HULING PAHINA

685 30 9
                                    

(after one year)

Lahat ng kwento may katapusan. Lahat may hangganan. May mga kwentong nagwawakas sa maganda pero meron din na hindi pinagbigyan ng kapalaran para magkatuluyan. Katulad namin ni Aida.

Minsan napapatanong ako sa aking sarili kung bakit ang unfair ng mundo. Bakit ang alaala pwedeng balikan? Bakit yung taong nais nating makasama habang buhay ay hindi na.

Isa sa pinakamasakit na desisyon sa buhay ay ang sumuko kahit gusto mo pang ipagpatuloy. Pero, hindi tayo makakausad sa buhay kung patuloy tayong magpapakulong sa lungkot ng nakaraan. Huwag nating hayaan na lamunin tayo nang nakalipas na panahon. Piliin nating lumaban at magpatuloy.

Hindi man nakatulad kina Crisotomo Ibarra at Maria Clara ang kwento na nagkaroon ng ikalawang pagkakataon paramagsama, nagpapasalamat pa rin ako dahil kahit papaaano ay muli ko siyang nakasama kahit sa maiksing panahon man lang.

Sa nakalipas na isang taon, bumabalik na ang dating ako. Nakakangiti na ako kahit may kirot pa. Pero unti-unti na itong naghihilom sa tulong ng mga taong nakapalibot sa akin.

Habang pababa ako ng hagdan ay biglang tumunog ang cellphone ko. Hinugot ko ito sa aking bulsa sa tiningnan. Si Irvine tumatawag.

Kaagad kong sinagot ang tawag niya.

“Dude, may malaki tayong problema.” malungkot ang boses nito. Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya.

“Ano naman ‘yun?” nag-aalala kong sabi habang nagsasalin ng tubig sa baso. Umiinom ako habang hinihintay ang sagot niya.

Ang bar natin na-raid ng mga pulis.” halos maibuga ko ang tubig sa aking bibig dahil sa kanyang sinabi.

“Ano!?” bulalas ko.

“Bilisan mo, pumunta ka dito. May mga pulis.” pinutol ko na ang tawag at agad akong tumakbo palabas ng bahay. Pinaandar ko si Black at agad na pinaharurot papunta sa bar.

Nang makarating ako ay ipinarada ko ito sa gilid at agad na umakyat sa tatlong baitang ng hagdan papasok sa bar.

Dito nagumpisa ang lahat.

Binuksan ko kaagad ang pinto nito. Pero imbis na makukulay na ilaw ang tatambad sa akin ay hindi. Isang kadiliman. Madilim ang buong paligid. Tahimik.

Maya-maya pa ay may tumunog na timer.

May bomba?

Nag-flash din sa isang maliit na LED screen ang timer kasabay ang tunog sa mga speaker.

Hinugot ko ang cellphone sa aking bulsa at tiningnan. Malapit na pala mag-alas dose ng gabi.

Matapos ang ilang minuto ay natapos ang timer sa 12:00. Sabay-sabay na bumukas ang ilaw kasabay rin ang malakas na sigawan ng mga tao dito sa loob.

HAPPY 23rd BIRTHDAY & HAPPY NEW YEAR YUAN.” malakas na sigaw nila Irvine. Nagpalakpakan pa ang mga tao sa loob.

Tumunog ang isang malakas na birthday song. Lumapit sa akin si Irvine at sinamahan akong pumunta sa may center table kung saan nakalagay ang isang malaking blue na cake na tatlong layer. Sa itaas ay may kandilang nakalagay na nakahugis sa number 23.

Nakatulala pa rin ako dahil sa pangyayari.

Nang natapos ang kanta ay sinabihan ako ni mama na I-blow na ang kandila. Lumapit ako saka bahagyang pumikit bago hinipan ang kandila.

Yu & Ai (1886) | CompletedWhere stories live. Discover now