KABANATA XXXIII

359 22 0
                                    

BAKIT nga ba ang lupit ng mundo? ‘Yung tipong handa ka nang makasama siya tungo sa walang hanggan pero pilit at pilit pa rin kayong pinaglalaruan ng kapalaran.

Anong sinabi mo?” bulalas ni Aida. Pero hindi ko na siya sinagot at agad ko siyang hinila papunta sa isang silid.

Sinabi ni Mang Pedro na may naghahanap sa atin. At sa mga sinabi niya ay malakas ang hinala ko na sina Crisanto iyon.” hindi ko maisawang hindi kabahan at mag-alala.

Bakit nasundan pa nila kami hanggang dito? Hindi ba talaga nila kami titigilan?

Magaling pa ay tumakas ka na ngayon, Yusebio.” sabi ni Aida. Bakas din sa mukha niya ang takot at pangamba na baka mahuli na naman kaming dalawa.

Ako lang? Tatakas tayong dalawa dito!” gigil kong sabi ng may kumatok ulit sa pintuan.

Hindi ako maaring sumama sa’yo sa kasalukuyan.” napatigil ako sa sinabi niya.

A--anong sabi mo?” naguguluhang tanong ko.

Wala na tayong panahon para maipaliwanag ko sa’yo ang lahat. Ang mahalaga ay makabalik ka na ngayon sa kasalukuyan.” nangingilid na ang mga luha niya. Ngunit ako ay hindi pa rin maintindihan ang kanyang sinasabi.

Alam niya na galing ako sa kasalukuyan?

Tama ka, wala na tayong panahon kaya kaylangan na nating umalis dito.” sabay higit ko sa kamay niya pero hindi siya sumunod sa akin.

Ikaw ang wala ng oras. Hindi ka nila maaring maabutan dito dahil kapag nangyari iyon ay baka tuluyan ka ng hindi makabalik sa panahon mo.” kaagad niyang binawa ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko.

“Ano ba kasing sinasabi mo?!” sigaw ko “Alam mo na galing ako sa kasalukuyang panahon?”

Tumango ito kasabay ang pagbagsak ng kanyang luha. “Ako ang may dahilan ng lahat ng ito. Kung bakit nandito ka sa panahong ito. Kung bakit nakulong tayo sa kwentong ito.”

Natahimik ako sa sinabi niya. Pilit kong iniintindi ang bawat salita na sinabi niya ngunit naguguluhan pa rin ako.

Aida, wala na tayong oras kaylangan na nating makalabas dito!” umiiling lamang siya habang patuloy sa pag-iyak.

Yuan.” mahina niyang sabi. Napatigil ako sa aking narinig. Nakatingin lamang ako sa kanya habang prinoproseso sa aking utak ang lahat-lahat. “Ang kahilingan ko ang nagdala sayo sa panahong ito.” hinawakan niya ang kamay ko.

I--ibig sabihin ikaw ta--laga si Aida? Yung na--nasa panaginip ko?”naguguluhang tanong ko. Nangignilid na rin ang mga luha ko dahil sa aking nalaman. Tumango siya na patuloy pa rin sa paghagulhol. “Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin!”

Hinihintay ko lang na maalala mo ako.” humigpit ang hawak ko sa mga kamay niya. At tuluyan ng pumatak ang mga luha ko.

Ang babaeng laging laman ng panaginip ko ay siya. Noong una’y akala ko’y hindi totoo. Bakit hindi ko kaagad nalaman?

Masaya na ako na nakasama kita ulit kahit sa maiksing panahon. Pero ngayon kaylangan mo ng lumabas sa pintuang iyon para makabalik ka na sa kalasalukuyang panahon.” dugtong niya sabay turo sa pintuang nasa gilid ko.

Para nang sasabog ang utak ko. Hindi na ako makapag-isip ng ayos sa mga oras na ito.pero isa lang ang alam ko, kaylangang makasama ko si Aida kahit anong mangyari.

Kung ganoon, ay sumama ka rin sa akin. Hindi kita iiwan dito!” giit ko sa kanya.

Hindi pwede.” tutol nito. Napakunot ang noo ko dahil doon. “Matagal na akong wala sa panahon na iyon. Hindi na ako maaring bumalik doon.”

Yu & Ai (1886) | CompletedWhere stories live. Discover now