KABANATA XXI

332 33 0
                                    

“Tama na po!” sigaw nito sa mga taong patuloy siyang binubugbog

Nagmadali akong tumakbo papunta sa kanila at napatingin naman sila sa akin ng makalapit ako. Napansin ko rin na may mga sugat na si Manuel dahil inapakpakan pa siya ng mga ito.

“Ano ang ginagawa ninyo ha!” malakas kong sigaw dala ng galit dahil sa ginawa nila kay Manuel. Patuloy lamang ang iyak ni Manuel kaya inalalayan ko itong makatayo at pinuwesto sa likuran ko.

Tumingin naman sa akin ng masama ang isang gwardiya.

“At sino ka para makialam dito?” malaki ang boses nito kaya medyo nakakatakot. Pero hindi ako nagpatinag sa kanya.

At ano rin sa tingin nyo ang ginagawa ninyo sa bata!” sagot ko sa kanya.

Nahuli na nagnakaw siya ng salapi ngunit ayaw niyang umamin!” sambit ng isa

Ngunit tama bang gulpihin nyo ang isang bata?” umatras ako ng konti. Hawak ko ang kamay ni Manuel ng sa gayon ay makatakbo kami kaagad palayo sa kanila. “Manuel, hindi ba tinuruan kitang magbilang hanggang lima.” bahagya ko itong nilingon at nakita kong tumango naman ito.”Ngayon ay bumilang ka hanggang tatlo.” mahigpit kong hinawakan ang kamay niya.

Isa…”

Da--dalawa

Tat----”

Takbo!!” kaagad kong hinigit si Manuel at tumakbo palayo sa mga gwardiya sibil. Nilingon ko sila at ngayon ay sumusunod na sila sa aming dalawa.

Hulihin nyo sila !!” sigaw ng isang lalaki.

Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo habang higit higit si Manuel.

Kuya masakit na po ang paa ko.” umiiyak na sabi ni Manuel

Kaylangan nating makalayo sa kanila.” sabi ko ng bigla akong natisod sa isang nakausling bato dahilan para mapahiga sa lupa.

Sige na Manuel, tumakbo kana. Lumayo ka na dito!” utos ko sa kanya habang pinipilit kong makatayo. Muli akong napaluhod dahil sa sugat sa aking tuhod.

Paano ka kuya Yusebio?” patuloy pa rin ito sa pag-iyak

Huwag mo akong alalahanin! Tumakbo kana bilis!” sigaw ko sa kanya. Lumingon ako sa mga humahabol sa amin at malapit na sila.

Sige  na!” ng makatayo ako ay pinilit kong harapin ang mga gwardiya sibil para hindi na nila habulin si Manuel.

Napaatras ako ng hugutin ng isa ang kanyang espada. Kuminang ito ng matamaan ng liwanag ng buwan.

Napaatras akong muli ng humakbang sila palapit sa akin.

Hindi ka maaring mamatay dito sa nakaraan dahil hindi ka na makakabalik sa kasalukuyan.

Bigla kong naalala ang sinabi ng matandang babae sa akin.

Paano nga kung mamatay ako dito. Hindi na ba talaga ako makakabalik?

Kaagad akong kumuha ng isang malaking tipak ng bato at ibinato ko kaagad ito sa gwardiyang nasa unahan . natamaan ito sa ulo dahilan para mapaupo ito at mabitawan ang espada niya.

Kaagad ko itong dinampot at itinutok sa leeg nito.

Hindi ako maaring mamatay dito. Hindi pwede !

Sige. Isang hakbang nyo pa puputulin ko ang leeg ng taong ito.” napatigil naman ang dalawa nitong kasamahan.

Nanginginig ang kamay ko na may espadang hawak. Wala naman akong balak na patayin ang taong ito dahil hindi ko yun kayang gawin sa totoo lamang.

Yu & Ai (1886) | CompletedWhere stories live. Discover now