KABANATA XIV

457 47 1
                                    


Sa mga lansangan at sa masasayang pook ng kabayanan, ay itinatayo na ang mga arkong kawayan na tinatawag na “sinkaban” at ito’y napapaligiran ng mga bulaklak.

Ngayon ay ika-10 ng Nobyembre, ito ang dispiras ng pista ng bayan ng San Diego. Ang lahat ng dako ng bayan ay waring gumigising sa karaniwang pagkakahimlay. Ang mga durungawan ay nababatbat ng mga bandila at mga makukulay na palamuti.

Nang makauwi na nga ako sa bahay ay tumulong na ako para sa paghahanda sa darating na pista bukas. Dahil may darating na bisita sina Tiya Aurora , ang kanyang mga kamag-anak at si Esme ang babaeng nagpaligo sa aking ng malansang tubig sa Binundok.

Tradisyon na ring maiituring ang paghahanda ng masasarap na pagkain tuwing pista ng bayan. Nandiyan ang mga dalandan, lansones, atis, tsiko at mga mangga rin naman bagama’t Nobyembre pa lamang. May mga relyenongg pabo at mga atsarang gawa sa mga bulaklak ng bunga, mga gulay, at bungang-kahoy na may mga maririkit na hugis at nakalagay sa mga garapon.

Kasalukuyan kong nililinisan ang ilawang globong kristal na minana pa ni Tiya Aurora sa kanilang magulang. Inalisan ko rin ng balot na damit ang ibang lamparang gas na siyang ilalagay sa labas ng bahay para magsilbing liwanag sa gabi ng pista.

Maya-maya pa’y may ingay akong narinig sa labas ng bahay. Iniwan ko muna saglit ang aking ginagawa para tingnan kung ano iyon.

Nakita kong may kausap si Tiya Aurora at Tiyo Agapito. Marahil ay ito ang mga sinasabi nilang bisita.

Lumapit sa akin ang isang dalaga. Si Esme.

Magandang araw sa iyo Yusebio.” nakangiting bati nito sa akin.

Magandang araw din naman.” sagot ko saka bumalik sa loob ng bahay. Sumunod naman ito sa akin.

Ano ang iyong pinagkakaabalahan?” tanong nito sa akin ng makalapit ito.

Hindi mo ba nakikitang naglilinis ako ng lampara.” masungit kong sabi sa kanya. Hindi ko nga rin ba maipaliwanag kung bakit ako nagsusungit sa kanya.

Masungit ka na naman sa akin Ibyong.” natatawa nitong sabi.

Ibyong?” tanong ko dito ng marinig ang sinabi nitong palayaw.

Oo. Sino pa bang Ibyong dito.” sabi nito saka kumuha ng basahan at tumulong sa akin.

Ibyong pala ang palayaw ni Yusebio? Mabantot na nga ang pangalan mas mabantot pa rin ang palayaw.

Yusebio ! bakit hindi mo ipasyal si Esme rito sa San Diego?” sabi ni Tiya Aurora ng pumasok ito sa loob ng bahay kasama ang ilang bisita.

Napatingin naman ako kay Esme saka kay Tiya Aurora at balik ulit kay Esme.

Ano ako pa magiging tour guide nito?

Mukhang ayaw naman po ni Ibyong Tiya.” dismayado nitong sabi ng hindi ako umimik.

At wala na nga akong nagawa kundi ang gawin ang sinabi ni Tiya Aurora.

Tinapos muna naming dalawa ang paglilinis sa lampara saka lumakad papuntang bayan.

Wala pa ring pinagbago ang lugar na ito.” sabi nito habang naglalakad kami. Wala pa rin akong imik buhat ng umalis kaming dalawa sa bahay.

Pinagmasdan ko na lamang ang paligid dahil abala ang mga tao sa paghahanda sa pista.

Masigla ang mga daanan sa bayan ng San Diego sa mga oras na ito.
Nakasalubong namin sa daan sina Aida kasama si Feli. Mabuti na lamang at wala ang kanyang Inang.

Magandang araw sa inyo mga binibini.” bati ko ng makalapit ito sa amin ni Esme.

Kilala mo sila Ibyong?” tanong sa akin ni Esme. Nilingon ko naman ito saka sinagot.

Oo. Ito nga pala si Binibining Aida Dominguez at si Feli.” pagpapakilala ko sa kanila.

Dominguez? Isa kang Dominguez ?” paulit-ulit na tanong ni Esme. Tumingin ito sa akin na parang bakit ko kilala si Aida.

At nakuha ko na ang ibig niyang sabihin sa mga tingin na iyon kaya hindi ko na hinayaan na muli siyang magsalita.

Saan kayo ngayon tutungo mga binibini?” pagiiba ko ng usapan. Habang si Esme ay matiim pa ring nakatingin kay Aida na naging dahilan para mailang ito.

Namamasyal lamang ako at naglilibang.” sagot ni Aida sa akin.

Bakit hindi mo na lang ipasyal ginoo si binibining Aida.” singit ni Feli na mukhang kinikilig pa sa sinabi. Napangiti naman ako dahil bahagyang tinulak siya ni Aida dahil sa kanyang sinabi.

Huwag na. Mukhang may abala silang dalawa.” seryosong sagot nito.

Napatingin naman ako kay Esme.

Ah--- wala . sa katunayan ay ipinapasyal ko lang din si Esme.” sabi ko saka ulit tumingin kay Esme at binigyan ng huwag-ka-ng-umangal- look.

Wala na ngang nagawa si Esme kung hindi ang pumayag na sumama sa amin ang dalawa.

Nasa unahan sina Esme at Feli at nasa likuran naman kaming dalawa ni Aida.

Paminsan-minsan kong tinitingnan si Aida na masayang masaya sa sa pagmamasid sa mga taong abala sa paghahanda.

Hindi ko alam kung anong meron sa mga ngiti niya at sumasaya ako sa tuwing nakikita iyon. Parang pamilyar sa akin ang ngiti niya. Hindi ko nga lang alam kung kanino ko nakita.

Mukhang malapit ang iyong loob kay Esme.” sabi nito habang patuloy pa rin kami sa paglalakad.

Napalingon naman ako at napatingin sa kanya.

Gusto kong sabihin na hindi ko naman talaga iyong kilala.

Magkaibigan lang kaming dalawa.” sagot ko dito

Magkaibigan lang?” tanong ulit nito. At sa oras na ito’y parang may laman na ang kanyang sinabi. Na kaagad ko naman naunawaan.

Nagseselos ka ba sa amin binibini?” tanong ko kaya napatigil ito sa paglalakad at tumingin sa akin.

Ako? Ginoo ? Nagseselos? “ sunod sunod nitong tanong at tango lang naman ako ng tango habang pinipigalan ang pagtawa. “Kahit kailanman ay hindi ko naramdaman iyang salitang iyong binitiwan.” pagpapatuloy nito.

At hindi ko na nga napigilan ang tawang kanina ko pang iniimpit dahil kitang-kita sa mukha niya ang pagkainis dahil para mamula ito.

Uso na pala ngayon ang pagba-blush

“Kung ganoon pala ay sarado ang iyong puso para sa ganung pakiramdam.” sabi ko sa kanya.

Matagal ng sarado ang puso ko.” seryosong sagot nito saka nag-iwas ng tingin.

Sa ganyang palaga’y ba ay maari akong pumasok?”

Pag-aralan mo muna kung paano ito mabubuksan.”

Isang akong antique---- ibig kong sabihin ay may kaalaman ako sa pagbubukas ng mga saradong bagay. Puso mo pa kaya binibini.” biro kong sagot nito na lalo niyang ikinainis.

Magsasama habang buhay ang dalawang taong nasa ilalim ng sinkaban” napatigil kaming pareho ni Aida ng masalita ang isang matandang babae bago ito lumagpas sa amin.

Sabay naman kaming napatingalang dalawa saka nagkatinginan.

At sa mga oras na ito ay hinihiling ko na sana totoo nga ang sinabi ng matanda.

Handa kong gawin ang lahat.

Makasama lang kita habang buhay, Aida.

Yu & Ai (1886) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon