KABANATA XXVIII

328 29 1
                                    

MABILIS na kumalat sa bayan ang balita tungkol sa aming dalawa ni Baste. Naging usap-usapan kami sa mga bahay-bahay ng bawat pamilya sa San Diego.
Kaming dalawa ay wala ng lakas dahil sa magdamagang pagpapahirap sa amin ng ilang mga guwardiya sibil dito sa kuwartel. Paminsang-minsang sumusuka na ng dugo si Baste dahil sa pambubugbog sa amin. Wala na akong ibang magawa kundi ang umiyak habang nananlangin na sana’y matapos na ang lahat ng ito.

Pagod na ako .

Kabo, ilabas dito ang dalawang bihag.”sabi ng alperes. Narinig ko naman na tumugon ang isang guwardiya sibil na kaagad binuksan ang pinto ng aming kinapipiitan ni Baste.

Kaagad kaming dinala palabas at iniharap sa alperes. Nakayuko na lamang ang ulo ko dahil wala na akong lakas para tumingin sa kanya , gayundin din si Baste.

Ikaw binata, bakit mo pinatay ang paring pransiskano na si Padre Dominico.” tanong ng alperes kay Baste. Narinig ko na bahagyang tumawa si Baste bago tumunhay ang ulo at tumingin sa alperes.

Hindi ko alam ang isasagot sa inyong katanungan dahil ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko ang pumatay ng tao.”tugon ni Baste na kinainis ng alperes.

Kung gayon ay dalhin ang dalawang iyan sa ulumbayan!” utos ng alperes.

Kaagad kaming hinila palabas ng mga guwardiya sibil. Parehong nakagapos ang aming mga kamay.

Bahagya akong nasilaw ng makalabas kami sa kuwartel dahil sa sinag ng araw. Nang tumagal na ay nakita ko ng ayos ang paligid. Maraming tao ang nasa kalsada na aming nilalakaran ni Baste. Mapabata man o matanda ay nangingipagosyoso sa kung ano ang nagaganap.

May mga nagbulong-bulungan at may mga matang humuhusga sa aming dalawa.

Iyan ang pumatay sa ating pari na si Padre Dominico!” sigaw ng isang babae na may katandaan na. Hanggang may isang bato ang tumama sa likod ni Baste. Napatingin ako kung sino ang may gawa noon at nakita ang babaeng sumigaw. Nagsidamputan naman ang ilang mga tao ng mga bato at buhangin.
Sumpain ka nawa!” sigaw kay Baste. “Sumpain ang ginawa mong at sanay hindi kayo matahimik sa inyong kamatayan!” at sunod sunod na ang mga batong tumatama sa amin ni Baste.

Wala na kaming magawa ni Baste. Ang ilan namang guwardiya sibil na nakasunod sa amin ay pinipigilan ang mga taong bumabato sa amin.

Hanggang sa makarating kami sa ulumbayan kung saan kami lilitisin dahil sa aming nagawa. Nadatnan namin si Crisanto na patuloy sa paghithit ng kanyang tabako habang nakaupo sa isang silyong upuan sa may gilid ng ulumbayan. Kaagad itong tumayo nang makalapit kami.

Hindi pa ba kayo aamin sa inyong ginawa?” tanong nito sa amin. Nanatili kaming tahimik ni Baste. Sumenyas ito sa isang dalawang guwardiya sibil at inilapit si Baste sa isang balon malapit dito.

Kaagad nilang itinali ang dalawang paa ni Baste at ibinitin patiwarik sa may balon.

Hindi! Maawa kayo!” tutol ko. Pinilit kong magpumiglas ngunit isang hampas ng kahoy ang nakapagbagsak sa akin.

Maawa na kayo! Huwag nyo ng idamay si Baste dito! Parang awa nyo na!” pagmamakaawa ko. Halos humalik na ako sa lupa sa pag-asang sana ay pakikinggan nila ako. Ngunit isang tawa na malakas galing kay Crisanto ang aking narinig.

Lumapit ito sa akin at sinabunutan ang buhok ko.

Nasaan na ang tapang mo ngayon?”sabi nito habang nakatingin sa akin.

Ta--tama na. Pa--parang a-awa n’yo na. Na-nakikiusap na a--ako.”patuloy lang sa pagtawa si Crisanto na tila walang narinig sa aking sinabi.

Yu & Ai (1886) | CompletedWhere stories live. Discover now