KABANATA XVI

411 38 3
                                    

ALAS-SINGKO ng hapon ng mag-umpisa ang komedya. Ako naman ay kinakabahan na sapagkat pagkatapos nito ay ang Kantahang Bayan na.

Huwag kang kabahan Ibyong. Ako ang kauna-unahang papalakpak para sa iyo.” sabi ni Esme para pagaanin ang kalooban ko.

Hindi ko maiwasang hindi kabahan lalo na’t nanonod si Aida. Nakaupo sila sa may unahan katabi ang ilang mayayamang pamilya dito sa bayan.

Ngayon ay atin ng uumpisahan ang pinak-aabangan ng lahat ang Kantahang Bayan. Ang lahat ng kalahok ay maari ng pumunta sa likuran ng entablado.” anunsyo ng tagapatnugot ng tanghalan.

Tinapik ni Baste ang aking balikat para palakasin ang loob ko. Sa totoo lang ay ngayon lang ako kakanta sa harap ng maraming tao kahit pa noong ako’y nasa kasalukuyan ay hindi ko pa ito nagagawa.

Bitbit ang hiniram kong gitara ay pumunta na ako sa likurang bahagi ng entablado. Pangalawa ako sa magtatanghal kaya mas matindi ang kabang aking nararamdaman.

Nagpalakpakan ang mga tao ng matapos ang pagkanta ng unang kalahok.

Ngayon ay tawagin natin ang ikalawang kalahok.” umakyat na ako sa entablado . mahigpit ang hawak ko sa gitara ng humarap na ako sa maraming tao.

Nagtagpo ang mga mata namin ni Aida at binigyan ako ng isang ngiti na  nakapagpagaan naman ng kaunti sa aking kalooban.

Galingan mo Ibyong !” malakas na sigaw ni Esme. Si Manuel naman ay malakas ding pumapalakpak. Napatawa na lamang ako ng bahagya dahil sa kanila.

Nagbuntong-hininga muna ako saka inayos ang gitara. Wala akong alam na kanta na sinauna kaya ang kakantahin ko ngayon ay kanta ng paborito kong banda sa kasalukuyan. Inaalay ko rin ito para sa babaeng mahal ko.

Kinalabit ko ang gitara na bumasag sa katahimikan ng paligid.

Hindi masabi ang nararamdaman.
Di makalapit sadyang nanginginig na lang.
Mga kamay na sabik sa piling mo.
Ang iyong matang walang mintis sa pagtigil ng aking mundo.

Habang nakanta ako ay nakatitig lamang ako ka’y Aida.
Umaasang sa pamamagitan ng awit na ito ay malaman niya ang nararamdaman ko para sa kanya.

Ako’y alipin ng pag-ibig mo.
Handang ibigin ang ‘sang tulad mo.
Hangga’t ang puso mo’y sa akin lang
Hindi kana malilinlang
Ikaw ang ilaw sa dilim
At ang liwanag ng mga bituin.

Simula ng makita ko siya sa panahon na ito ay hindi na mapalagay ang loob ko. Gusto kong bawat segundo ay makita siya.

Hindi mapakali.
Hanggang tingin na lang
Bumubulong sa iyong tabi
Sadyang walang makapantay
Sa kagandahang inuukit mo
Sa isip ko.

Ako’y alipin ng pag-ibig mo.
Handang ibigin ang ‘sang tulad mo.
Hangga’t ang puso mo’y sa akin lang
Hindi kana malilinlang
Ikaw ang ilaw sa dilim
At ang liwanag ng mga bituin.

Sa pagpunta ko sa panahong ito ay hindi ko inaasahang dito ko mararamdaman ang tunay na kahulugan ng salitang pag-ibig.

Ako’y alipin ng pag-ibig mo.
Handang ibigin ang ‘sang tulad mo.
Hanggat ang puso mo’y sa akin lang
Hindi kana malilinlang
Ikaw ang ilaw sa dilim
At ang liwanag ng mga bituin.

Kahit na anong mangyari, gagawin ko ang lahat makasama lamang siya. Kahit itaya ko ang nag-iisa kong buhay. Kahit harapin ko pa si kamatayan.

Nang matapos ang aking pagkanta ay nagpalakpakan sina Baste kasunod ang mga taong nanunuod ngayon. Nawala na ang kabang kanina ko pa nararamdaman. Pumapalakpak rin si Aida na ngayon ay nakatingin sa akin.

Bumaba na ako ng entablado para sa kasunod na kalahok. Natapos ang patimpalak at iaanunsyo na ang nanalo.

Bumalik ang kaba ko. Sumali ako dito dahil sa papremyong nakasaalay dito. Makakatulog iyon para sa palayan nina Tiya Aurora. Dahil maraming peste ang naninira ngayon ng kanilang pananim. Maari kong ibigay ang perang mapapanalunan ko para makabili sila ng gamot .

Maraming salamat sa lahat ng nakilahok sa patimpalak na ito. Lahat ay magagaling ngunit isa lamang ang ating kaylangang piliin.” sabi ng tagapatnugot. Magagaling ang ibang sumali at nagustuhan sila ng madla kaya nawawalan ako ng pag-asang mapili.

Nilingon ko si Baste na ngayon ay nakatingin pala sa akin. Nginitian ko na lamang siya at saka bumalik ang tingin sa entablado.

At ang nanalo sa Kantahang Bayan ngayong taon ay walang iba kundi si------” hindi pa itinuloy ang kanyang sinasabi na lalong nagpakaba sa akin. “Walang iba kundi si Yusebio Munoz.” napatulala ako sa sinabi niya. Kasabay ng malakas na hampas sa akin ni Baste na tuwang tuwa ngayon. Sina Esme at Manuel naman ay tumatalon dahil sa saya.

Nanalo ako? Totoo ba ‘to?

Umakyat kana sa entablado. Bilis !” utos sa akin ni Baste. Kaagad naman akong umakyat at kinamayan pa ako ng lalaking nag-anunsyo.

Tuwang tuwa sina Baste at may pahiyaw pa habang pumapalakpak. Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa ginagawa nila. Labis labis naman ang sayang nararamdamn ko sa oras na ito. Di ko akalain na ako ang mapipili.

Inabot sa akin ang isang sobre na naglalaman ng limampung piso.

Maraming salamat po.” sabi ko sa lalaki at saka kinamayan ulit bago bumaba ng entablado. Sinalubong ako nina Baste na tuwang-tuwa pa rin.

Tiya Aurora ito po ang aking napanalunan , gamitin nyo po sa pagbili ng gamot para sa peste sa palayan.” inabot ko ang sobre sa tiya. Na ngayon ay masaya rin dahil sa aking pagkapanalo.

Ay naku, Yusebio. Sa iyo iyan. Napanalunan mo iyan.” sabi nito

Hindi tiya kaya ako sumali duon ay para matulungan kayo.” inilagay ko ang sobre sa kamay niya. “Kahit ito man lang po ang maitulong ko sa pagtanggap ninyo sa akin dito.” dugtong ko. Kahit na puro kapalpakan ang dala ko dito ay hindi sila nagsawang intindihin ako.

Maraming salamat Ibyong.” sabi ni Tiyo Agapito ng makalapit ito sa amin.

Yusebio. Tara na ulit sa liwasang bayan at manuond tayo ng sayawan.” anyaya sa akin ni Baste.

Nagpaalam na ako kina tiya . hindi na rin namin isinaman sina Esme at Manuel sapagkat gabi na.

Hindi ko akalain na ako ang mananalo doon.” sabi ko kay Baste habang naglalakad kami.

Panong hindi ikaw ang mananalo ay magaling ka.” biro nitong sagot sa akin. “Ewan ko ba at hindi ako ang nakamana ng galing ni ama sa pagkanta.” natatawa nitong sabi. Magaling palang kumanta ang ama nila. Sana nakilala ko rin sila.

Nag-uumpisa na ang sayawan ng makarating kaming dalawa. Nagkakasiyahan na ang mga tao sa saliw ng tugtog mula sa orkestra sa taas ng entablado.

Maghanap kana duon ng dalaga at anyayahan mong sumayaw.” utos sa akin ni Baste.

Napatingin naman ako sa kanya.
Binubugaw pa ako ng taong ito ha.

May nahanap na ako.” maikli kong sagot habang nakatingin sa gawi ni Aida na ngayon ay kausap ang ilang dalaga. Napakaganda niya ngayon. Nakasuot ito ng mistisa at nababatbat ng mga hiyas na brilyante.

Bigla naman akong nahiya na nalapitan siya. Nakasuot lamang ako ng kupas na damit at amoy pawis pa. Walang-wala ako pag katabi siya.

Nawala naman sa tabi ko si Baste. Natagpuan ko siya na nakikipagkwentuhan ngayon sa ibang dalaga.

Babaero rin pala ito.

Nagpasya na lamang ako na manuod ng ibang nagsasayawan. Napakunot naman ako ng noo ng lumapit si Crisanto kay Aida at inaya itong sumayaw. Nakasuot ito ng magarbong damit na litaw sa karamihan.

Walang nagawa si Aida kundi ang pumayag dahil na rin sa sulsol ng kanyang Inang. Umalis na lamang ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko na magawang tingin silang dalawa sapagkat masakit sa aking mata.

--

(song: bulong by december avenue)

Yu & Ai (1886) | CompletedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant