ibang mga puntod na naririto ay tuluyan nang natabunan ng mga damong ligaw marahil ay hindi na nabibisita ng kanilang mga kamag-anak.

Hanggang sa unti-unti ng napupuno ng mga lalaki’t babaing nakapanluksa ang libingan. May mga naghahanap ng libing, may mga nagtatalo tungkol sa kung saan nakaroon ang kanilang namayapang kamag-anak, ang iba nama’y nagsisispagsindi ng kandila at mataimtim na nangagdarasal.

Maririnig mo ang mga himutok at panangis , may mga nagbubulalas ng malakas at mayroon namang nag-iimpit. Maririnig din ang alingawngaw ng orapreo, orapreiss, at requiemeternams.

Napansin ko rin na taimtim na nagdadasal si Baste. Ako rin man ay yumuko at nagbigay galang .

“Pasensya na po kayo at ang nasa harapan ninyo ay hindi ang tunay na Yusebio.” sambit ko sa aking isip.

Tapos ka na bang magdasal.?” tanong ni Baste sa akin .

Oo” sagot ko rito.

Matapos iyon ay lumakad na ulit kami palabas ng libingan.

Maari bang mauna ka nang umuwi sa bahay ng mga Tiya. May pupuntahan lamang ako sa silangan.” sabi ni Baste ng makalabas kami.

Saan ka naman pupunta?” tanong ko rito.

May inuutos lamang sa akin ang Tiyo Agapito. Walang kasama si Manuel sa bahay kaya umuna kana dahil baka gabihin ako.” sagot nito sa akin.

Tumango na lamang ako at saka kami naghiwalay ng daan.

Mabuti na lamang at tanda ko ang daan papuntang bahay. Dahil kung hindi ay baka maligaw ako.

Magtatakip silim na rin ng makarating ako bungad ng Pulangbato. Napadaan ako sa puno ng Kalachuchi. Tumigil ako at tiningnan ang puno. Marami na ulit itong bulaklak. Maganda sa paningin.

Yu & Ai (1886) | CompletedWhere stories live. Discover now