KABANATA XI

552 45 2
                                    

TUMUGTOG ng malakas ang batingaw ng simbahan ng San Diego. Nag-umpisang mag-misa ang isang paring pransiskano. Sa pagkakatanda ko ay si Padre Dominico ang nasa harapan ngayon ng altar.

Malawak ang simbahang ito. Gawa sa tisa ang buong dingding . Gawa naman sa narra ang mga upuan. Sa harap ng altar ay naroroon ang tatlong santo ng San Diego. May malaking mesa sa gitna ng altar na gawa rin sa kahoy.

May mga malalaking ilaw sa kisame na nagsisilbing liwanag kapag hapon ang misa .

Muling tumunog ang batingaw hudyat na mag-uumpisa na ang misa ng pang-umaga Nakaupo kami ngayon sa may dulong bahagi ng simbahan. Malapit ito sa isang bukas na pintuan na may hagdan pataas marahil iyon ay patungo kung nasaan nakalagay ang batingaw ng simbahan.

Matapos ang naging misa ay nagpaalam muna ako kina Baste na may dadaanan lamang ako. Hindi na naman ako nito tinanong at sinabing mag-ingat ako pag-uwi.

Umakyat ako sa hagdan patungo sa may batingaw. Habang umaakyat ako ay bigla kong naalala ang isang senaryo na Noli. Naririto rin kaya sina Crispin at Basilio?

Nang makarating ako sa itaas ay tanaw ko ang buong paligid ng kabayanan na kaaya-aya sa paningin. Tanaw din ang isang ilog na animo’y isang malaking  ahas na bubog na nahihimlay sa banig na luntian. Sa dako pa niyon ay matatanaw ang isang dampa na sadyang itinayo upang makipagtunggali sa hangin at sa bangin.

Nadatnan ko rin sa itaas ang isang batang lalaki. Sa tingin ko’y kasing edad lamang siya ni Manuel.

Hawak-hawak niya ang kanyang tiyan at iniinda ang sakit nito. Napatingin naman ang ito sa gawi ko.

Si---sino po kayo ginoo?” mahinang tanong ng bata. Madumi na ang suot nitong damit .

Ako si Yusebio. Ikaw anong ngalan mo?” tanong ko dito. Bahagya naman akong yumuko para pumantay sa kaniya.

Ako po si Isidro. ” pagpapakilala nito sa akin. Hindi na rin ako nakatiis at binitiwan ko na ang tanong na kanina ko pa gusto sabihin.

Sino ang iyong ina.?” tiningnan ako nito ng bakit-mo-inaalam-ngalan-ng-aming-ina look. Nginitian ko na lamang siya nang sa gayon ay maramdaman nilang hindi masamang tao ang kaniyang kaharap.

Si Lisa po.” sagot ni Lorenzo. “Kaso po naging baliw na ito na po ito sa dahil sa paghahanap sa aking nawawalang kapatid na si Julio.” malungkot nitong sabi. “Pinagbintangan po siyang nagnakaw dito sa kombento, at sinabing tumakas dahil sa ginawa niyang kasalanan.” dugtong pa niya.

Bigla ko namang naalala sina Crispin at Basilio at ang ina nilang si Sisa. Ganitong-ganito ang nakasulat duon. Ngunit ang pinagkaiba lamang ay naiba ang kanilang pangalan. Ibig ngang sabihin ay napunta ako rito sa nakaraan at nakakulong ako sa kwento ng Noli Me Tangere?


PATULOY pa rin bumabagabag sa akin ang katanungan na paano ako makakabalik sa nakaraan. Dati ay sinubukan ko na lumabas sa pintuan ngunit hindi iyon nangyari.

Napadaan naman ako sa taniman ng mga bulaklak. At naalala kong gusto ni Aida ang mga rosas. Ngunit sadyang mahirap kuhanin ng mga ito dahil sa tinik na nakapalibot sa kanyang katawan. Napagapsyahan ko na lamang na ang mga daisy na may iba’t ibang kulay ang aking pitasin at ibigay sa kanya.

Nang nakaipon na ako ng walong daisy ay nagmadali na akong lumakad . hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama sapagkat labis ang aking kasiyahan dahil alam kong magugustuhan niya mga ito.

Ngunit bigla akong napahinto ng matanawan ang isang kalesa na nakahinto sa harapan ng bahay nina Aida. Pamilyar sa akin ang kalesang iyon. Ito rin ang sinakyan ni Crisanto nang ihatid niya si Aida noong isang araw.

Lumakad pa ako para makalapit sa kanila sapat para makita ko silang dalawa. Inabot ni Crisanto ang isang bouquet ng rosas na pula. Kaagad naman itong tinanggap ni Aida. Pagkatapos ay sumakay na si Crisanto sa kalesa. Dumaan ito sa aking harapan at sinenyasan ang lalaking gumagabay sa kabayo na tumigil muna.

Tumingin ang mga mata nitong malalalim. Hindi rin naman ako nagpatinag at tinitigan ko rin siya.

Bigla itong ngumiti ng nakakaloko.

Kahit kaylan ay daig ng rosas ang mabahong bulaklak ,katulad nang dala mo” sabi nito saka tumingin sa bulaklak na dala ko. Ngumisi ulit ito at saka sinenyasan muli ang lalaki na magpatuloy na.

Hindi ko inaalis ang aking paningin sa kanya. Hanggang sa tuluyan na itong nakalayo.

Tama nga naman siya. Anong panama ng isang katulad ko, sa katulad niya.

Napatingin naman sa gawi ko si Aida kaya kaagad kongitinago sa aking likuran ang mga dala kong bulaklak. Lumapit ako sa kanya at saka bumati.

Magandang hapon sa iyo binibini.” bati ko sa kanya. Ngunit para sa akin ay hindi maganda ang hapon ko.

Sa iyo din ginoo. Saan ka nanggaling?” tanong nito sa akin.

May pinuntahan lamang ako.” palusot ko. “Ang ganda ng bulaklak na iyan.” dagdag ko.

Napatingin naman ito sa bulaklak ng hawak niya.

Bigay ito sa akin ni Crisanto.” maikli niya sabi. Ou. Nakita ko nga eh.

Kasing ganda mo.” mahina kong sambit.

Ano na iyong sinabi ginoo?” usisa nito.

Ah--eh. Wala. Uuna na ako at pumasok kana rin sa bahay.” sabi ko saka lumakad palayo bitbit ang bulaklak na hindi ko man lang naibigay sa kanya.


INILAPAG ko sa upuang mahaba na yari sa kahoy ang bulaklak na dala ko. Tumingala ako at nakitang maraming bituin ngayon sa kalangitan.

Maya-maya pa’y dumais sa akin si Manuel.

Kuya Yusebio, para kanino po iyang bulaklak?” tanong nito saka tumabi sa akin sa upuang kahoy.

Ah---eto ba. Para sa babaeng mahal ko.” malungkot kong sabi.

“Bakit hindi nyo po ibigay sa kanya.?”

May iba ng nagbigay sa kanya eh. Mas maganda kesa rito.”

Tinanong nyo na po siya kung mahal nya po ang taong nagbigay sa kanya ng bulaklak?” . napatingin naman ako sa kanya. Sa murang edad, ang dami na agad nitong alam sa ganitong bagay. Napatawa na lang ako ng bahagya bago siya sinagot.

Hindi pa.” maikli kong sabi.

Tama si Manuel. Dapat ay tanungin ko si Aida. Ngunit may pumipigil sa akin. Takot.

Takot sa maari niyang maging kasagutan.

DONT FORGET TO VOTE ! SALAMAT :)

Yu & Ai (1886) | CompletedWhere stories live. Discover now