KABANATA XX

344 27 0
                                    

“Ano ang sabi ng kapitan heneral?” tanong ni Tiya Aurora ng makarating kami sa bahay.

Hindi naman umimik si Baste kaya ako na lamang ang nagsalita.

Pag-iisipan pa daw niya ang magiging desisyon tungkol sa sakahan.” malungkot kong sabi saka pumunta ng kusina para uminom. Bigla namang nagsalita si Baste.

Mukhang paghihintayin lamang tayo sa wala ng kapitan heneral na iyon!” kita mo ang galit sa kanyang mga mata. Hindi ko man siya  nakasamang lumaki ramdam ko na may maari siyang gawin na alam kong ikakasama niya sa huli at hindi ko hahayaang mangyari iyon.

“Paano kung kuhanin talaga sa atin ang sakahan, ano ng mangyayari sa atin Agapito?” tuluyan ng  napaluha si Tiya Aurora. Ako man ay bumigat din ang dibdib hindi ko kayang makita na ganito ang pamilya ni Yusebio.

Magaling pa nga ay atin ng anihin ang mga gulay sa sakahan ng sa gayon ay atin pa itong mapakinabangan.” sambit naman ni Tiyo Agapito

Huwag kayong magalala hanggat nabubuhay ako hindi nila ang makukuha ang lupang pinaghirapan ninyo.” napatingin ako kay Baste dahil sa sinabi niya.

Alam ko kung ano ang pinanggagalingan ng galit niya. Dahil nawala lupain nila at namatay ang mga magulang nila ni Yusebio.

Bumuntong hininga muna ako saka bumalik sa kanila. Tumayo naman si Baste at lalabas ng pintuan ng bigla ko itong tinawag.

“Saan ka pupunta?” tanong ko sa kanya, lumingon naman ito at tumingin sa akin.

Kay Crisanto.” maikli nitong sagot

At ano ang gagawin mo dun?” nagaalala kong sabi

Kakausapin ko siya at papakiusapan na huwag kuhanin ang sakahan.”

Makikiusap ka sa taong iyon? Alam mong hindi ka nun papakinggan.” pagpapaliwanag ko sa kanya.

Alam ko at kahit lumuhod pa ako sa harapan niya gagawin ko kung yun lamang ang tanging paraan para hindi niya kuhanin ang sakahan!” matigas na sabi nito

Maraming pang paraan  at hindi mo kaylangang lumuhod sa harap ng taong iyon!”

Sa katulad nating dukha ang pagpapakumbaba at pagluhod sa harap ng mga makapangyarihan ang tanging paraan para makuha mo ang hustisyang iyong hinahangad!”

Natulala ako sa sinabi niya. Hindi ko akalain na ganitong mundo ang dadtanan ko dito. Mundo na kung saan hindi pantay ang mayaman at mahirap. Isang mundo na nanatiling buhay hanggang sa hinaharap.

Tuluyan  ng lumabas ng bahay si Baste at hindi ko na ito nagawang pigilan pa. Napalingon ako kina tiya Aurora na ngayon ay umiiyak. Buong buhay nito ay ginugol niya sa sakahan at hindi ko alam kung paano ko pagagaanin ang kanyang pakiramdam.

Lumabas na muna rin ako ng bahay dahil pakiramdam ko ay sinasakal ako dahil sa lungkot ng paligid.

Naiiyak ako dahil parang ang hina-hina ko. Wala akong magawa para tulungan ang pamilya ni Yusebio. Ang hina ko sa ganitong bagay kahit noong nasa kasalukuyan pa ako.

Ilang taon ko rin bago natanggap ang pagkamatay ni Papa. Hinang-hina ako ng mga panahon na iyon.

Bigla ko namang naalala  na ngayon ang balik nila Aida mula sa San Marcelino. Kaya kaagad akong nagtungo sa bahay nila .

Naghintay muna ako sa may likod ng puno nagbabakasakaling makikita ko siya. Lumabas naman ng bahay si Feli na may dalang basket mukhang mamalengke.

Nang malapit na ito sa kinatatayuan ko ay sinitsitan ko ito na kaagad namang lumingon sa akin.

Ano ang iyong ginagawa rito ginoo?” tanong nito ng makalapit ito sa akin.

Hindi ba’t sabi mo ay ngayon ang balik ni Aida mula sa San Marcelino?” tanong ko sa kanya

Tumango naman ito kaagad.

“Kung ganun ay nasaan siya? Gusto ko siyang makausap.” hinawakan ko ang magbilang balikat nito na nagulat naman dahil sa aking ginawa kaya kaagad akong bumitaw. “Maari bang sabihin mo na magkita ulit kaming dalawa, sa dampa sa may lawa. Hihintayin ko siya.” pagkasabi ko ay umalis na agad ako.

--

Hindi ko alam kung makakapunta nga ba si Aida ngayon dito. Ngunit maghihintayin pa rin ako at magbabakasali.

Napalingon ako ng umagitgit ang tulay na kawayan. Napatayo ako ng makita kung sino ang tumatawid. Nilapitan ko siya at inalalayan na makaliban.

Magandang gabi ginoo.” nakangiti nitong sabi. Namiss ko ang mga ngiti niya kaya napangiti rin ako.

Mas maganda ka pa sa gabi.” lalo naman itong napangiti sa aking sinabi.

Ano nga pala ang iyong sasabihin sa akin? Ang kwento ni Feli ay mukhang mahalaga ito?” inalalayan ko muna siyang maupo sa isang mahabang upuan na yari rin sa kawayan.

Hindi ko mawari ngunit nitong mga nagdaang gabi ay may napapanaginipan akong babae. At kamakailan lang ay lumiwanag ang mukha nito.” tumingin muna ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya bago pinagpatuloy ang sasabihin ko. “At ikaw ang babaeng iyon.”

Tiningnan lamang niya ako. Tingin na parang alam niya ang sinasabi ko. Ngumiti muna ito bago nagsalita.

Salamat naman at naalala mo na ako mahal.” nabitawan ko ang kamay niya dahil sa sinabi nito.

Salamat naman at naalala mo na ako mahal.”

Paulit-ulit kong naririnig ang mga salitang sinabi niya sa mga oras na ito.

Naalala?

A--anong ibig mong sa-bihin?” nauutal kong sabi dahil nalilito na ako.

“Hindi ba’t sinabi ko na magkikita tayong muli. At masaya ako na naalala mo na ako Yuan.” lalo akong naguluhan ng banggitin nito ang pangalan ko sa kasalukuyan.

“Maari bang ipaliwanag mo sa akin ang lahat ako ay naguguluhan binibini.” hinawakan ko muli ang kamay niya ngunit bago pa man siya makapagsalita ay dumating si Feli.

Binibini, gising na si Inang baka hanapin ka niya kaya marapat lang na bumalik na po kayo sa bahay ngayon din.” nag-aalalang sabi nito

Tumayo naman ito saka lumakad patungo kay Feli.

Balang araw maiintindihan mo ang lahat ng ito.” tumayo na rin ako para pigilan siya ngunit tumalikod at naglakad palayo.

Napaupo akong muli dahil bigla akong nanghina sa mga sinabi niya.

Bakit wala akong naalala tungkol sa kanya?

---

Madilim na rin ang kapaligiran ng mapagpasyahan kong bumalik sa bahay. Hindi kalayuan mula sa akin ay may narinig akong sigaw ng isang bata.

Napalingon ako sa pinanggalingan nito at nakita ko ang isang bata na binubugbog ng mga gwardiya sibil.

Napakaripas ako ng takbo ng makita ko kung sino ito.

Si Manuel.

Yu & Ai (1886) | CompletedWhere stories live. Discover now