KABANATA XXXV

436 27 1
                                    

(A/N : Hi MichelleYadawon . Maraming salamat sa walang sawang pagbabasa ng kwentong ito mula umpisa hanggang dulo. Nawa'y patuloy mo pa rin na suportahan ang aking mga akda sa hinaharap.

P.S Sorry ha ! Peaceyow ! )



“Mahal, tingnan mo oh, ang ganda ng bracelet ko ano.” masayang sabi ni Aida sabay pakita ng isang bracelet na kulay matte. Ngumiti naman ako sa kanya saay upo sa kanyang tabi.

“Saan mo naman ‘yan nabili?” tanong ko

“Hindi ko ito binili, binigay ito ni lola sa akin. Alam mo ba may magic ang bracele na ito. Kaya niyang mag-store ng mga memories.” pagmamalaki niyang sabi sa akin.

Napatawa naman ako dahil doon. “Ano ‘yan memory card?” pabiro kong sambit

Kumunot naman ang noo nito saka hinampas ang braso ko .

“Hindi. Sabi ni lola kapag suot mo ito lahat ng memories mo mapupunta dito. Tapos kapag isinuot ito ng ibang tao. Maga-appear sa kanilang utak ‘yung memories na kasama ako. Ang astig ‘di ba?” manghang-mangha pa rin siya sa bracelet na suot niya.

“Kaya simula ngayon isusuot ko na ito para kapag nawala ako, maalala mo ako sa pamamagitan ng bracelet na ito.”saad niya

“Anong  mawawala? Hindi ka mawawala sa akin, okay? Dito ka lang sa tabi ko at gagawa tayo ng maraming memories.” sinapo ko ang mukha niya saka hinalikan siya sa noo.

Napatawa naman ito saka ako niyakap , yumakap naman ako pabalik sa kanya ng sobrang higpit.

Anak,  nandito na tayo.”bumalik ako sa reyalidad ng tapikin ni mama ang balikat ko. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa lugar kung nasaan si Aida.

Suot-suot ang bracelet na iniwan niya ay bumaba kami ng sasakyan. Tahimik ang paligid. Kahit paano’y nakakagaan ng kalooban ang malamig na hangin na dumadampi sa mukha ko. Lumakad kami sa maliit na daan gawa sa semento hanggang sa tumigil kami sa isang lapida na may nakaukit na pangalan. Pangalan ng babaeng pinakamamahal ko.

Maria Aida C. Dominguez
February 14, 1994 - December 27, 2014

Napaka-kagat ako sa aking pang-ibabang labi pagkatapos kong masulyapan ang kanyang himlayan.

Ilang linggo rin akong nanatili sa hospital bago ko napagdesisyunang dalawin siya dito. Noong una nagdadalawang isip pa ako kung pupunta ba ako o hindi dahil parang bibigay ulit ang puso ko sa katotohanang hindi ko na talaga siya makikita kailanman.

Hindi ko mapaniwala ang sarili ko na okay ako. Dahil kapag mag-isa na ulit ako doon ko naaalala ang lahat ng nangyari.hanggang ngayon hindi ko matanggap ang lahat. Dumating sa puntong sinisi ko na ang Diyos sa nangyari sa aming dalawa, na alam kong mali. Kahit sinasabi nilang may rason ang lahat ng bagay na nangyayari sa ating buhay, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ganun kalupit ang kapalaran.

Inilapag ni  mama ang bulaklak na aming dala. Isang bouquet ng kalachuchi ang ipina-aarange ko sa flower shop. Ito kasi ang paborito niya at alam kong matutuwa siy kung nasaan man siya ngayon.

Nginitian ako ni mama saka nagsabing babalik na muna siya sa sasakyan at doon na lamang niya ako hihintayin.

Huminga ako ng malalim saka naupo sa tabi ng bulaklak. Sinindihan ko na rin ang dalawang kandila na aming dala saka itinirik sa kanyang lapida.

Ang bigat ng kalooban ko sa mga oras na ito. Sobrang lungkot ang aking nararamdaman. Pero wala ni isa mang luha ang pumapatak sa aking mga mata. Marahil ay pati luha kko’y naubos na dahil sa wala kong tigil na iyak nitong mga nakaraang araw.

Yu & Ai (1886) | CompletedWhere stories live. Discover now