KABANATA XVIII

361 37 0
                                    

Aida!” napabangon ako kasabay ng aking malakas na sigaw. Pawisang-pawisan ako na tila may humabol sa akin. Hapong-hapo ako at nauubusan ako ng hininga.

Napahawak ako sa ulo ko dahil sumakit ito. Umiikot ang aking paligid kaya iniling-iling ko ang aking ulo. Bigla namang may nag-flashback na alaala sa akin. Mga panahong nasa kasalukuyan pa ako.

Napagdesisyunan namin ng girlfriend ko na magbakasyon out of town. Pumunta kami sa probinsya niya. . Sakto namang umuulan ng nasa byahe na kami. Matarik ang daan at madulas pa dahil basa ito.

Nang paliko na ako ay may nakasalubong kaming lalaking naka-bike ng sinubukan kong iwasan ito ay nasira ang break ng aking sasakyan dahilan para bumangga sa bakod na nagsisilbing harang sa bangin. Ngunit dahil sa lakas ng epekto ay muntik ng mahulog ang aming sinasakyan.

Sinubukan naming dalawa na makalabas ng sasakyan bago pa man ito mahulog. Ngunit dahil matarik ito ay nahirapan kaming makaakyat. Nakakapit ako noon sa isang kahoy habang ang isa kong kamay ay nakakapit sa kanya. Dahil sa dugo ay dumudulas ang kapit ko sa kamay niya hanggang sa tuluyan na akong nakabitaw. Kasabay ng malakas niyang sigaw sa pangalan ko. Ngunit hanggang doon na lamang ang aking natatandaan.

Iniling-iling ko muli ang aking ulo ngunit lalo lamang itong sumakit.

Yusebio, anong nangyari sa iyo? Masama ba ang iyong panaginip?” hindi naman ako agad makasagot kay Baste dahil masakit pa rin ang ulo ko. Umupo muna ako ng ayos saka nagsalita.

May napanaginipan akong babae.” mahina kong sagot sa kanya.

Babae? Sino naman iyon?” tanong nito sa akin.

Si Aida.”

Aida? Aida Dominguez? Bakit naman siya ang laman ng iyong panaginip?” muli nitong tanong.

Hindi ko rin alam.” ngunit sigurado ako na si Aida ang babae sa panaginip ko at sa aking naalala kanina. Bakit kamukha ni Aida ang girlfriend ko sa kasalukuyan?

Inihilamos ako ang dalawa kong palad sa aking kamay dahil ako ay naguguluhan. Tumayo naman si Baste at nagtungo sa kusina. Pagbalik niya ay may dala itong isang basong tubig. Inabot niya ito sa akin at uminom na rin ako dahil parang galing ako sa pagtakbo at hapong-hapo ako.

Manalangin ka muna bago ka ulit matulog.” payo sa akin ni Baste bago bumalik sa pagkakahiga.

Mahaba pa ang gabi ngunit hindi na ulit ako makatulog dahil kumikirot pa ang aking ulo.

——

Magdamag pa rin akong mulat hanggang sa sumapit ang umaga. Bumangon ako at nagpalit ng damit. Kaylangan ko ng kasagutan sa aking katanungan na magdamag kong iniisip.

Kaylangan kong makausap si Aida.

Nang palabas na ako ng pintuan ay aking nakasalubong si Baste.

Oh saan ang iyong punta?” tanong nito sa akin.

May aasikasuhin lamang ako.” palusot ko sa kanya.

Maayos na ba ang iyong pakiramdam?” tumango na lamang ako at bago tuluyang lumabas.

--

Nagtungo na ako sa bahay nila Aida. Kaylangan ko siyang makausap tungkol sa’king panaginip. Hindi ako mapapakali hangga’t hindi ko nalalaman ang totoo.

Nang makarating ako ay nadatnan kong may kausap ang kasambahay nilang si Feli. Malayo pa lang ay alam ko na kung sino ito. Base sa hubog ng katawan at sa aura nito natitiyak ko ng siya iyo.

Yu & Ai (1886) | CompletedWhere stories live. Discover now