KABANATA XXVI

333 26 0
                                    

NAGISING ako ng may naramdaman akong tubig sa mukha ko. Binubuhusan nila ako ng tubig. Hindi ako kaagad makatayo dahil sobrang sakit ng paa ko dahil sa paghampas  ng kahoy sa’kin.

Umiikot na ang paligid ko at tanging mga boses na lamang nila ang naririnig ko. Dinig ko pa na nagtatawanan sila. Ramdam ko na pumasok ang isang guwardiya sibil at may inihagis sa malapit sa’kin.

Hindi ko pa rin magawa na tingin kung ano ito. Pinakiramdaman ko na lamang.

Baste, ikaw ba iyan?” tanong ko . dahan-dahan akong umupo kahit namimilipit ako sa sakit.

Sumandal ako sa pader saka pinunasan ang dugo sa mukha ko. Narinig ko na umubo ito kaya naman napanatag ang kalooban ko.

Ayos ka lamang ba Baste? Magkasalita ka.” pakiusap ko sa kan’ya. Naaninag ko na nakahiga ito at nakatalikod sa akin.

Kahit sobrang sakit na ng aking paa ay pinilit kong makalapit sa kan’ya. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko makita ng maayos ang kanyang mukha.

Hinawakan ko ito sa balikat at dahang-dahang inihiga ng maayos. Nakapikit lamang siya. Pero makikita mo kung gaanong sakit ang nararamdaman niya. Nagdurugo ang kanyang mga paa dahil sa ginawang pagpaso sa kanya kagabi.

Naramdaman ko na lamang ang mainit na luha na walang tigil sa pag-agos sa aking mata.

“Pasensya ka na, Baste dahil sa’kin kaya ka nahihirapan.” hindi ko na magawang punasan ang luha ko na patuloy sa pagpatak. “Ako ang may kagagawan ng lahat nang nangyayari sa inyo.” ako lang  naman talaga ang dapat sisihin dito. Naisip ko bigla, kung hindi kaya ako napunta sa panahon na ito. Kung hindi ako naging si Yusebio. Marahil ay maayos ang buhay nila ngayon. Hindi mamatay si Manuel. Hindi masasaktan sina Tiya Aurora at Tiyo Agapito. Pati si Baste, hindi siya mahihirapan ng ganito.

Patuloy lang ang paghagulgol ko hanggang sa naramdaman ko ang kamay niya na humahaplos sa akin.

Tahan na.” bigla itong umimik kahit nahihirapan na siya. “ Huwag mong sisihin ang sarili mo. Ang lahat ng ito ay may rason at kahit kailan hindi natin iyon maaring baguhin.” dugtong nito

Kaagad kong pinunasan ang luha ko at inalalayan siyang makaupo. Isinandal ko siya sa pader. Napadaing naman ito ng matamaan ko ang paa niyang napaso.

Bigla namang dumating sina Crisanto kasama ang ilang guwardiya sibil. Humithit muna ito ng tabako bago nagsalita.

Buhay pa pala kayo?” sabi nito saka ngumiti ng nakakaloko. Matiim ko siyang tiningnan.

Oo, dahil nais ko pang masaksikan ang kung paano masunog sa impyerno ang kaluluwa mo!” sigaw ko. Bigla itong bumunot ng baril at ipinutok sa may pader. Napadapa kami ni Baste kasabay ng malakas na tawanan nina Crisanto at ng mga guwardiya sibil.

Ganyan dapat ang inyong gawin. Ang dumapa! Ang lumuhod sa mga katulad ko dahil isa lamang kayong mga daga na umaasa sa mga basura.” sabi nito saka ibinaba ang baril. Muling humithit ng tabako bago tumalikod at lumabas ng kuwartel.

Napalunok ako ng laway dahil sa kabang naramdaman ko ng mga oras na iyon.

Yusebio? Ayos ka lamang ba?” nag-aalalang tanong ni Baste sa akin ng mapansing nakatulala pa rin ako mula ng umalis sina Crisanto. Ngunit hindi kaagad ako nakasagot hanggang sa tapikin niya ako at bumalik ako sa huwesyo. Tumango na lamang ako saka ngumiti sa kanya.

Muli nang tumahimik ang buong kuwartel dahil gabi na rin siguro. Makakatulog na ako ng may biglang batong tumama sa may paanan ko. Napabalikwas ako. May tumawag pa sa’kin kaya luminga ako para hanapin kung saan ‘yun nagmula. Hanggang sa may naaninag akong isang anino.

Yusebio.”tawag muli nito sa akin sa mahinang tono. Dahan-dahan na akong lumapit para makita kung sino iyon.

Sino iyan?” tanong ko sa kanya.

Ako ito, si Feli.”tugon nito saka inalis ang talukbong sa kanyang ulo. Nanlaki ang aking mata ng malinaw ko siyang nakita. Mabilis akong lumapit sa rehas.

Ano ang iyong ginagawa dito, Feli?” nag-aalala kong tanong. Sumilip pa ako sa may pasilyo ng kuwartel dahil baka may guwardiya sibil na makakita sa kanya. “Mapapahamak ka.”dugtong ko

Huwag kang mag-alala , ginoo.Binayaran ko ang dalawang bantay.Inutusan ako ni Binibining Aida para iaabot sayo ang liham na ito.” dagdag niya saka inabot sa’kin ang isang papel na kulay brown.

Sige na. Lumabas ka na at baka mahuli ka pa ni Crisanto.” utos ko. Tumayo naman ito sa’ka yumuko bago lumabas ng kuwartel. Kaagad akong bumalik sa tabi ni Baste na mahimbing pa rin ang tulog at nakiramdam baka may biglang dumating.

Nang makasiguro ako na tahimik na ang buong paligid ay dahan-dahan kong binuksan ang liham na binigay ni Aida.at ito ang nilalaman:

Para sa aking ginoo,

        Aking ginoo, gabi-gabi kong pinagdarasal kay Bathala na sana’y nasa mabuti kang kalagayan. Hindi ako makatulog dahil sa kakaisip kung ano na ang nangyayari sa iyo. Hindi ako makalabas ng bahay para dalawin ka dahil binabantayan ako ni Inang kaya’t si Feli ang aking inutusan para dalhin sa’yo ang liham na ito. Nais kong ipaalam sa iyo na tutulungan kita upang makalabas sa piitan. Huwag kag mag-alala aking ginoo konting tiis na lamang.
      Mahal na mahal kita higit pa sa salitang sobra.

— Binibining Aida

Kaagad kong ginusot ang papel pagkatapos kong mabasa ang laman ng liham. Nais ko rin na makalabas dito ngunit hindi sa tulong ni Aida. Dahil alam kong madadamay siya sa oras na malaman ni Crisanto na tinulungan niya ako na makatakas dito. Napasipa ako kaya biglang nagising si Baste.

A--ano ang nangyari Yusebio?”nag-aalalang tanong nito. Lumapit ako sa kanya at itinapat ang aking bibig sa kanyang tenga.

Tutulungan tayo ni Aida na makatakas dito.” napapitlag siya dahil sa narinig. Dahan-dahan itong umupo at umayos ng pwesto.

Ano ang iyong sinabi?” tanong niya

Pinadalhan ako ni Aida ng isang liham at sinabi niya na itatakas niya tayo dito” sagot ko

Ngunit paano?”

Hindi ko pa alam kung paano.” hindi ko maiwasang hindi mag-alala para sa kalagayan ni Aida. “Basta magtiwala lang daw tayo sa kanya.” dugtong ko

Magtiwala? Sa anak ng taong pumatay sa mga magulang natin!” mahinang sabi niya ngunit may diin. May galit.

Baste, pwede ba na alisin mo muna ang galit mo. Walang kinalaman si Aida sa nangyari sa pamilya mo--- sa pamilya natin.” giit ko.

Tumahimik lamang ito at tanging buntong hininga ang sinagot sa akin.

--

Dumaan ang dalawang araw at nanatili pa rin kami ni Baste sa piitan. Nanunuyo na ang labi ko dahil sa uhaw at nanlalabo na ang aking paningin. Habang si Baste ay patuloy pa rin sa pagdaing sa kanyang mga sugat.

Napatingin ako sa maliit na bintana. Sumisilip dito ang buwan na kakalahati lamang. Nakaramdam na ako ng antok ng may dumating. Dalawang guwardiya sibil. Kaagad nilang binuksan ng dahan-dahan ang rehas saka lumapit sa amin. Hindi ko sila masyadong maaninag dahil nanlalabo na ang aking paningin. Wala na rin akong lakas para umimik. Agad din nila kaming inilabas ng kuwartel.

Lumakad kami sa isang madilim na pasilyo. Kahit nanghihina na ako ay pinipilit kong aninagin ang aming daang tinatahak.

Palabas na kami ng kuwartel.

Umimik ang isang guwardiya sibil ngunit hindi ko na ito narinig dahil tuluyan ng dumilim ang aking paningin.

Yu & Ai (1886) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon