KABANATA XXIV

345 29 3
                                    

KUMALAT din ang balitang namatay si Manuel kaya marami rin ang nakiramay. Naabutan ko naman si Baste na abala sa paghahanda ng mga gulayin.

Saan ka pupunta, Baste?” tanong ko dito ng makapunta ako sa kusina.

Dadalhan ko si Padre Dominico ng mga gulayin bilang pasasalamat sa pagbabasbas niya kay Manuel, kahit ito man lamang ay maibigay ko.” sabi nito habang abala pa rin sa paglalagay ng mga gulay sa bilao.

Maari ba akong sumama?” muli kong tanong

Huwag na. Hindi ba’t kaylangan mong magtago.” tugon nito. Nadismaya man ako kay hindi na ako nagpumilit pa.

Babalik rin ako kaagad pakisabi kay Tiya Aurora.” tumango naman ako saka siya lumabas ng bahay.

Pagkalabas niya ay siyang dating naman ni Esme. Napansin ko rin na wala sina Tiya Aurora ngayon dito sa bahay simula ng magising ako kaninang umaga.

Nasaan nga pala sina Tiya Aurora?” bungad na tanong ko sa kanya ng makapasok ito.

Ang alam ko ay maaga silang nagpunta sa sakahan. Aanihin na siguro nila ang mga natitirang gulayin ng sa gayon ay mapakinabangan man lang bago kuhanin.” tugon nito.

Ang ibig sabihin kukuhanin na talaga nila ang sakahan ng ganun ganun na lamang?” hindi ko maisawang hindi mag-alala para sa mag-asawa nitong mga nagdaang araw ay sunod-sunod na ang problemang dumating sa kanila. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka ako ang dala ng kamalasan sa pamilya nila.

Ngunit alam kong hindi papayag si Sebastian na kuhanin na lamang nila iyon ng basta-basta..” napatango naman ako sa sinabi niya.

Tama. Hindi ko man nakasama ng matagal si Baste bilang Yusebio ay alam kong hindi ito papayag na kuhanin na lang nila basta-basta ang sakahan. Heto pa at nalaman niya na kinuha rin sa kanilang pamilya ang lupaing dapat ay sa kanila.

Umupo ako sa may sala ng saktong dumating sina Tiya Aurora. Kaagad akong tumayo para tulungan sila sa mga gulay na dala.

Naani nyo po bang lahat ang mga gulayin?” tanong ko sa kanila

“May iba pang natitira. Mamaya ay babalikan namin ng tiyo mo.” tugon ng tiya
“Nasaan pala si Sebastian?” dagdag niya

Nagtungo po kay Padre Dominico at nagdala ng mga gulayin.” tugon ko

Hindi man lang ako hinintay ng sa gayon ay nasamahan ko siya.” dismayadong sabi nito.

Babalik naman din daw po siya kaagad.” sabi ko.

Kaylangan na nating hirangin itong mga gulay ng sa gayon ay maipagbili man lang natin sa palengke.” sabi naman ni Tiyo Agapito.

Tumulong ako sa pagtatali ng mga gulay saka inilagay sa bilao. Nang matapos kami sa pag-aayos ay nagpunta na sa palengke si Tiyo Agapito. Naiwan na muli kami ni tiya sa bahay. Pansin ko rin na matamlay siya ngayon dahil siguro sa pagkamatay ni Manuel. Tinuring na nila itong tunay na anak kaya kung masakit para sa akin ang nangyari ay alam kong mgas doble ang sakit na nararamdaman niya.

Masaya na siguro ngayon si Manuel dahil kasama na niya ang tunay niyang pamilya.” malungkot na sabi ni Tiya Aurora.

Hindi ko maiwasang hindi rin makaramdam ng lungkot. Nami-miss ko ang kakulitan niya.

Kung nasaan man po siguro siya ngayon ay sigurado akong babantayan niya tayo lalo na kayo ng tiyo.” bahagya naman itong napangiti.

Ang ikli nga lang talaga ng buhay ng tao. Hindi natin alam kung kailan Niya kukuhanin ang buhay ng pinahiram Niya sa atin. Kaya siguro dapat ay sulitin natin ang bawat oras na humihinga pa tayo at kasama pa natin ang mga mahal natin sa buhay.

Yu & Ai (1886) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon