KABANATA XIX

374 33 0
                                    

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin ako kinakausap ni Baste. Kinakausap ko siya simula pa kanina pang umaga ngunit hindi man lang niya ako pinapansin. Kaya katulad ng sinabi ni Esme, hahayaan ko na munang humupa ang galit niya.

Kasalanan ito ni Crisanto .

Bigla ko naman ulit naalala ang sinabi nito.

Ikakasal kami sa darating na Desyembre.”

Paanong ikakasal si Aida sa taong iyon. Wala siyang nababanggit sa akin.

Napatunhay naman ako sa pagkakaubob sa lamesa ng dumating si Esme na humahangos .

Lumapit si Tiya Aurora sa kanya.

Ano ang problema Esme? Bakit ka humahangos?” nag-aalalang tanong ni tiya. Ako naman ay tumayo at lumapit sa kanila.

Ibinaba muna nito ang bitbit na basket saka nagsalita.

May mga gwardiya sibil sa inyong palayan. Sinasabing pagmamay-ari iyon niGinoong Fuentes.” hinihingal nitong sabi.

“Si Crisanto?” tanong ko sa kanya. Isa lang naman ang Fuentes na kilala ko.

Ano ang ibig mong sabihin Esme?” naguguluhang tanong ni Tiya Aurora.

Naroroon po ngayon si Tiyo Agapito at kinakausap ang mga guwardiya sibil.” pagkasabi noon ni Esme at kaagad na akong lumabas ng bahay at nagtungo sa palayan. Sumunod naman sa akin ang mga tiya at si Esme.

Nadatnan namin na kausap ni Tiyo Agapito ang isang guwardiya sibil. Nandito na rin si Baste at napatingin ito ng dumating kami ngunit nag-iwas ito ng tingin sa akin.

Ano ang inyong ibig sabihin na may nagma-may-ari na ng lupaing ito?” tanong ni Tiyo Agapito sa guwardiya sibil.

Katulad ng inyong narinig ay may nagmamay-ari na nito. At walang iba kundi si Ginoong Crisanto.” inis na sagot ng guwardiya.

Paanong nangyari ‘yon? Gayong pamana sa akin ng aking yumaong magulang ang sakahang ito?” naiiyak na tanong ni Tiya Aurora. Nilapitan naman ito ni Esme at pilit pinapakalma.

Hindi namin ibibigay ang sakahan na ito.” matigas na sabi ni Baste.

“At bakit hindi mo ito ibibigay?” napalingon kami sa lalaking nagsalita. Bumaba ito sa karwaheng sinasakyan saka lumapit sa amin. Yumuko naman ang mga guwrdiya sibil para magbigay galang sa kanya.

Ano ba ang balak ng lalaking ito?

Anong ibig nilang sabihin na iyo ang lupaing ito?” tanong ko sa kanya ng makalapit ito sa amin.

Tumingin ito sa akin saka ngumisi ng nakakaloko.

Susuntukin ko na sana siya ng biglang humarang ang mga guwardiya sibil. Inawat naman ako ni Baste na ngayon ay pilit akong pinapakalma.

Bibigyan ko kayo ng dalawang araw na palugit para anihin ang lahat ng pwede ninyong anihin sa lupaing ito. Pagkatapos noon ay akin  na ang lupaing ito.” determinado nitong sabi saka tumalikod.

Magkakamatayan muna tayo bago ninyo makuha ang lupaing ito!” galit na sabi ni Baste. Hinawakan ko ito sa braso dahil baka hindi ito makapagpigil ay sugurin si Crisanto.

Tingnan natin kung hanggang saan ang itatagal ninyo.” pagkasabi ay agad na itong sumakay sa karwahe at saka umalis.

Napaluhod naman si Tiya Aurora kaya kaagad kaming lumapit sa kanya. Namumutla ito kaya napagpasyahan naming umuwi na muna sa bahay.

Yu & Ai (1886) | CompletedWhere stories live. Discover now