KABANATA XXIX

325 30 2
                                    

-

SABI nila ang kasal ay isang sagradong bagay na isinasagawa para pag-isahin ang dalawang puso ng dalawang taong nagmamahalan. Ngunit sa panahon na ito ay uso na ang one-sided love. Alam kong napilitan lamang si Aida na magpakasal kay Crisanto para mailigtas ako.

Pakiramdam ko tuloy ngayon ay wala akong kwentang tao. Hinayaan ko lamang na ikasal si Aida sa taong iyon.

Dumating ang ika-sampu ng Desyembre. Kaagad akong dinala sa loob ng simbahan habang si Baste ay naiwan sa kuwartel. Nakaupo ako sa pinakadulong bahagi ng simbahan. Iilan lamang ang mga tao sa loob nito na siyang mga nagsipagdalo para masaksihan din ang kasal ng dalawa.

Nakatulala lamang ako sa harap ng altar habang patuloy sa pagpatak ang aking luha.

Tumunog ang kampana hudyat na papasok na si Aida. Nilingon ko ito. Dahan-dahan siyang naglalakad sa gitna ng simbahan palapit sa may altar
Nakasuot ito ng puting saya . napakaganda niya sa mga oras na ito. Lumingon ito sa gawi ko at ngumiti sa akin. Ngunit ang mga mata niya ay may lungkot. Hindi ko magawang ngumiti sa kanya pabalik dahil sa sobrang sakit na nararamdamn ko.

Hindi ko makakaya na makita siyang ikakasal sa lalaking hindi naman niya mahal.

Nagsimula ang kasal at natapos sa pagsasabi ni Padre Lopez ng mabuhay ang bagong kasal.

Nagpalakpakan ang mga taong sa loob ng simbahan. Binabati nila ang dalawang ikinasal ngunit sa Aida ay nanatiling nakatuon ang paningin sa gawi ko.

Inalalayan ako ng dalawang guwardiya sibil na lumabas ng simbahan. Muli kong nilingon si Aida at ngumiti ulit ito sa akin.

Gusto kong lapitan siya at ilayo sa taong iyon. Ngunit alam kong hindi ko iyon magagawa. Baka masayang ang pagsasakripisyong ginawa niya para mabuhay ako sa panahong ito.

--
Muli kaming ikinulong sa loob ng kuwartel. Tatlong araw na ang nakakalipas mula ng ikasal si Aida kay Crisanto. At hanggang ngayon ay hindi ko ito matanggap. Masakit pa rin sa kalooban ko. Hindi maalis sa aking isipan ang pangyayaring iyon. Habang marahang naglalakad si Aida patungo kay Crisanto. Isang pangyayaring sana ay ako ang naghihintay sa kanya sa altar , hindi ibang tao.

Makalipas ang tatlong araw ay dumating si Crisanto sa labas ng aming piitan. Kaagad kaming inilabas ng mga guwardiya sibil.

"Inaasahan ko na mananahimik na kayong dalawa kung ayaw ninyong tuluyan ko na kayong patahimikin habang buhay." sabi nito sa aming dalawa ni Baste.

Pagkatapos noon ay isinakay kami sa isang kariton na hila-hila ng dalawang kabayo habang ang mga guwardiya sibil ay nakasunod sa likuran.

Maya-maya pa ay tumigil na ito. Hinila kami pababa ng kariton at saka ibinagsak sa lupa.

"Jusko po! Yusebio! Sebastian!" dinig kong sigaw ni Tiya Aurora nang makita kami. Narito na kami sa tapat ng bahay nila. Pareho kaming nakahiga sa gabukan at nanghihina na.

Kaagad na tinawag ni tiya sina tiyo at Esme. Inalalayan nila kami na pumasok sa loob ng bahay. Nang makapasok kami ay inaalayan kaming makahiga at kaagad na ginamot.

"Hindi ko lubos na maisip na ganito ang kahihinatnan ninyong dalawa." panaghoy ni Tiya Aurora habang ginagamot ang mga sugat ko.

Samantalang si Baste naman ay ginagamot naman ni Esme. Wala na akong lakas para magsalita kaya pinapakinggan ko na lamang sila.

Hindi sugat sa aking katawan ang aking iniinda ngayon kundi sugat sa aking puso. Sugat na sanhi ng pagpapakasal ni Aida kay Crisanto. Muli na namang may tumulong luha sa mata ko na siyang nakapagpahapdi sa mga gasgas sa aking mukha.

Yu & Ai (1886) | CompletedWhere stories live. Discover now