KABANATA VI

747 79 0
                                    

-

KINAUMAGAHAN ay maaga kaming nagpunta sa palayan na sinasabi ni Baste. Isang ektarya ang lupain na ito sa pagkakatanda ko sa kwento ni Baste ay minana pa ni Tiya Aurora sa kanyang mga magulang.

"Halina kayo. At ilagay muna natin ang ating baong pagkain." sabi ni tiya. Sumilong kami sa isang dampa na yari sa kawayan at pawid. Ang nagiging lilim nito'y ang puno ng ilang-ilang na siyang nagbibigya halimuyak sa buong kaparangan. Ang huni ng mga ibon ang siyang bumabasag sa katahimikan ng paligid.

Napasimple ng buhay dito kung tutuusin . Malayong-malayo sa nakagisnan ko sa kasalukuyan.

Umupo ako sa isang putol na kahoy at pinagmasdan ang buong paligid.

"Tayo na't mag-umpisang mag-araro." sabi naman ng ni Tiyo Agapito.

"Kayong dalawang magkapatid ang siyang aalalay sa kalabaw." napaubo ako sa aking narinig hindi lang bukod sa sinabi nitong mag-aalalay kami ng kalabaw ay ang isa pa nitong sinabi . Magkapatid kami ni Baste.

"Magkapatid tayo?" bulalas ko. Napabaling naman sa akin sina Tiya Aurora , Tiyo Agapito at si Baste na tila nagulat sa aking sinabi.

"Pati ba pagiging magkapatid natin ay nakalimutan mo na?" nagtatakang tanong nito. Patay ! baka mahalata nitong hindi talaga ako si Yusebio.

"At teka nga, nitong mga nagdaang araw ay tila iba ang iyong mga sinasabi at iniisip ! May sakit ka ba?" dugtong pa nito.

Kinamalayan ko bang kapatid mo pala ang Yusebiong kamukha ko.

"Ah—eh. Nauntog ang ulo nung isang araw kaya siguro may nakakalimutan ako." palusot ko dito. Umaasang sana ay bumenta sa kanya.

Siguro nga'y nang mapunta ako dito sa nakaraan ay katauhan ni Yusebio ang aking dala-dala.

"Eto talagang bunso kong kapatid." pabirong sabi ni Baste saka ako binatukan. Medyo masakit yun ah. Kaya napahaplos ako sa aking ulo. Napatawa naman ang mag-asawa dahil sa aming dalawa.

Bunso pala ako. Pero nasaan kaya ang aming magulang. Hindi ko naman magawang itanong sa kanya dahil baka hindi lang batok ang aabutin ko.

Sumenyas ang Tiyo Agapito na pumunta na kami sa palayan. Wala pang tanim ito dahil may mga iilang damo pang nakatanim, mukha ngang aararuhin pa lang. May hati-hati ito na hugis kwadrado na may mga damo ring nakalagay. Nakita ko naman ang kalabaw sa may tabi na puro putik na ang katawan. Lalong nangitim.

Itinaas ko ang aking suot na kupas na padyama .

"Halika kana." sabi sa akin ni Tiyo Agapito.

Hindi naman ako agad makasunod sa kaniya dahil hindi ako komportable sa aapakan ko. Putik. Aminado akong hindi ako kagwapuhan ngunit hindi ko talaga makakaya na tumapak dito lalo na nang makita ko na dumumi kanina ang kalabaw dito.

"Ah. Dito na lang po ako tiyo." sagot ko dito.

"Ano namang gagawin mo diyan.?" tanong nito sa akin.

Isip ng palusot Yuan.

"Ahmm. Magbubunot po ng damo." palusot ko dito saka tinuro ang mga damong nakatusok sa may kabilang bahagi ng lupa.

"Bakit mo naman bubunutin ang tanim na palay.?" natatawang sabi ng tiyo. Napatingin ako ulit dito. Hindi ko napansin na may nakatanim na pala akala ko'y mga damo pa rin.

Palpak ang palusot mo.

Magsasalita pa sana ako ng bigla akong itulak ni Baste dahilan para tuluyang mapalubog ang mga paa ko sa putik. Halos kalahati ng aking binti ang nakalubog sa isang mapagkit na putik.

Yu & Ai (1886) | CompletedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz