KABANATA XIII

458 56 0
                                    


HINDI naman ako makatulog kaya’t paikot-ikot ako sa maliit na higaang pinaghatian namin ni Baste. Nang hindi na ako nakatiis ay tumayo na ako’t tumungo sa kusina at naghilamos ng mukha.

Nang makabalik ako sa kwarto ay nakita ko ang libro ni Aida.

Hindi ko pa pala ito naibabalik sa kanya.” bulong ko. Kaya’t napagpasyahan kong pumunta sa bahay nila para maibalik ito sa kanya.

Tahimik na ang kalsada ng lumabas ako ng bahay. Ang liwanag ng bilog na buwan ang siyang nagbibigay ng liwanag sa buong paligid. May lamig na hatid ang simoy ng hangin.

Nang makarating ako sa ilalim ng puno ng kalachuchi ay sinilip ko muna ang bahay nina Aida. Nakita kong may ilaw pa ang kwarto nito sa ikalawang palapag ng bahay kaya’t marahil ay gising pa rin siya.

Dahan-dahan akong lumapit sa may bintana. Kumuha ako ng isang maliit na bato ay inihagis sa may bintana. Unang subok ay walang nangyari. Kaya’t kumuha ulit ako at ibinato muli.

Nag-abang ako ng ilang minuto nang biglang unti-unting bumukas ang bintanang yari sa kahoy.

Nagtago muna ako sa may mataas na halaman at pasimpleng sinilip kung sinong nagbukas. At iyon ay si Aida.

Lumapit na ako saka tumingala muli.

Aida !” mahina kong sabi. Nagpalinga-linga ito sa labas ng bahay marahil ay hinahanap ang may gawa ng ingay.

Aida ! Aida !” muli kong sabi. Tumingin naman ito sa baba kaya’t kumaway ako upang mapansin niya.

Kita ang gulat sa mga mata nito ng nakita ako.

Ano ang iyong ginagawa rito ginoo?” mahina nitong tanong.

Ibibigay ko lamang ang iyong libro.” sagot ko saka itinaas ang libro para makita niya.

Ngunit hindi na ako maaring bumaba Yusebio. Magagalit si Inang.” tumingin pa ito sa kanyang likuran para tingnan kung may ibang tao.

Saglit lamang ako binibini.”

Ngunit paano ka makakaakyat rito?” tanong nito sa akin.

Nag-isip naman ako ng paraan kung paano ako makakaakyat.

Tama !

Kumuha ka ng mahabang tela, at siyang gagawin kong tali para makaakyat ako riyan.” sabi ko rito.

Umalis naman ito at maya-maya pa’y bumalik na may bitbit na puting tela. Inihagis nito ang dulo at ang kabilang dulo naman’y itinali sa may bintana.

Maari ka ng umakyat ginoo.”

Hinigit higit ko muna ang tali para tingnan kung mahigpit na nga ba ito. Nang matapos ay dahan-dahan akong naglambitin sa tela .

Nang makarating ako sa may binatana’y kumapit ako sa may pasamano nito at saka lumundag sa loob ng kwarto. Tinulungan ko naman si Aida na likumin ang telang ginamit ko sa pag-akyat at kaagad naman nito isinarado ang bintana.

Baka mahuli ka ni Inang dito.” nag-aalalang sabi ni Aida.

Ibibigay ko lamang itong libro na naiwan mo sa ilalim ng puno.” sabi ko saka iniabot sa kanya ang libro.

Iyo bang binasa ang—” naputol ang kanyang pagsasalita ng biglang may kumatok sa may pintuan.

Nagkatinginan kaming dalawa.

Yu & Ai (1886) | CompletedWhere stories live. Discover now